Nag simula na kaming kumain, nagulat naman ako ng nilantakan ni miss mildred ang ulam at kanin niya matatawa ka talaga sa  inasta niya parang di nakakain ng ilang buwan dahil sa katakawan niya.

Inasar ko naman siya nakisama naman si master ngunit may ibang feeling ako dito e, ng mag wakl out si miss Mildred ay di ko na talaga napigilan ang sarili ko dahil kanina pa ako pinapatay ng curiosity ko may kasabihan nga na

Curiosity is the best policy.

Tinanong ko kaagad si master baka Kasi mag bigti to sa inaasta palang niya aba Malaki laki ang problema nito.

" Master parang malalim ata iniisip mo? Problemang babae ba yan?" Tanong ko sakaniya.

Kumunot naman ang noo niya dahil sa tinanong ko sakaniya.

" Tsk. Stop asking question samahan mo yun mamaya" wika nito malamig ang pagkabigkas nito nalaman ko agad ang problema niya mahigpit Kasi to sa mga babae niya na pa wow ako dahil tiklop itong si master Kay miss mildred.

" OO ba saan pala kami pupunta?" tanong ko habang ngumingiti.

" I don't know she said she will visit her friend, Ang Sabi ko papuntahin niya nalang dito dahil buntis siya baka mapano pa yan I'm just concerned about her pero di papigil" problemado nitong sambit .

" Wag kang mag alala master nandito ako, ako na bahala diyan nakakapagtataka lang master ha" sambit ko, mas Lalo ko pa itong ipapa overthink inlababo Kasi itong master ko grabeng pagmamahal ang naipon nito sa puso niya binuhos ang lahat Kay miss Mildred pakipot pa Nung una binigay din lang naman.

" Yeah, yan din iniisip ko bakit di pwede yung kakilala niya na Lang Ang pumunta dito unless may tinatago siya sakin" sambit nito habang nakakunot ang noo nakangiti ako dahil sobrang lalim ng iniisip niya ngayon pambihira isang astig at kinatatakutan ng iba ngunit tiklop sa Asawa niya.

"BWAHAHAHAHHAAHAHHA!" Tawa ko halos maluha luha ako sa kakatawa  di ko na talaga kaya pigilan ang tawa ko.

" What the heck Aries! What's funny about what I said!" Inis na sambit ni master sakin at alam ko ano mang oras bubunot na yan ng baril para iputok sakin.

" Wala wala master " natatawa kung Sabi pinipigilan ko na ang tawa ko baka ma meet and greet ko pa si San Pedro nito, umiinit na Kasi Ang ulo ni master mahirap na .

" Pag may nakita kang kakaiba please call me!" Wika nito sumeryoso naman ako dahil seryuso ito at alam kung nag alala ito ng sobra, Masaya ako para Kay Master dahil unti unti siyang nag babago Ngayon ko lang siya nakitang ganito umasta.

" Yes master makakaasa ka!" Sambit ko sakaniya at sumaludo pa ako sakaniya.

Natapos ang pag uusap namin na yun at nagtungo naman ako sa taas dahil maliligo muna ako para fresh naman ako mamaya pag lalabas kami nj miss Mildred.

Naligo na ako ng bigla namang tumunog ang telepono ko, lumabas naman akong nakahubad at agad itong sinagot nagulat naman ako ng mapagtanto kung video call pala yun.

" Ang bastoooos mooooo!!!" Sigaw ni Mona sa kabilang linya at agad pinatay ang tawag, natawa naman ako sakaniya walangya tatawag tawag pa Kasi di makapag antay sobra naman atang namiss ako ng babaeng yun iba talaga ang karisma ko.

Dali dali akong lumabas sa bathroom at nagbihis tiyaka ko tinawagan ulit si Mona sinagot niya naman ito ngunit off ang camera nito.

" Hoy open ka naman ng camera mo para kang ignorante" wika ko sakaniya

" Walangya ka Kasi bakit di ka nag Sabi na nanaligo ka pa pala!" Sambit nito

" Sus gusto mo lang talaga makita katawan ko!" Tatawa tawa kung sambit

" Ang kapal ng Mukha mo di ko keri pagiging assuming mo Aries, walangya ka!" Wika nito natatawa talaga ako lang si Mona kausap ko.

" Ano bang sadyang mo sakin?" wika ko

" Wala gusto ko lang ng kausap, bakit bawal ba kitang istorbohin?" sambit nito

" OO bawal bakit ?" Wika ko naman agad niya pinatay Ang tawag, iiling iling naman ako dahil sobrang matampuhin ng babaeng to topakin pa.

To: Mylove

Grabe naman yang toyo mo gawin mo nalang yang sawsawan.

Sinend ko agad yun, di naman ako nakatanggap ng reply kaya pinabayaan ko nalang siya baka Kasi pag kukulitin ko pa mas lalong mainis Siya sakin.

Nag mumuni muni ako, nag iimagine  na nag pakasal kami ni mona nag karoon ng maraming anak at may masayang pamilya, nakatulog naman ako sa isipin na yun at pati sa panaginip ay nandun parin ang babaeng yun.

Nagising ako Mula sa sinet kung alarm agad akong bumangon at dumiretso sa c.r nag mouthwas at nag bihis na ako ng pormal at lumabas na muka sa kwarto ko nagkasalubong pa kami ni master gray at sinabi ko sakaniya na mauuna na ako sa parking lot, kitang Kita ko pa rin ang pagiging problemado niya.

Ng makarating ako sa parking lot chineck ko muna ang lahat ng gulong at makina ng sasakiyan aba! Mahirap na baka mapano pa zi miss Mildred.

Ng matapos ay agad kung binuksan ang cellphone ko at nakita ko naman ang message ni mona.

From: Mylove

Hoy sobra ka naman sakin by the way my business meeting pa pala ako ngayon take care.

Yan na naman isa na namang babae ang patay na patay sakin, ngingiti ngiti akong nagtipa ng imemessage ko Kay Mona.

To: My love

Ingat ka din diyan wag manlalaki baka di ko na bibigyan ng sustento anak natin, mwaa mwaa.

Ngingiti ngiti naman ako ng ma send ko na ang message.

Ngunit bigla namang dumating si miss Mildred at tinutukso ako nito, walangya talaga itong si miss Mildred pag ito tinukso ko uuwi to.

Pinaharurot ko na ang sakaaiyan Ilang minuto lang at nakarating na kami sa lugar na Sinabi niya yung parke na may fountain bumaba na ito at nag aalangan pa itong pumunta pero kalaunan ay naglakad na din siya papunta dun.

Nakakapagtataka dahil bat siya nagaalangan sinundan ko siya ng palihim nag tago ako sa may maliit na puno.

" Seems like a good timing ha!"

Nagulat naman ako dahil sa pag sulpot ni master Mula sa likuran ko

" Don't ask me, gusto kung makita kung ano bang gagawin niya dito" sambit ni master.

"Iba ka talaga master " sambit ko.

Nag masid muna kami ng ilang minuto maya Maya pa may lalaking biglang sumulpot sa likuran nu miss Mildred, nakakunot naman ang noo ko sa nakita ko mukhang magkakilala ata sila.

" That's the guy...h-her first love" malamig na sambit master ramdam ko na nasasaktan siya.

" Bakit nakikipag Kita siya? Niloloko ka niya ba master?" tanong ko di naman ito umimik Ilang minuto pa Kaming nag masid mukhang nag uusap sila ng masinsinan.

Maya maya pa nag shake hands na silang dalawa nagtaka naman kami ni master kung bakit sila nag shashake hands at bigla nalang niyakap ng lalaki si miss Mildred di naman pumalag si miss Mildred.

" I'll go please drop her safely" malamig na tugon ni master, ramdam ko na nasasaktan talaga siya tumango nalang ako.

Nakita kung nag usap ulit Sila ng lalaki at Maya maya pa ay umalis na ng Dahan dahan ang lalaki sinundan ito ng tingin ni miss Mildred liningon ko si master na nakatingin sakanila Bago ito pumasok sa loob ng sasakiyan at pinaharurot.

" Lintek na pag ibig talaga!" Yan nalang ang nasambit ko.


THE UNWANTED WIFE OF MR. BILLIONAIRE ( COMPLETED) Where stories live. Discover now