“Hindi na ba talaga magbabago ang desisyon mo?” si Kuya Caleb iyon.

Isang araw na lang bago ako umalis. Bumalik pa dito si Kuya Caleb para lang daw makasama ako bago ako manirahan na sa ibang bansa.

“This is for the best. Para sa akin at para sa baby ko.” Hinaplos ko ang tiyan ko. “Sure ako na magiging okay naman kami doon sa Poland.”

“Darlene, forgive me. I was an asshole. Hindi man l—”

I cut him off. “Cut the drama. I understand, Kuya. Mahal mo talaga si Kendra?”

Hindi siya sumagot kaya natawa ako.

“She’s a bitch. Ginagamit ka lang niya.”

“I know,” he answered weakly.

Nanlaki naman ang mata ko.

“Fuck. Then why did you let her?”

He chuckled. “Because I love her?”

“Oh, damn it. Magkapatid nga talaga tayo,” I replied. Natatawa na rin dahil sa mga katangahan namin.

“About Simon. Hindi ka ba magpapaalam?”

“No need. Nagpaalam na ako sa kaniya last month pa. Maayos na siya kaya dapat maging maayos na rin ako,” kalmado kong sagot.

“He loves you.”

Naramdaman ko na naman ang pagkirot ng puso ko. Tumingala na lang ako sa kalangitan habang marahan kong dinuduyan ang upuan ko.

“It doesn’t matter. Bata pa naman kami ni Simon. Makakahanap pa siya habang ako? Hindi na siguro. Sapat na sa akin yung anak ko.”

“I can’t believe how beautiful you’ve grown, Darlene.”

Umiling ako. “Problemado lang ako kaya akala mo matured na ako.”

“I know it’s a lot to take in— the issues, the baby, the change in environment, but I’m sure you can handle it. You’re a strong woman, Darlene.”

Pero hindi ako palaging malakas, Kuya.

Pinipilit ko lang ang sarili ko na kayanin ang lahat dahil wala naman akong choice. Ako rin naman ang may kasalanan kung bakit ako napunta dito kaya kailangan kong harapin iyon.

“Kuya, I am scared.”

I sighed. “T-that’s the truth. Natatakot ako! Natatakot ako dahil bata pa ako. N-na baka masaktan ko lang ang anak ko. B-baka hindi ako maging mabuting ina.”

Namuo na naman ang luha sa mata ko. Nilingon ako ni Kuya bago niya pinisil ang kamay ko.

“Sasamahan ka namin. Hindi namin nagawa iyan sa’yo nitong mga nakaraang taon kaya babawi kami sa’yo at sa magiging pamangkin namin,” sagot pa niya.

“H-hindi ko na alam. M-minsan tingin ko ayos lang ako pero kapag nagsi-sink in na sa akin na magkakaanak ako. N-natatakot ako.”

Nakita ko rin ang pangingilid ng luha sa mata ni Kuya.

“Patawarin mo si Kuya, ha? Akala ko kasi ayos ka lang nitong mga nakaraang taon. Hindi ko alam na ganiyan na pala ang nararanasan mo.”

I shook my head. “Syempre may kaniya kaniya na rin kayong buhay. Ayaw ko lang na maging sagabal.”

“Hindi ka sagabal, Darlene. Tandaan mo iyan,” sabi ni Kuya.

“Please don’t tell Kendra about this baby. I know you love her, but I don’t trust her.”

He nodded. “I understand.”

Ang bilis ng transition sa buhay ko. Parang kailan lang nang magpalipat-lipat ako sa condo ko at condo ni Simon tapos ngayon parang hindi ko na siya maabot.

Endless Harmony (The Runaway Girls Series #3)Onde histórias criam vida. Descubra agora