Chapter 27

247 4 4
                                    

Chapter 27

Wynnona Snow slid to the floor as Jagger's bullets rained down on her. After dealing with them, she quickly knelt down, and now Jagger was being showered with bullets. Sa galing nilang umilag, wala pa rin miski isa sa kanila ang natatamaan. Habang ako ay nagtatago lang sa isang pader habang palihim silang pinapanood.

"The rumors about you are right. You are truly that skilled." Mariing sabi ni Jagger nang huminto sila saglit.

Wynnona Snow flipped her hair.

"I wouldn't be Wynnona Snow without this." Nakangising sagot naman nito.

"We've been friends for years and even dated. Never thought we'd end up fighting." Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Jagger.

Matagal na silang magkaibigan? At nagkaroon din ng chance na nagdate sila? Pero bakit ngayon ay magkaaway na sila? Anong nangyari?

Ano ba talaga ang totoong pakay ni Wynnona Snow sa mga Cassano?

Totoo kaya ang sinabi niya na parehas lang sila ng goal ni Nikolaus?

Na gusto niya rin pabagsakin ang mga magulang ni Nikolaus?

"You're a friend, but finding out you're a Cassano makes me want to take you down so badly." Wynnona Snow grinned, filled with anger.

"What did my parents do to evoke such strong anger from you?" Nagsimula ng humakbang si Jagger, kita ang panggigigil. "Why are you only mad at us? Nikolaus is a Cassano too. Why are you helping him?" Humakbang din si Wynnona Snow, hindi nagpapatalo kay Jagger. Ni wala akong nakikitang takot sa kanilang dalawa.

Gaya nga ng sabi ni Jagger, Cassano rin si Nikolaus. Pero kahit na may iisa lang silang layunin, isa pa rin Cassano ang tinutulungan niya.

"Someone like Nikolaus is definetly my type, but helping him isn't about that." Napangisi pa ito. "He's not a true Cassano. My goal is to eliminate the real Cassano, and that includes you and your family." Sagot sa kanya ni Wynnona Snow.

Noon palang ay ramdam ko ng type niya si Nikolaus at tama nga ang hinala ko. Iba siya kung tumingin dito. Alam mong may malisya. Pero sabagay, sino nga ba ang hindi magkakagusto sa isang Nikolaus? Bukod sa gwapo na matangos ang ilong, makapal ang kilay, mapupula ang labi, matangkad, mabango, at mayamaman pa, ano pa nga ba ang hahanapin mo sa kanya, 'di ba?

Napangiti tuloy ako nang maalala si Nikolaus. Kahit masungit 'yun, hindi 'yun papayag na may humawak o mambastos sa akin na iba. Gusto no'n palagi ay ligtas ako.

Agad akong napailing-iling... Ano ba itong iniisip ko? Bakit siya bigla-biglang pumapasok sa isip ko? Hindi itong nararamdaman ko para sa kanya ang imporatante ngayon. Dapat unahin ko munang makaalis dito para matulungan siya.

Nabalik ang atensyon ko sa kanila nang biglang humalaklak nang malakas itong si Jagger, dahilan para mapakunot ang noo ko. Bakit siya tumatawa dyan? Nababaliw na ba siya?

"You really know nothing. Yet, you have the courage to come here without knowing who you're truly helping." Saar ni Jagger. Humakbang naman ulit si Wynnona Snow palapit sa kanya hanggang sa magkaharapan na silang dalawa.

"What on earth are you trying to say?" Mariin nitong sabi habang diretsong nakatitig kay Jagger, pinipigilan na manggigil dito.

"I won't tell you the truth." A smirked appeared on Jagger's face.

"You won't tell me the truth? Fine." Nakangising umatras si Wynnona Snow bago ulit nagsalita. "Boris..." tawag nito sa isang tauhan niya.

Isang pamilyar na babae ang lumabas sa kabilang gilid kaya mas lalong akong napatago sa pinagtataguan ko. Hawak nito ang isang tao na may takip ng sako sa mukha nito pero natutukoy kong babae rin ito. May gapos din ang mga kamay nito habang patulak itong pinaglalakad.

Hide and Seek (A Dark Mafia Needs A Wife) - CompletedWhere stories live. Discover now