"I don't care. I don't freaking care about media! Kahit pa masira ang pangalan ko wala akong pakialam basta naniniwala sa akin si Simon!"

Agad akong tumayo para mag-ayos ng sarili. Pupuntahan ko si Simon at magpapaliwanag ako. Alam kong pakikinggan niya ako dahil mahal niya ako!

"Saan ka pupunta?" he asked.

"A-aalis ako! M-magpapaliwanag ako kay Simon kasi si Simon makikinig iyon sa akin. H-hindi siya maniniwala sa mga kumakalat na video..." pabulong kong sagot.

"Hindi ito ang tamang oras para d'yan. Kailangan mong huminahon. Mainit ka sa mata ng mga tao. Galit na galit sila sa'yo!"

I flinched. "Ang sabi ko wala akong pakialam! Hindi ako maghihintay dito na malason ang isip ng taong mahal ko. Naiintindihan mo ba iyon?! Hangga't maaga pa ay magpapaliwanag ako! Kahit itulak niya ako. Magpapaliwanag ako!"

"At anong dahilan ang sasabihin mo?"

Natahimik ako doon. Sumikip na naman ang dibdib ko sa hindi malamang dahilan. Siguro ay sa takot? Na baka nga maniwala siya sa iba. Na baka magalit siya sa akin at tuluyan siyang mawala sa akin.

Hindi ko kaya iyon. Kaya hangga't maaga pa ay magpapaliwanag ako.

"L-lasing ako... h-hindi ko sinasadya..."

"Bullshit! And you think he would buy that reason?!"

"But at least I tried!" I shouted.

Sumabog na ako sa sobrang inis, takot, at lungkot. Hindi ko na alam ang gagawin ko! Sa sobrang dami kong dapat na isipin ay hindi ko na alam kung ano ba ang uunahin ko!

Napasabunot ako sa buhok ko. Iyak na lang ako nang iyak dahil para na akong mauubusan ng salita.

"Hindi ko alam kung bakit nangyayari sa akin ito. Hindi ko na alam, Nathan! Sinalo ko ba lahat ng kamalasan ng mundo?!" I said with tears in my eyes.

"Ang dami niyong tanong sa akin pero kahit ako ay hirap na hirap na rin sagutin iyon! So please... please stop asking me dahil kahit ako ay hindi ko na rin alam. I just need to see Simon. Iyon lang. I just need my sanity. Sa kaniya lang ako nagiging payapa."

Napatigil ako sa pagsasalita. Pakiramdam ko ay bumaliktad ang sikmura ko kaya naman ay dali-dali akong pumasok ng banyo para lang sumuka. Naluha pa ako lalo habang inilalabas ko ang lahat ng kinain at ininom ko.

I feel so weak and drowsy, like every ounce of my energy got drained. I just feel like I'm dying.

"Anong nangyari sa'yo?"

"S-sumuka lang. I don't know. Sobrang dami yata ng nainom ko kagabi," sagot ko.

Naningkit ang mata niya. "Hindi ka buntis?"

"Ang dami ko nang problema, Nathan. Huwag mo nang dagdagan."

Hindi ko na inisip ang sinabi niya. Nagmadali na ako sa pag-aayos ng sarili ko. Wala akong maayos na plano basta ang mahalaga lang sa akin ay ang makausap ko si Simon.

Namumutla ang labi ko pero hindi na ako nag-abala pa na mag-ayos. Nagsuot lang ako ng simpleng hoodie at jeans. Malayo sa normal kong outfit pero hindi ko na inalintana iyon. Kailangan ko nang makaalis dito.

"Simon is in his condo. Sana nakatulong iyon," nanghihinang sinabi ni Nathan.

I smiled weakly. "Thanks, Nathan. Thanks for trying to defend me."

Bumaba ako sa hagdanan pero parang maling desisyon yata iyon dahil nakita kong nagtipon-tipon ang buong pamilya ko.

Pamilya.

Endless Harmony (The Runaway Girls Series #3)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum