Kabanata II

114 8 4
                                    

Kabanata II

Dionisio Cardinal


"Dapat ay magkaibigan din tayo, Lex. Matalik na magkaibigan ang Papa mo at tiyahin ko. Magkakampi tayo, okay?"

Iyon ang natatandaan kong sinabi ni Timothy Laguardia sa akin sa byahe pabalik ng Victoria, bukod sa pagkukwento niya sa pagkakaibigan ng mga mahal namin sa buhay. Tumango-tango naman ako at mangha rin sa kuneksyon namin.

Anak ni Alpha Lewis. Pamangkin ni Rosangela Laguardia.

"You think they were in a relationship?" ngiting-aso ni Timothy.

Hindi ako kaagad nakapagsalita. Actually, I was thinking about that since I had their picture...

Buti na lang ay malapit na kami sa bahay ng mga Lewis kaya nagpaalam na si Timothy ngunit hindi na bumaba pa. Mukhang malapit din talaga siya sa mga Lewis dahil nakipagbatian pa kay Mang Leonid na nagulat na naman nang makita ako sa pangalawang pagkakataon.

"Mang Leonid, hindi po kita sinusundo ha! Baka pagkamalan mo na naman akong tatay ko."

The Lewis clan was thrilled to have me under their turf.

"Dito ka na lang magkwarto sa dating kwarto ng Papa mo, Alexine," nakangiting alok ni Tita Palmer, minumwestra sa akin ang silid.

My eyes wandered in excitement...but I shook my head and did not go inside yet, kahit na kating-kati ako.

"Kukwarto na lang po ako sa ibaba gaya ng kila Solarys. Ayoko po muna sanang galawin ang mga ito."

I had just decided that since I was already here, I would do what I craved the most: know my father. He may be dead but this place was his home, now mine. The memories he left here was still intact, and I planned on using that to know him better, not erase it.

Manghang napatango si Tita Palmer bago ako iginiya sa mga kwarto sa ibaba. Malalaki ang mga iyon dahil may tagalawang double deck. Apat na tao ang kaya sa isang bedroom. Once again, I was reminded that Lewis was a family of soldiers kaya kahit sa hapag kainan ay parang mess hall at nakahanay ang mga long table.

"Goodnight, Alexine!" rinig kong sabi ni Solarys sa ibabang kama, ako ang nasa taas. "Don't let the bed bugs bite!"

"Goodnight."

Hindi ako nakatulog kaagad. Bukod pa sa malikot matulog ang higanteng si Solarys kaya buong double deck ay nanginginig ay marami akong naiisip. Kanina, tumawag ako kina Lola Faola upang ipaalam na rito na muna ako sa Victoria. Nangako akong bibisita kapag summer at tuwang-tuwa naman ang matanda dahil makakapag-aral na ulit ako. Maging si Tito Max ay tinawagan ko rin.

"Sorry for not telling you immediately about what happened, hijo. I believe it would rob you of knowing on your own. I'm glad that...you're treated there nicely. Matutuwa si Alpha."

Marahil sa sinabi ni Timothy kanina ay hindi ako mapanatag. I kept thinking about that woman. His partner, they all said, his bestest friend...Rosangela.

Ikinasal naman si Mama at Papa pero buntis na si Mama noon. Ibig sabihin ba ay pwedeng napilitan lang si Papa? Na inuna lang niya ang responsibilidad pero ang totoo ay may mahal palang iba?

Hindi ko nagustuhan iyon. It bothered me more than anything pero dahil na rin sa mga preparasyon para sa agarang pagtira ko roon ay nakalimutan ko pansamantala.

"Kumusta?! Pasado ka ba?!"

Kalalabas ko lang sa kwartong pinag-exam-an nang bumungad sina Solarys, Ara at Slava (ang kambal), at Abraham. Pare-pareho sila ng unipormeng kulay maroon. Jumper na may ribbon para sa babae at maroon na slacks para sa lalaki. The seal of the church was also the seal of the school woven in their right chest.

Horrors in the Light (Ruins of Helen #1)Where stories live. Discover now