Part 10 of 10

1.3K 76 45
                                    

♥♥♥♥

Part 10

"Martin? Anong nangyari sayo?" Gulat na tanong ni Mama nang umuwi ako sa bahay.

Napayuko ako at dali-daling tumakbo papasok sa aking kwarto. Sinara ko ang mga bintana at ni-lock ang pinto.

Umupo ako sa kama at napahagulhol sa pag-iyak. Tila nag-uunahan ang aking mga luha mula sa dalawa kong mga mata.

"Faye...Im sorry, patawarin mo ako.."

Hindi ko akalain na dahil sa kagaguhan ko ay mapapahamak ang pinaka mamahal kong babae.

Ilang saglit lang ay may kumatok sa aking pintuan. Napapikit ako at hindi ito pinansin. Makailang ulit pa itong kumatok.

Huminga ako ng malalim at agad na tumayo para buksan ang pinto. Bumungad sa akin si Dianne. May mga luha sa kanyang mga mata katulad ng akin.

"K-Kuya...si ate Faye..."

Lalo akong humagulgol sa pag-iyak at ganun din sya. Inabot sa akin ni Dianne ang isang paper bag. "K-Kuya Martin, nakita yan na dala ni ate Faye kanina...para sayo daw yan."

Pinunasan ko ang aking mga luha. Agad ding tumalikod sa akin si Dianne at umalis. Muli kong sinara ang pinto.

Lumakad ako at umupo sa kama. Binuksan ko ang paper bag at muli akong humagulgol sa pag-iyak dahil sa aking nakita. Isang checkered polo na kulay pula. Wala na akong nagawa kundi yakapin ito habang umiiyak.

.

.
"Hindi ko akalain pare na..." Hindi na maituloy ni Henry ang kanyang sasabihin.

Ngumiti lang ako sa kanya. "Ang epic ng love story namin noh?" Natatawa kong sabi. "Bumalik ako sa pagiging holdaper para sa kaligayahan nya, pero kapahamakan pala ni Faye ang nag-aabang. Napaka ironic talaga ng buhay."

"Ano na bang nangyari kay Faye? Ayos lang ba sya?"

Napabuntong hininga ako. "Sana maayos na ang kalagayan..sana mapatawad nya ako sa nagawa ko." Tumingin ako kay Henry at muling ngumiti. "Iyon rin ang dahilan kung bakit mo ako kasama ngayon dito.."

.

.
Nilagyan ni Sgt. Rosales ng posas ang aking mga kamay at lumakad kami palabas ng hall of justice. Palabas palang kami, nakakarinig na ako ng mga taong nagkakagulo.

"Nandito po tayo ngayon sa harap ng Manila Hall of Justice at kasalukuyan pong ginaganap ang pagdinig sa kaso ni Faye Villanueva.."

"Isang lalaki ang nasa edad labing-walo ang sumuko sa mga pulis at sinabing sya ay isa sa mga sumaksak sa isang estudyante ng De La Salle University na si Faye Villanueva.."

"Kabayan, patuloy pa rin pong nag-aabang ang mga tao dito sa harapan ng hall of justice at karamihan sa mga narito ay estudyante ng unibersidad na pinapasukan ni Faye Villanueva, at ang sigaw nila...hustisya para sa kanilang kaeskwela.."

"HUSTISYA PARA KAY FAYE!!"

Huminto si Sgt. Rosales at tumingin sa akin ng seryoso. "Maraming press ang naghihintay sayo sa labas, hangga't maaari sana wag kang sasagot sa mga tanong nila."

Tumango lang ako kay Sgt. Rosales at muli kaming naglakad.

Katulad ng sinabi sa akin ni Sgt. Rosales, bumungad sa akin ang media, gayundin ang mga kaeskwela ni Faye.

"MAMAMATAY TAO!!" Sigaw nila.

"HAYOP KA!! DEMONYO KA! MAMAMATAY TAO!!"

Pilit na pinigilan ng mga otoridad ang mga nagpoprotesta na makalapit sa akin.

Taken Away (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon