(Author note: hi sa inyong lahat! Gusto ko lamang ipaalam na ang story na ito ay malayo sa mismong animated series na slam dunk. Fanfiction po ito, kung ano man po ang iyong mababasa ay kathang isip ko lamang ito. Maraming salamat po)
*******************Xoxo
--
Kinabukasan
Maagang nakarating si sakuragi ng school agad niyang tinungo ang gym kasama ang mga kaibigan nito. Bagamat maraming nagtataka kung bakit patungo ang grupo ni sakuragi sa gym ay walang nag lakas ng loob na magtanong dito.
"Sakuragi? Seryoso ka ba sa gagawin mo?" Tanong ni mito na bahagya nitong ibinulong sa kaibigan.
Napasinghal si sakuragi sa tinanong ni mito sa kanya, ilang ulit na nitong itinanong iyan kagabi at ilang beses niya na rin namang sinagot na 'oo, buo na ang kanyang desisyon na sasali siya sa team shohoku para lamang mapansin ni haruko.
"Oo nga, bat ba paulit ulit ka? Kahapon ka ha!" Napipikong sagot ni sakuragi sa kaibigan, kakamot kamot naman sa ulo si mito dahil sa sinagot nito sakanya.
"Nag babakasali lang naman na baka natauhan kana at hindi kana sasali sa basketball." Tugon naman pabalik ni mito
Wala namang naging imik si sakuragi hanggang sa makarating sila sa tapat ng gym. Tumingin sila mula sa labas ng pintuan at tinignan kung nandoon ba si haruko subalit ang iilang mga basketball player pa lamang ang nakikita nilang na andoon.
"Anong ginagawa ni sakuragi dito? Mang gugulo na naman siguro yan!?" Bulong na saad ng isang player na nakakakilala kay sakuragi at sa grupo nito.
"Manahimik ka, baka marinig ka at tayo pa pag balingan niyan." Pagpigil ng isang player dito dahil mukhang balak pa nitong mag salita at dagdagan ang mga sinabi.
Napatingin nalang si sakuragi sa mga ito ng masama bago nailing.
"Mukhang wala pa si haruko dito." Anas ni sakuragi hanggang sa..
"Anong kailangan niyo sakanya?" Malaki at malalim ang boses na tanong ng lalaki na kakarating lang.
Nakatalikod si sakuragi kaya hindi niya alam kung sino ang nagsalita sa likod niya, napailing naman si mito ng makitang hindi na naman mabasa ang emosyon sa mukha ng kaibigan.
'malaking gulo na naman ito.' anas ni mito sa kanyang sarili bago tinanguan ang mga kaibigan
"Ano bang pakialam mo? Tsaka bakit mo kilala si haruko my loves?" Tila nag dilim naman ang anyo ng lalaking kaharap ni sakuragi ng marinig ang mga iyon.
Napaface palm naman si mito sa inasta ng kaibigan bago kiming natawang inakbayan si sakuragi.
"Hehe, sakuragi.. umalis nalang tayo, mamaya nalang tayo bumalik." Bulong na saad ni mito kay sakuragi subalit iwinaksi lamang ni sakuragi ang braso nitong nakapatong sa balikat nito.
"Manahimik ka dyan yohei, hindi ikaw ang kinakausap ko." Bulyaw na saad pabalik ni sakuragi.
"At ikaw? Sino ka ba? Bat kilala mo si haruko my loves?" Tanong ulit ni sakuragi sa lalaking nasa harapan nila."Ako ang basketball captain dito, kung di mo pa alam nakakaistorbo ka sa mga tao dito." Saad ni akagi na seryosong pinakatitigan si sakuragi.
"Aba't hambog ka pala e. Anong nakakaistorbo ako, wala nga akong ginagawa sainyo." Balik na saad ni sakuragi na agad namang pinigilan ng mga kaibigan ng susugudin na sana ni sakuragi si akagi..
Hanggang sa...
"Sakuragi!" Malambing at maliit na boses ang kanilang narinig mula sa kaliwang bahaging direksyon. Napatingin sila doon at nakitang nandoon si haruko kasama ang isa pang babae.
BINABASA MO ANG
HE COULDN'T ESCAPE
FanfictionSakuragi's whole life revolves around being a troublemaker. He is a first-year high school student at Shohoku High, but he couldn't behave properly. Sakuragi was orphaned at an early age, and he only relies on himself to survive. He thought his life...