Chapter 28

161 5 0
                                    

Chapter 28

Sinundan ko sila para matukoy kung saan na sila patungo at kung ano na ang susunod nilang galaw. Narinig ko na balak pumunta ni Wynnona Snow sa dulo ng isla kung saan matatagpuan ang mansyon ng mga Cassano at kung nasaan ngayon si Nikolaus. Kung pupunta sila roon, sasabay na ako dahil hindi ko naman alam ang direksyon papunta roon. Ito lang ang natatanging paraan na naiisip ko para makabalik kay Nikolaus.

"You don't need to come with us there. Briggs informed us that Nikolaus wants to see you."

"Why do you want to go there? Let Nikolaus deal with his parents." Si Boris iyong unang nagsalita pagkatapos ay si Billy.

Si Boris iyong babaeng tauhan ni Wynnona Snow kanina at iyong Billy naman iyong isa niya pang tauhan na pinagbantay niya sa akin kanina pero halos dalawang beses ko ng natatakasan. Parehas sila ngayon nakaharap kay Wynnona Snow.

Pero tama ba ang narinig ko?

Briggs informed them?

Iyong Briggs ba na kilala ko ang tinutukoy nila?

Ibig sabihin... si Briggs ay isang traydor kay Nikolaus? Na hindi siya mapagkakatiwalaan?

Tumulo ang luha ko at napailing iling, hindi makapaniwala. Hindi naman 'yon magagawa ni Briggs kay Nikolaus. Kitang kita ko kung gaano katapat si Briggs. Kaya baka ibang Briggs ang tinutukoy nila at hindi ang Briggs na kilala ko. Kasi hindi niya kayang traydurin si Nikolaus.

Hinding hindi...

"I am confident that Nikolaus will take care of the rest including his parents. But there's still something I need to find out. Jagger knows something about Nikolaus but hasn't told me what it is." Nagsalita si Wynnona Snow habang nakatingin sa malayo at mukhang malalim ang iniisip.

"Let's Briggs handle that, Madam. For now, let's leave the island before your sudden involvement here leads to a conflict between you and Nikolaus." Nagsalita muli si Boris.

Tila nanghina ang mga tuhod ko nang makumpirma na ang Briggs na tinutukoy nila at ang Briggs na kilala ko ay iisa.

Ibig sabihin, traydor nga si Briggs?

Kailangan ko ng makita si Nikolaus para masabi ko na sa kanya ang lahat ng nalalaman ko.

"Where's Blaze and Bruce?"

"He's with Islywnn and Evander, Madam. They'll be the ones staying here with the rest of our men." Iyong Billy naman ang sumagot.

"Inform Briggs that I need to speak with him. Let him meet me there." Wala na silang nagawa dahil nakapagdesisyon na si Wynnona Snow na magstay pa rito sa isla at pumunta sa mansyon ng mga Cassano. Kung sakali, magkikita sila ni Nikolaus.

Habang hinihintay ang sasakyan na gagamitin nila papunta sa mansyon, nakaupo lang si Wynnona Snow at tahimik na naghihintay. Kakatapos lang din gamutin ng mga sugat na natamo niya kanina mula sa pagitan nila ni Jagger lalo na iyong tama ng baril niya sa braso at pati na rin iyong malaking hiwa niya sa palad.

"No need to hide anymore, Malia," nanlaki ang mga mata ko nang biglang magsalita si Wynnona Snow at agad na lumingon sa pinagtataguan ko. Agad nagtama ang tingin namin at hindi ko alam ang gagawin. "I know you've been watching us since earlier." Dugtong pa nito.

Napatingin din tuloy sa akin sina Boris at Billy pati na rin iyong iba pang tauhan ni Wynnona Snow na nandito. Hindi nila ako kinukuha sa pinagtataguan ko at parang hinihintay nalang ako na lumabas mula dito.

"I won't force you to stay here anymore, Malia." Tuluyan na s'yang tumayo sa kinauupuan niya, nakatalikod sa akin at nagsimula ng maglakad palabas dahil naririnig na namin ang paparating na mga sasakyan. "We're going to Nikolaus, and I assume you're planning to come along, right?" Nagsalita ulit siya.

Hide and Seek (A Dark Mafia Needs A Wife) - CompletedWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu