CHAPTER XXIII: FAMILY

Start from the beginning
                                    

"Tahan na, hindi ganoon ang ibig kong sabihin. Huwag ka ng umiyak," alo nya kay Acks saka pinunasan ang mga mata ng ma-pride nyang anak. "Huwag ka ng umiyak, tahan na. Gusto mo bang maging uhugin?" Pananakot pa ni Jackson.

Agad na umiling si Acks at lumayo sa ama. "Ayaw pero kakampi ka nya!" Pilit pa rin ni Acks kaya napabuntonghinga si Jackson.

"Hindi ganoon, halika dito." Utos nito pero umiling si Acks at lumayo ulit. "Jackson Montesejo Jr! Pag-sinabi kong lumapit ka, lumapit ka!" Iritang sabi ng asawa nya na medyo tumaas ang tono ng boses, gusto na nya sanang pumagitna pero ayaw nyang mas lalong lumakas ang loob ni Acks sa kaalamang may ina syang ipagtatanggol sya dahil baka mas lalong magalit lang ito sa ama.

Walang nagawa si Acks kundi lumapit habang umiiyak, hinawakan sya ni Jackson saka pinaupo sa binti nito. "Tingnan mong maigi si Alicia," panimula ni Jackson. "Natutuwa ka bang umiiyak sya?"

Agad na umiling si Acks. "Hindi, pero di sya nag-sorry!"

Napakamot sya sa noo, talagang makatuwiran ang bulinggit di na sya magtataka kung bibiruin na naman sya ni Jackson mamaya dahil namana ng anak ang ugali nya.

"Kailangan pa ba nyang mag-sorry para patawarin mo sya? Hindi ka ba naaawa? Uniiyak sya."

"Papa! Umiiyak din po ako! Di mo ba nakikita ang tears ko!" Kontra nito.

Napapikit ng mariin ang asawa nya saka muling bumuntonghininga. "Jackson," Sambit nito na animo'y konti na lang mauubusan na ng pasensya pero alam naman nyang kahit pa maubos ang pasensya nito ay hindi ito hihinto sa pagpapaliwanag sa anak nyang makulit, ilang beses na nyang napanood ang ganitong senaryo ng mag-ama nya, pwede namang ipagkibit-balikat ni Jackson ang nangyari at sabihan ang anak na huwag ng uulitin dahil simpleng bagay lang naman iyon pero ang ikinasasaya ng puso nya ay ang pilit na pagtutuwid ni Jackson sa anak at pagpapaliwanag nito upang mas maintindihan ni Acks ang pagkakamali nito.

"Papa, bakit ka po ganyan? Lagi na lang ako mali sayo!" Iyak na naman ni Acks.

Tumayo na sya at nilapitan si Alicia, itinayo nya ang pamangkin at napatingin sa kanya si Acks. "Mama, sya din kampi mo?" Tanong nito sa kanya.

Napairap sya. "Makinig ka dyan sa ama mo, siguraduhin nyong magkakaintindihan kayo kung hindi, di kayo tatabi sakin mamaya." Pananakot nya na ikinakunot ng noo ng mag-ama nya, di na nya pinansin 'yon at inakay na si Alicia para asikasuhin, pumasok sila sa loob ng kubo.

"Alicia, pasensya ka na ha?" Panimula nya. "Ayos lang kung hindi mo papansinin muna si Acks, pero magbati pa rin kayo ah? Alam mo naman 'yong pinsan mo masyadong sutil, ikaw na lang muna ang magpasensya."

Tumango si Alicia. "Sorry din po tiya, di ko naman po sinasadya e."

Pinunasan nya ang mga mata ng pamangkin at niyakap. "Ayos na 'yon, hindi naman masama ang loob namin sayo ng tiyo mo."

"Talaga po?"

"Oo naman," ngumiti sya. "Nag-asawa man ako pero baby pa rin kita alicia, hindi mo man sinasadya pero magsorry ka pa rin kay Acks, mahalaga pa rin na inaako o inaamin ang pagkakamali."

Tiningnan nya ang braso ni Alicia na sinuntok ni Acks. "Masakit pa rin ba ang sinuntok nya? Ayos ka lang?"

"Medyo masakit tiya pero ayos lang po ako."

Napabuntonghinga sya saka tumayo at kumuha ng pang-cold compress saka nilapatan ang braso ng pamangkin, abala silang dalawa sa pag-uusap tungkol sa nangyari ng makita nya sina Acks at Jackson na mukhang okay na.

"Ate..." sambit ni Acks saka lumapit kay Alicia. "Sorry!" Iyak na naman nito saka yumakap sa pinsan. Napaatras sya, tumayo sya at lumapit kay Jackson.

"Ate sorry! Mali ka pero mali din ako," mahinang napatawa si Faye sa narinig na sinabi ni Acks. "Dapat di kita nisaktan kasi masama daw 'yon sabi ni papa, sorry nisuntok kita. Masakit ba?"

San Lazarus Series #6: Onerous ✔Where stories live. Discover now