CHAPTER XXVII: SHOOTING STARS

Start from the beginning
                                    

"T-tingin mo ba, maaayos ng sorry mo lahat ng sakit na nararamdaman ni inay?!"  Alam n'ya sa sariling hindi lang ang sakit ng ina ang tinutukoy n'ya pero wala s'yang sapat na lakas ng loob na isumbat sa ama lahat ng pinagdaanan n'ya. Bahagya n'yang ikinurap ang mga mata ng maramdamang nagsisimula na s'yang maiyak, ganoon pa man ay buong tapang n'yang tiningnan pa rin sa mata ang ama. "Hindi mababalik ng sorry mo lahat ng paghihirap na dinanas namin ng dahil sa'yo, napakakapal mo naman para basta na lang magpakita sa harap ko at umasang mapapatawad kita ng ganoon kadali-"

"-Alam ko! Oo mali ako!" Sigaw nito na ikinahinto n'ya, hindi s'ya nakaimik ng mapansin ang panunubig ng mga mata ng kan'yang ama. "Nagsisisi ako! Pinagsisisihan ko lahat! Alam kong naging duwag ako! Wala akong magawa! Kahit gustuhin kong bumalik sainyo hindi ko magagawa!"

"Dahil ayaw mong gawin!" Sigaw n'ya rin.

Umiling ang matanda. "Dahil mamamatay si Amelia kapag pinili ko s'ya!" Nanghihinang sigaw nito sa kan'ya, tumulo na ng tuluyan ang mga luha n'ya ng marinig iyon. "Nagbanta sila....may mangyayaring masama sa inay mo kapag ipinilit ko....alam kong hindi lang basta masama iyon, papatayin s'ya! Alam kong papatayin s'ya ni papa kapag pinili ko s'ya!"

"P-patayin?" Ulit n'ya, pakiramdam n'ya lumulutang ang isip n'ya dahil sa narinig.

Tumango ang itay n'ya. "Kaya mas pinili kong sumunod sa kanila! Ayos ng ako ang mawala sa inyo....huwag lang ang inay n'yo, mas kailangan n'yo s'ya...higit sa a-akin..."

"P-pero sabi ni Cornellia kung maibabalik n'ya lang ang lahat sana ay tumutol s'ya! Ibig sabihin maaaring tutulan ang sainyo!" Pilit n'ya.

Malungkot na bumuntonghininga ang ama n'ya. "Sa pamilya n'ya ay maaari ngunit sa amin ay wala akong ibang pagpipilian, nagawa ko mang talikuran iyon hanggang sa lumaki kayo ngunit hindi basta papayag si papa na hindi kami magsasama ni Cornellia kahit pa ang kapalit ay patayin ang inay mo."

"A-anong klaseng pamilya ang mayroon ka...?" 'Di makapaniwalang sambit n'ya, hindi n'ya maintindihan kung bakit para lamang sa bagay na iyon ay papatay ang lolo n'ya.

"Isang pamilya na walang ibang mahalaga kundi yaman, kapangyarihan at katayuan sa lipunan." Mahinang sagot nito, napakurap-kurap s'ya sa narinig. Iba pa rin pala kung sa mismong ama n'ya maririnig ang lahat kahit pa alam n'ya noong walang puwang sa angkan nito ang mahirap na katulad n'ya at ng inay n'ya ay iba pa rin pala ang kirot kapag nalaman mong tama ang lahat ng nalalaman mo. "Kaya patawad kung wala akong magawa...patawad kasi mas pinili kong maging duwag.." sambit nito habang hindi makatingin.

Matagal s'yang hindi umimik, nagtatalo ang puso at isipan n'ya kung ano ang dapat gawin. Kitang-kita ng mga mata n'ya ang sakit na dinadala ng kan'yang ama pero hindi n'ya magawang pumikit basta-basta dahil ramdam n'ya pa rin ang sakit na matagal na n'yang binibitbit, nabawasan man iyon dahil sa mga narinig at nalaman ay hindi basta-basta maghihilom ang lahat ng dahil lamang sa paghingi nito ng tawad.

Ganoon pa man ay hindi na n'ya pinigilan pa ang sarili, mabilis s'yang lumapit at niyakap ng mahigpit ang kan'yang ama. Nagulat ang matanda sa ginawa n'ya ngunit wala s'yang pakealam, bago pa man s'ya nito mayakap din ay agad na s'yang bumitaw at dumistansya.

"Hindi ibig sabihin nito ay ayos na tayo," hindi makatinging sabi n'ya. "Galit pa rin ako sa'yo." Dagdag n'ya saka nag-abang na ng taxi.

"Teka, saan ka pupunta?" Tanong ng ama n'ya ng pumara s'ya ng taxi.

Binuksan n'ya ang pinto ng huminto iyon sa harap n'ya. "Susunduin ang anak ko." Walang lingon-lingon na sagot n'ya saka pumasok na.

Napabuntonghininga na lang s'ya at napasandal sa kinauupuan ng makalayo ang sinasakyan n'ya, pakiramdam n'ya'y nanghihina s'ya ng husto dahil sa nangyaring iyon. Matapos n'yang sunduin ang anak ay agad silang dumiretso kay Jackson.

San Lazarus Series #6: Onerous ✔Where stories live. Discover now