Part 6 of 10

785 39 25
                                    

♥♥♥♥

Part 6

"Edi nagbago ka talaga para kay Faye?" Tanong sa akin ni Henry.

"Oo. Hindi naman mahirap magbago kung gugustuhin mo talaga eh."

"Eh bakit ka pa rin nakulong?"

"Kasi nga gusto kong pagsisihan lahat ng nagawa kong kasalanan."

"At ang pagsuko sa otoridad ang ginawa mong paraan para mapagbayaran ang mga kasalanan mo?" Ngumiti ako kay Henry at tumango.

Isang pulis naman ang lumapit sa aming selda. "Martin Flores, pinabibigay sayo ng kapatid mo." Inabot sa akin ng pulis ang isang paper bag.

"Si Dianne? Nasaan po sya?" Tanong ko.

"Umalis din kaagad. May pasok pa daw sya sa eskwela. Pinapasabi rin nya na bukas nalang sya bibisita sayo."

"Si Sgt. Rosales po? Dumating na po ba sya?"

"Bakit? Anong kailangan mo kay Sgt. Rosales?"

"Yung ni-request ko po kasi sa kanya, gusto ko lang po malaman kung nabili na nya."

Tumingin ang pulis sa kanyang relo. "Naku hijo, alas-singko na pala. Malamang umuwi na yun si Sgt. Rosales sa bahay nila."

"Po?! P-Pero hindi po pwede, baka magalit sa akin ang girlfriend ko."

"May bukas pa naman. Hindi naman mauubos ang araw." Umalis na din kaagad ang pulis.

Napabuntong hininga nalang ako. "T*nginang Sgt. Rosales yan, napaka sinungaling."

"Paano yan?" Tanong ni Henry.

"Hindi ko nga alam eh. Siguradong magtatampo na naman sa akin si Faye nito."

"Gusto mo bang tumakas nalang tayo?"

"Gago ka ba? Sumuko nga ako sa pulis para pagbayaran ang mga kasalanan ko tapos yayayain mo akong tumakas."

Napakamot sa ulo si Henry. "Kung sabagay, pero paano si Faye? Baka makipagbreak sayo yun."

Natawa ako ng bahagya sa sinabi nya. "Hinding-hindi makikipagbreak sa akin si Faye. Mahal kaya ako nun."

.

.
"Oo, nandito ako sa harap ng Mercury drug store, sa gilid ng Market-Market."

[Nasaan ba banda? Hindi naman kita makita eh.]

"Nakatayo lang ako dito. Nasaan ka na ba?"

[Ay ito na, nakita na kita babe.]

Ilang saglit lang ay may humintong sasakyan sa aking harapan at nakita kong bumaba niyon si Faye. Napahinto ako nang makitang si Dennise ang nagmamaneho ng sasakyan.

"Hi babe, tara na?" Nakangiti nyang tanong.

"Faye, mauna na ako ha," sambit ni Dennise. Tumango lang si Faye sa kanya. Sinundan ko pa ng tingin ang papaalis na sasakyan ni Dennise.

"Bakit kasama mo sya?" Tanong ko.

"Wala kasi yung driver namin kaya kay Dennise nalang ako nagpahatid."

"DIBA SINABI KO SAYONG AYAW KONG SUMASAMA KA SA KANYA?!" Sigaw ko.

"AYAN KA NA NAMAN MARTIN! NAGPAHATID LANG AKO SA KANYA!"

"KAHIT PA! SUMAMA KA PA RIN SA KANYA!"

"Tsk. Martin naman, lagi nalang ba nating pag-aawayan yan?"

"Kung ayaw mong mag-away tayo, wag kang sumama sa kanya."

"Pero kaibigan ko si Dennise, hindi maiiwasan na makasama ko sya. Alam mo naman yun eh."

Taken Away (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon