"Si Asia, hindi pa kumakain 'yan," Narinig kong sabi ng classmate kong lalaki.

"Malaki na 'yan,"

Natigilan ako sa sinagot ni Hades. Ay! Hindi niya talaga ako aayaing kumain? Lumingon ako sa likod ko at nakita kong naglalakad sila ni Lyka papunta sa cafeteria nasa likod ang dalawang alipores ni Hades.

"Kainis! Hindi talaga ako kakain!"

Naiinis kong bulong.

"Huy! Kahapon ka pa riyan! Hindi ka ba kakain?" Tanong ni Atzie. Umiling ako. "Gago, halos tapusin mo na, unang araw pa lang ngayon. Kumalma ka muna," Pinigilan na ako ni Atzie.

"Ayoko kumain!" Inis na sabi ko.

"Bakit ba galit na galit ka? Teka, hinahanap ka pala ni Rivo kanina." Sabi ni Atzie.

"Bakit daw?" Tanong ko habang pinupunasan ang kamay kong may painting.

"Ewan ko, puntahan mo na lang. Nandoon siya sa kulay green na stall," Sabi ni Atzie kaya naman dali-dali akong umalis na.

"Hoy! Rivo!" Sigaw ko kay Rivo nang makarating ako sa strand nila.

"Why the fuck are you shouting?" Inis na sabi sa akin ng pinsan ko.

"Bakit mo ba ako hinahanap?" Tanong ko.

"You forgot your fucking wallet you dumb shit!" Inis na sabi ni Rivo at hinagis sa akin ang LV kong wallet.

"Thank you, panget mo!" Sabi ko saka ako umalis na.

Bumalik na ako sa strand ko pero bago pa man ako makabalik ay nadaanan ko sila Hades na pabalik na rin sa booth namin.

"Uy, Asia! Saan ka galing? Binilhan ka ni Ruzzel—aray!" Hindi naituloy ni Limuel ang sasabihin nang ilihis siya ni Hades.

"Nakipag-date ako," Sagot ko saka naunang maglakad sa kanila. Napipikon talaga ako.

Nakarating ako sa booth ko at nakita ko na nandoon si Charles kausap niya si Atzie na halatang kinikilig.

"Huy! Ate ko! Kumain ka na raw ba sabi ni Charles?" Tanong ni Atzie.

"Kumain na ako," wala sa mood kong sabi. Hindi ko na pinansin si Charles at pumunta ako sa vacant chair at naupo roon. Sila Nina muna ang nagtuloy ng muruals.

Maghahapon na rin naman. Bukas ay ibang activity ang gagawin ng ibang hindi part ng painting. May activity sila sa may field.

Inayos ko na ang gamit ko dahil uuwi ako nang maaga dahil sila Johan muna ang magtutuloy. May ibang part pa rin kasi ang hindi na sketch so kung ano muna ang natapos na drawingan ay 'yon muna ang tatapusin ngayon.

Pagkatapos kong ayusin ang gamit ko ay naupo muna ako at pinanuod kong kumilos ang mga kasama ko. Hanggang sa may naramdaman akong may tumabi sa akin.

Nilapag niya ang sandwich sa harap ko at mogu-mogu. Kamay pa lang niya ay alam ko na agad kung sino 'yon.

"Why are you so pissed, hmm?" I heard him.

"Wala," Umiling ako.

"Kumain ka na, gutom lang 'yan," Sabi ni Hades saka ngumisi.

"Ikaw kumain. Mukhang mas gutom ka," Inis na sabi ko.

Hades laughed. "Ang sungit," Tumatawa niyang sabi.

"Layuan mo nga ako. Nakakasira ka ng araw," Sabi ko saka tumayo at kinuha ang gamit ko.

"May regla 'yan, pabayaan mo na muna, Ruzzel," Narinig ko ang boses ni Atzie.

Hindi na ako lumingon at nagtuloy-tuloy akong umuwi. Mag taxi na lang siguro ako. Naiinis talaga ako. Napipikon ako kapag nakikita ko ang Hades na 'yon.

Favorite Crime (Legacy series #1)Where stories live. Discover now