After 5 mins dumating din si Marco and gosh ang bango bango niya. As in malayo pa lang siya naamoy ko na siya.

“Natapon ata pabango mo ah?”

“Haha sinadya kong itapon yung pabango ko noh”. Tumawa na lang ako. Pumunta na kami sa classroom at nagkwentuhan. Andami pala naming common interest. Nahinto lang ang pag-uusap namin ng dumating ang teacher namin. Tinignan ko yung upuan ni Eliot at nakita ko na wala pa siya.

Hmm saan kaya siya nagpunta?.

**

*ding* *dong*

“Good bye Ms. Santos thank you for teaching us today” sabay sabay namin paalam sa teacher namin. Recess na namin kung kaya’t marami na ang naglabasan sa room namin.

Ako naman ay inaayos yung mga gamit ko. Hindi ko kasabay si Lace ngayon dahil may practice siya sa cheering nila. Ngayon ko nga lang nalaman na kasali siya dun eh. Hindi halata kay Lace na marunong siyang sumayaw. Kasi mukhang gracefull ang kilos niya eh.

*bzzt* *bzzt*

Fr: Onyx

+63917XXXXXXX

Crimson doll, ngayon na yung laban niyo ni Dark King. Mag ready ka na.

Bigla akong kinabahan sa message ni Onyx. Ngayon na ba yon? Sabagay 2 weeks na ang nakakaraan nung huli kaming nagkausap ni Onyx.

Ngayon ko na ba makikita si Dark King? Ano kayang itsura niya? Malakas kaya siya? Hays andaming tanong ang naglalaro sa isipan ko ngayon.

Pumunta ako sa locker area para ilagay ang mga gamit ko at dumiretso ako sa school garden. Doon kasi ako madalas kumakain eh. Hindi naman ako bumibili ng pagkain sa cafeteria dahil ang mamahal daig pa ang high class restaurant.

Kakain na sana ako ng nakita ko si Marco. Kumaway ako sa kanya at ganun din naman siya sakin.

“Oh Xy bakit ka nandito?”

“Kumakain”.

“Eh ba’t dito ka nakain? Pwede namang sa cafeteria na lang ah”.

“Ah eh mas komportable ako dito eh”palusot ko na lang. Sa totoo lang ayaw kong kumain dun dahil sino ba naman ang magiging komportable kung kumakain ka sa parang high class restaurant pero ang pagkain mo ay lutong ulam lang.

“Eating alone? Ano bang komportable dyan? Hays halika na nga.”Hinawakan niya yung kamay ko. Feeling ko may kuryenteng dumadaloy sa kamay ko. “T-teka san ba tayo pupunta? Tsaka di pa ako tapos kumain noh”.Bumitaw ako sa pagkakahawak niya dahil naiilang ako. Kinuha ko yung lunch box ko. “Basta. Magugustuhan mo din toh”.Hinawakan niya ulit ang kamay ko at naglakad.

LUB.DUB.LUB.DUB

Bakit ganito? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Hindi naman ako pagod or hindi naman ako tumakbo ngayon. Pero pakiramdam ko ang bilis bilis ng puso ko.

Searching for My Gangster King [ FIN ]Where stories live. Discover now