Chapter 26: No Strings Attached

Magsimula sa umpisa
                                    

"Hay. Nakalimutan mo na naman. Anyway, magpapabili na lang ako kay Arem. Pumasok ka na muna sa silid mo at matulog ka," malumanay na wika ni Ginang Aria at saka inalalayan ang dalaga sa pagtayo.

Nakita na nila kung gaano kahina ang katawan ni Samantha tuwing dumarating ang dalaw nito kaya naman pinababayaan lang nila ito na matulog at magpahinga maghapon.

Arem gazed at his mother with confusion, wondering what she meant by her statement.
Him? Going to buy what?

"Mag-grocery ka na rin, anak. Maaga pa naman. Wala na tayong stocks sa ref. Wait, gagawa ako ng listahan ng mga bibilhin mo," muli nitong inalalayan ang dalaga na maupo. "Sam, anak, gagawa muna ako saglit ng listahan ha. Maupo ka muna sandali dito," dagdag pa ng ginang saka nagkukumahog na umalis.

Maang na napatingin naman si Arem sa dalagang nanatili lang sa pwesto nito habang nakakunot-noo.

Kitang-kita sa magandang mukha ni Samantha ang sakit na nararamdaman. Kung hindi niya nakakalimutan ay nanghingi ito ng gamot sa kanyang ina at ang magaling niyang ina ay nagtanong kung may pads ba ito.

Pinagmasdan ni Arem ang butil-butil na pawis ng dalaga sa noo. Malamig naman ang panahon at napaka-aga pa pero pinagpapawisan na ito.

Hindi makatiis, umalis si Arem at nagtungo sa loob ng kwarto niya. Mula sa dala-dala niyang maliit na bag ay kumuha ang binata ng tableta mula sa parisukat na lagayan niya ng gamot. Dahil sa unang pagkakataon ay hindi siya sasakay sa isang private plane, siniguro ng sekretarya niya na si Trap na dadalhin niya ang mga gamot na ito for emergency purposes. Hindi niya inaasahan na ang babaeng plano niyang palayasin sa pamamahay niya ang unang-una niyang bibigyan noon.

He has no choice, does he? She's in pain and it is causing him to feel uneasy. After hearing her out last night, he experienced emotions that he hadn't felt in fifteen years.

Considering the good things she has done for his family, it's just reasonable to return the favor.

After all, her proposal doesn't seem bad.

Sabi nga ng ilan sa tropa niya, patulan niya na muna habang wala naman siyang nakikitang babae na gusto pa niyang pakasalan. Dito na rin naman mismo nanggaling na marriage of convenience lang ang magaganap. stringstring attached.

Nang makuha ang pain reliever sa loob ng lumang-lumang maleta, na hindi malaman ni Arem kung saan napulot ng magaling niyang kaibigan ay nagtungo naman sa kusina ang binata para kumuha ng tubig na maiinom ni Samantha. 

Wala pa rin ang nanay niya noong bumalik siya sa sala.

Kung ano ang itsura ni Samantha noong umalis siya ay ganoon pa rin ito pagbalik niya. Nakayupyop sa sandalan ng upuan.

She looked vulnerable and alone at that moment.

"Hey..." Marahang tinapik ni Arem ang balikat ng dalaga.

"Uhmn?" ungol ni Samantha. Hindi nito maitaas ng maayos ang ulo dahil sa sakit na nararamdaman.

"Medicine," tipid na wika ni Arem.

"Gimme," walang kalakas-lakas ang katawan na iniangat ni Samantha ang kanang kamay niya.

Tikom ang bibig na inilagay ni Arem doon ang gamot. Pinagmasdan niya ang dalaga habang mabagal nito iyong isinusubo. Pagkatapos ay ang tubig naman ang ibinigay niya rito. Dalawang lagok lang ang ginawa ni Samantha at muli na nitong ibinalik ang baso.

"Salamat po. Magluluto po ako at maglilinis mamaya. Magpapahinga lang ako ng kaunting oras," mahinang bulong ni Samantha gamit ang nakikiusap na boses.

Bahagyang napakunot-noo si Arem. Mataman nitong pinagmasdan ang dalaga.

Pero sa bandang huli ay hindi na lang ito nagsalita.

"Arem anak, ito na ang listahan ng mga bibilhin mo. Heto na rin ang pera," nakangiting wika ng bagong dating na ginang.

Inilagay nito sa palad ng anak ang tatlong lilibuhin at isang lengthwise na papel.

"Alam mo ba kung paano magpunta sa bayan? Sasakay ka lang ng jeep. Heto, heto ang barya para pamasahe mo. Huwag kang magbibigay ng buo dahil minsan hindi ka na nasusuklian,"

Pinagtaasan ni Arem ng kilay ang kanyang ina.

Dati rati wala itong pakialam sa sukli. Kahit nga sobra-sobra ang singil dito noon ng mga taxi driver ay wala lang din dito. Pero ngayon, iniisip na nito ang sukli sa jeepney?

"Don't give me that look anak. Iba na ang sitwasyon ng buhay natin ngayon. At isa pa, pera ni Samantha 'yan. Binigyan niya ako nang pocket money noong nag-audition ako. Huwag kang mag-alala, kapag nakakuha ako ng role sa pelikulang 'yun ay makakaraos din tayo kahit papaano. You can stay here for as long as you want," nakangiting saad ng ginang.

Arem's lips formed a thin line.

"Oh, siya nga pala. Pwede mo bang buhatin si Samantha papasok sa silid niyo? Hindi ko siya kayang alalayan, anak," nakikiusap na sambit ng ginang.

Tahimik na binuhat ni Arem ang dalaga in a princess style.

She's so light. Iyon ang kaagad na pumasok sa isipan ng binata noong mabuhat na ang wala pa ring kibo na dalaga.

Habang naglalakad ay hindi mapigilan ni Arem ang mapalunok. The woman in his arms smelled so good.

And she's so soft.


Hindi niya alam kung lahat ba ng mga babae ay ganoon dahil iyon ang unang pagkakataon na may binuhat siyang babae. And it's not repulsive at all. Hindi kagaya ng nararamdaman niya sa tuwing may babaeng didikit sa kanya at harapang nagpapakita ng motibo. Pinaninindigan siya ng balahibo sa katawan and he couldn't even control the disgust that he have for that person.

But now it's different.


He's not feeling repulsed or disgusted.

Kahit na noong niyakap pa ng dalaga ang dalawang braso nito paikot sa leeg niya, he doesn't hate it. Sa halip ay gustong-gusto niya ang init na nagmumula sa katawan nito.

Arem swallowed hard.

Mas binilisan pa niyo ang paglalakad papunta sa kwarto na ginamit nilang dalawa kagabi. Pagkatapos ay marahan niyang ihiniga sa kama ang babaeng walang kaalam-alam sa init na bigla nilang sinilaban sa kaloob-looban niya.

"Thank you anak. Ako na ang bahala kay Sam. Mamili ka na sa bayan, okay?"

Tila nahimasmasan naman kaagad si Arem noong marinig ang tinig ng kanyang ina.

Tsk.

What's wrong with him?

Bakit parang ayaw niyang alisin sa mga bisig ang dalaga noong ilapag niya ito sa higaan?

Crazy.

Nagmamadaling lumabas ng bahay si Arem. Frustrated na sinuklay ng kamay niya ang kanyang makapal na buhok. Pilit na inaalis sa isipan ang imahe ni Samantha at ang kakaibang pakiramdam na noon lang niya naranasan.

The DivorceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon