Hindi makapaniwala si Becky sa sinabi ni Irin. Nakaramdam naman ito ng saya dahil sa narinig mula rito sa dalaga.

"T-talaga Irin? S-salamat! Sabay tayo nito na kahit hindi na kaya sabay yakap nito ng mahigpit, niyakap rin siya ni Irin.

"Pre, bitawan mo na syota ko.. respeto naman andito ako..😅

"Tsk! Kahit kailan talaga napaka selosa mo! Maktol naman ni Becky na agad namang umupo pabalik.

"Tutulungan kita Becky, pero mangako kang aayusin mo itong lahat!

"Pangako Irin.. aayusin ko ito! Napangiti naman si Irin sa sinabi nito.

"Oh sha sige na magpahinga na tayo lalong lalo na kayung dalawa.. sinama mo pa talaga itong nobya ko sa pag inom.

Tumawa lang ang dalawa kaya nakitawa narin si Irin.

"Oh pre, tulog kana jan.. at matutulog na rin ako dahil maaga kapang umuwi bukas para kumuha ng gamit mo.

"Sige pre, goodnight sa inyung dalawa.. Sabay higa nito.

"Good night din, pre! Sabay pasok nila sa kwarto.

.....

Kinabukasan ay nagayos na sila ng gamit dahil pupunta sila sa Probinsya kung saan nakatira si Irin. Hinintay pa nila si Becky dahil umuwi ito para kumuha ng iilang mga damit.

"Daddy? Saan po kayo pupunta?

"Sa probinsya ng nobya ng ninong Noey mo..

"Huh? Ano pong gagawin niyo doon?

Lumingon si Becky sa anak habang inaayos nito ang mga damit niya na pinapasok sa isang bagpack. Nilapitan niya ito niyakap ng mahigpit.

"Pupunta ako roon dahil andun ang kapatid mo at si tita Freen mo. Kakausapin ko siya at pangako ibabalik ko sila rito.

"Kung pwede lang sasama, pero mas mabuti pang hintayin ko nalang ho kayo dito. Pangako niyo po sa akin na balik kayo agad tas pag balik niyo kasama niyo na ho sila.

Napangiti naman si Becky sa sinabi ng anak kaya tumango nalang ito at niyakap ulit ng mahigpit.

"Pangako anak, magiging kompleto tayo ulit. Oh sige na kailangan ko ng umalis tsaka mag ayos ka na rin at may pasok kapa.😊

"Sige po daddy!😊 Sabay halik nito sa pisngi ng ina at tuluyan ng lumabas sa kwarto ni Becky.

Isang oras ang lumipas ay nakarating narin si Becky, hindi na ito bumaba sa kotse at bumusina nalang. Agad namang lumabas ang dalawa dala ang bag na pinaglagyan ng mga damit nila. Tahimik ang biyahe papunta sa airport dahil gagamitin nila ang private plane ni Becky para mabilis silang makarating sa probinsya. Nang makarating sila ay agad nilang sinakay ang kanilang bagahi at mga minuto lang ay umandar na ito.

Isa at kalahating oras lang ay nakarating na sila sa probinsya kaya agad na silang lumabas ng airport at pumara na ng taxi at pumasok na. Ilang minuto lang ay nakarating na sila sa lugar kung saan nakatira sila Irin, agad namang kumatok si Irin at hindi rin naman nagtagal ay pinagbuksan sila at ang mama ni Irin ang nagbukas. Nagulat naman ito ng makita niya ang kanyang anak na hindi maka paniwalang nasa harapan niya na ito kaya agad niya itong niyakap.

"Anak, bakit hindi ka nagsabi na uuwi ka?

"Para surprise po mama..

"Oh may mga kasama ka pala, sino² sila anak?

BeckFreen (One SHOT)Where stories live. Discover now