Chapter 9

7.8K 279 197
                                    

Chapter 9

"Asia, bakit hindi mo raw pinapansin si Ruzzel?" Sigaw ng classmate kong si Roy. Napatingin ang iba sa akin habang nag painting ako ng mural. Si Atzie na binigyan ako ng makahulugang tingin.

Thursday na ngayon at bukas ang last day ng culminating. Ilang araw ko nang iniiwasan si Hades. Nararamdaman ko kasi na mali 'to. Mali 'yung nararamdaman ko para sakaniya and I won't take a risk. Hindi pupwedeng lumalim.

"Atzie, pakuha ako ng color yellow na brush," Sabi ko kay Atzie pero nakita kong si Hades ang tumakbo at siya ang nag abot ng brush.

Hindi ako lumingon at kinuha ko na lang 'yung brush. Everyone was looking at us which made it more awkward.

"Ruzzel, patulong po. Kuhanin sa faculty room 'yung ibang painting materials," Narinig ko ang boses ni Lyka.

I looked at my side and saw Hades looking at me. Parang wala siyang narinig at sa akin nakatingin.

"Gusto mo bang sundin ko si Lyka?"

Natigilan ako sa tanong ni Hades. Hindi ko alam kung bakit niya tinatanong 'yon. Tumingin ako sa paligid ko and no one's watching naman na so probably they didn't hear that.

"Penelope, do you want me to follow her?" Ulit ni Hades at mas lumapit sa akin.

"W-Why are you asking me?" Tanong ko at patuloy sa pag paint pa rin kahit hindi na ako komportable sa presensya niya.

"Because I want to." Mariin niyang sabi.

"Ruzz, let's go. Ang init na rin. May dala ka bang umbrella?" Tawag pa uli ni Lyka kay Hades. But Hades seems too pre-occupied, hindi niya pinansin.

"Samahan mo na," Sabi ko at hindi pa rin siya tinitignan.

Hades sighed. "Magpasama ka na lang sa iba, Lyka, I have important things to do," Sabi ni Hades saka umalis sa gilid ko.

Hindi ko na nilingon kung saan pa siya pumunta. Kinuha ko ang towel ko at pinunsan ang pawis ko sa noo dahil medyo mainit sa gawi ng mural namin.

Maya-maya ay may naramdaman akong pumunta sa gilid ko at may nagbigay sa akin ng mineral water. Pag-angat ng tingin ko ay nakita ko si Hades na nakatapat ang payong sa akin at binibigay sa akin ang tubig.

"Please, take this." Sabi niya kaya kinuha ko na rin. "And stop avoiding me, you're making me crazy, P," I heard him whisper. Nagmura pa siya pagkatapos ibulong 'yon.

Hindi ko alam kung false hope lang ba 'to or mixed signals pero kung iisipin ko ay may gusto ba sa akin ang lalaking 'to? Or he's just fooling me? Kasi napaka-labong magkakagusto siya sa akin dahil hindi talaga kami pupuwede.

Tuazon siya. Kakampi nila ang mga Perez, ang mga Perez na noo'y sumira sa pangalan namin at napabagsak ni Mommy. At ngayon naman ay kinakalaban ni Daddy. 

Masiyadong komplikado.

O hindi kaya ay pinagpa-planuhan ako ng family nila. Because I am the youngest and weakest Ardiente they could easily manipulate me.

"Stop whatever you're overthinking, Penelope." Natigilan ako nang marinig si Hades. Tumingala ako kay Hades na nakataas ang kilay sa akin. "We will eat after you finish that," Dagdag pa niya.

"Ako, wala akong pakialam kung gwapo or mayaman basta malaki ang sandata! Gow!" Sigaw ni Atzie kaya nagtawanan ang buong classmate ko. Iniwas ko ang tingin kay Hades.

"Sabi pa nga ni Asia, okay lang daw na maliit basta magaling," Sabi ni Atzie at dinamay pa ako.

"Hoy! Wala akong sinasabi!" Sabi ko at sinamaan ng tingin si Atzie.

Favorite Crime (Legacy series #1)Where stories live. Discover now