Chapter 29

217 7 3
                                    

Chapter 29

"I was planning to go inside with you. Is there any objection to that?" Nagkatinginan sila sa isa't isa pero ni isa sa kanila ay walang tumutol sa kagustuahan ko. Miski ako ay nagulat ng hindi tumutol si Theron. "Then, let's end this war with Nikolaus." Dugtong ko pa.

Bago ako tuluyang pumasok, hinawakan ko ang kwintas na nakasabit sa leeg ko na bigay pa sa akin ni Tatay noong 18th birthday ko. Kung sakaling hindi na ako makauwi sa kanya pagkatapos ng laban na ito, I know he'll be okay without me...

"Are you sure about this?" Hinawakan ako ni Theron sa braso para pigilan.

"Siguradong-sigurado na 'ko, Theron," sagot ko at hinawakan ang kamay niya para alisin ang pagkakahawak nito sa braso ko.

"Just stay here. Kami nalang ang papasok." Dahil doon, napalingon din tuloy iyong iba sa akin.

"Tama si Theron, Miss Malia. Delikado kung sasama ka pa sa loob," sabat ni Nero.

"We'll make sure to get out alive with boss," sabat din ni Ryker.

Napabuntong-hininga ako at tiningnan sila isa-isa. Alam ko namang nag-aalala sila para sa akin pero hindi naman ako mapapakali kung maiiwan lang ako rito sa labas habang hinihintay sila. Mas gugustusin ko nalang na sumama sa kanila sa loob at tulungan sila.

"Huwag kayong mag-alala sa 'kin. Tsaka nakalimutan niyo na ba?" Tinaas ko ang baril na hawak ko na si Nikolaus mismo ang nagbigay sa akin. "Nikolaus trained me in using gun for situations like this." Dugtong ko pa para naman mabawasan man lang kahit kaonti ang pag-aalala nila sa akin. Tsaka nandyan naman sila, alam ko naman na hindi rin nila ako pababayaan.

Wala na silang nagawa dahil mapilit ako at nakapagdesisyon na rin. Hindi na nila ako mapipigilan pa kahit anong pang pagpipilit nila sa akin.

Pagkapasok namin sa loob, buong mansyon ay tahimik. Tanging mga putok lang ng baril mula sa labas ang naririnig namin dito mula sa loob. Idagdag pa na malinis ang mansyon at tila wala pang gulong nangyayari rito sa loob. Pero base sa kanila, kanina pa nakapasok si Nikolaus dito.

Nasaan naman kaya si Nikolaus?

Nahati kami sa tatlong grupo para mabilis na mahanap si Nikolaus. Malaki kasi ang mansyon. Halos triple ito ng mansyon ni Nikolaus sa Pilipinas. Kaya kung magsasama-sama lang kami, baka hindi namin agad makita si Nikolaus.

Ang kasama ko ay si Theron. Samantalang sina Nero at Avel, at sina Ryker at Faolan naman ang magkakasama.

Sina Nero at Avel ang sa ground floor. Kami naman ni Theron ang second floor, at sina Ryker at Faolan naman ang sa third floor. Mabilis namin ira-radio ang isa't isa kapag may kahina-hinala kaming nakita o kapag nakita na namin si Nikolaus.

Katulad sa baba, pagkaakyat namin ni Theron sa second floor ay napansin din namin na tahimik dito. Tiningnan namin ang bawat kwarto pero wala kaming napansin na kahina-hinala o mga bakas ng laban na nangyari. Halos lahat din ng kwarto ay malinis at hindi nagulo.

Ngunit sa pagliko namin sa kaliwang bahagi ng hallway, doon na lumantad sa amin ang basag-basag na mga flower vase, mga bala ng baril sa pader at dingding, at mga tulo ng dugo sa sahig at bakas ng dugo na hugis kamay sa pader.

Nakakunot lang ang noo ko habang sinusuri ang area na ito. Wala naman kaming nakita miski isa na nandito. Paano magkakadugo rito?

Ang kanina tuloy na pagtataka ay napalitan ng kaba at takot. Napahawak pa ako sa dibdib ko habang diretsong nakatigtig sa bakas ng dugo na hugis kamay mula sa pader.

"Kaninong dugo ito?" Wala sa sariling sambit ko. "Huwag naman sanang... kay Nikolaus." Pero nasisiguro ko na kamay ng lalaki ito.

"Don't jump to conclusions. He's not someone who dies easily." Sambit ni Theron na nangunguna sa akin sa paglalakad. Narinig niya pala ang sinabi ko.

Hide and Seek (A Dark Mafia Needs A Wife) - CompletedWhere stories live. Discover now