11th Day

83.8K 1.3K 117
                                    

11th Day

Bigla niyang nabitiwan ang balikat ko na para bang sinuntok ko siya. Hindi ako makatingin sa mga mata niya. He's trying to catch my eyes pero pilit kong iniiwas ang mata ko dahil mababasa niya ang kung ano mang emosyon na meron ako.

"You're lying." Umiling lang ako kasi hindi ko kayang magsalita. At baka iba ang masabi ko. Baka hindi ko kayang ipagkanulo ang sarili ko.

"Anong gusto mong gawin ko para aminin mo sa akin ang totoong nararamdaman mo? Do you want me to court you again? I will do it. Kung gusto mong pakasalan kita ngayon gagawin ko. Just tell me what you want." Desperado na ang boses niya.

"Cloud, tigilan mo na to. Kung ano ako dati, ganito pa din ako ngayon. I'm still a party animal. I still love to flirt, I still love to drink and I'm whoring around. You don't like that kind of girl. Hindi...I am not a perfect girl for you kaya tigilan mo na ako." Ano ba ang pwede kong sabihin para tigilan na niya ako? I don't want to get involve with him again. There are just too many complications and having him would complicate things further.

"I don't give a goddamn care who you are. If I have to buy you out for you to be mine again, gagawin ko. I am that desperate. Just tell me what you want" Napatanga lang ako sa kanya. Gusto ko ng maawa sa kanya. Gusto ko ng maggive up at bigyan kami ng pagkakataon pero ano ang kahihinatnan ng lahat? Wala pa din.

At kung sabihin ko ba sa kanya ang pinakagusto ko, maibibigay ba niya yun? If I ask him to ease the pain that I am feeling right now, magagawa ba niya?

Tiningnan ko siya ng ilang saglit then I dabbed away my tears at nagmamadaling umalis sa opisina niya. He don't give a goddamn care! I massage my temple to ease my headache that is starting to build up dahil sa pinagsasabi ni Cloud. Pagkalabas ko ng opisina niya, I saw his sister and his secretary looking at me.

Tumingin lang ako saglit kay Ma'am Elly at nag goodmorning tapos nagmamadali na akong umalis sa opisinang yun.

Bakit ba ang tigas ng ulo ni Cloud? Bakit hindi niya maintindihan na ayaw ko ng bumalik sa kanya? Pagbalik ko sa opisina namin tinanong ako ng mga officemate ko kung bakit namamaga ang mata ko. Hindi ko sila sinagot kaya nagconclude sila na pinagalitan ako ni Cloud. Hinayaan ko na lang sila. Pero sa loob loob ko, gustong-gusto ko ng magresign. Parang hindi ko na kayang makita siya araw araw.

Dalawang araw akong hindi pumasok sa opisina. I call in sick leave dahil inaapoy ako ng lagnat. At nagulat na lang ako nung mapagbuksan ko si Cloud ng pinto ng apartment kinagabihan on the second day. Medyo okay na ang pakiramdam ko pero may sinat pa din ako.

Kahit ayaw ko siyang makaharap sa mga panahong ito, wala na akong magagawa kaya pinapasok ko siya sa apartment ko. He looked at the place and distaste is evident in his eyes pero hindi siya nagsalita.

"Have you seen a doctor?" Napaatras ako when he suddenly touched my forehead. The sudden contact made me shiver. Bakit ganun? Bakit ganun pa din ang epekto niya sa akin?

"Kahapon." Lumayo na ako sa kanya at naupo sa sofa. Parang hindi ako makahinga pag malapit siya sa akin.

"Sino ang kasama mo dito?" Inikot niya ulit ang tingin niya sa buong studio type apartment ko.

"Ako lang." Umupo na din siya sa tabi ko. My back straightened.

"Gaano katagal ka na dito?"

"Since I started working at your company." Tumango tango lang siya.

"Nung hindi ka pa nagtatrabaho sa amin, mag isa ka lang sa bahay niyo sa Alabang?" Napayuko ako and played my hands in my lap.

"Hi-hindi na ako nakatira doon. Apat na taon na..." Nakita kong nagulat siya sa sinabi ko. Lalo akong napayuko nung tiningnan niya ako.

"Sino na ang nakatira sa bahay niyo? At saan ka nakatira dati?"

"I sold it. Sa Tita ko sa side ni Daddy ako nakatira simula nung...nung.. aksidente." Yeah, sinabi ko sa kanyang car crash ang kinamatay nina Mommy and Daddy. Hindi ko nga lang sinabi na ako ang dahilan kung bakit sila namatay. Napangiwi ako nung naisip ko yun? Kailan ba mawawala ang sakit tuwing naaalala ko ang bagay na yun.

"I see. Bukas, wag ka munang pumasok. Pupunta ako bukas ng maaga dito to help you pack your things. You could just bring your clothes. Wag na ang mga gamit. You won't be needing it since fully furnished na ang condo na lilipatan mo" Dire-diretsong sabi niya.

"What?" Anong sinasabi niyang lilipatan ko?

"Alam kong hindi ka sanay na tumira sa ganitong lugar. At hindi ko alam kung bakit dito mo piniling tumira. But starting tomorrow you would be staying in a decent place." Well, for someone who doesn't know what happened 4 years ago, siguro parehas din ang iisipin kay Cloud. Bago ang mangyari ang lahat, we're living in one of the most exclusive subdivision, para akong prinsesa but with just a blink of an eye, nawala lahat sa akin. Sa tingin niya magtitiis ako sa apartment na ito kung may pera pa ako?

"Hindi mo ako mistress para ibahay. And what's next? The next thing I know binilhan mo na ako ng kotse at may milyones na ako sa bangko. Para ano? Para ibigay ko ang gusto mo? Is this part of your desperate act?" I saw his eyes narrowed and his jaw clenched.

"So you want to be my mistress first before I could provide all those things for you? If that's what you want then be my mistress May." Naningkit ang mga mata ko and before I could stop myself, my palm landed on his face. Namula agad ang pisngi niya dahil sa impact ng sampal.

"Get out Cloud." Mahinang mahinang sabi ko in between clenched teeth. How dare him. Oo mahirap na ako ngayon, Oo, nagkakadakuba na ako para suportahan ko ang sarili ko para makatapos ako sa pag aaral pero kahit kailan, hindi ko ginamit ang ibang tao para maibalik ang dati kong estado sa buhay.

"Get out!" Sumigaw na ako nung hindi pa din siya gumagalaw.

Napaiyak na lang ako sa sofa the moment he closed the door of my apartment. 

30 Days of MayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon