Chapter 24: Insult

Start from the beginning
                                    

"G-good morning Mom," bati ni Samantha kay Ginang Aria gamit ang inaantok niya pang tinig.

"Oh, Sam. Good morning," nakangiting bati ni Ginang Aria. Para itong nakakita ng tagapagtanggol noong makita ang dalaga.

Pero hindi ito nagsumbong. Sa halip ay ngumiti ito ng pagkatamis-tamis. Napailing si Samantha. Her soon to be mother-in-law is such a softie. Masyado itong maunawain, mapapasensiya at mabait.

Noong makita ni Samantha ang evil sister-in-law ni Ginang Aria na si Ginang Helda, gusto sana niyang maupo sa tabi ng mag-ina pero nang mapansin niya na may kasama itong lalaki na hindi nalalayo ang edad sa edad ng kanyang mapapangasaawa, palihim na tiningnan ni Samantha ang damit niya.

It's a little inappropriate to sit there with her looking like this.

Kaya naman kumuha ng monoblock si Samantha na mabuti na lang ay nakapwesto sa tabi ng pader. Pagkakuha sa upuan ay pumuwesto na sa  likuran ng mag-ina ang dalaga.

"Good morning, Auntie," kahit masakit ang ulo ay nagawa pa rin ni Samantha na ngumiti ng pagkatamis-tamis sa babaeng nag-iba bigla ang timpla noong makita siya.

Umigkas pataas ang kilay ng ginang. Pinasadahan nito ng mapangmaliit na tingin ang dalaga.

"So you're still here," mataray na turan ng ginang.

Nag-aalalang tiningnan naman ni Ginang Aria si Samantha. She really like this girl. Para sa ginang, hindi importante kung galing ito sa simple o may sinabing pamilya. As long as tinatanggap ito ng panganay niyang si Arem, nakahanda ang ginang na gawin ang lahat para sa kanyang daughter-in-law.

"Why wouldn't I be here?" Samantha asked in a lazy tone.

"Hmp! Then that's good. At least, hindi nasayang ang labing-limang milyon na ibinayad ko sa pamilya mo," nang-uuyam na turan ng ginang.

Mariing pumikit si Samantha.

Talagang parang binibiyak ang ulo niya. Nakapikit na isinandal ng dalaga ang ulo sa balikat ni Ginang Aria.

"Binayaran mo ang pamilya ko para matuloy ang engagement sa pagitan ng Salvador at Syquia. Nang sa ganoon, kayo ang tutupad sa engagement na namamagitan sa mga Tan at Syquia," kaswal na wika ni Samantha.

Argh! This head!

Habang nakasandal ang ulo niya kay Ginang Aria, dahan-dahang nagmulat ng mga mata ang dalaga saka tinitigan ang babaeng kanina pa pinagmamasdan si Arem. "Are you the ex-fiancée? Konting tingin mo pa at matutunaw na si Arem niyan," walang patumanggang dagdag pa ng dalaga.

Napanganga ang magandang babae dahil sa narinig.


Hindi siguro nito inaasahan na maririnig ang pangungusap na iyon sa babaeng hindi niya naman kaano-ano at mas lalong ni hindi niya kilala.


"Looking at your smug face, are you also here to insult my man?"


Well, kahit na hindi naman nakikita ni Samantha ang sarili na makakasama ang binata o kahit na sino pang lalaki sa future niya, as of this moment ay nasa iisang bangka sila. Hindi niya ito pwedeng pabayaan or else magkasama silang mahuhulog sa masasamang balak nitong mga taong nasa harapan nila.


My man.


Parang iisang tao na napatingin sa dalaga ang lahat, maliban kay Ginang Aria na mas lalo lang lumawak ang pagkakangiti. Umaliwalas ang mukha nito at proud na itinaas ang magandang mukha.



Lihim na napangiti ang dalaga. Kitang-kita niya ang reaksyon ng ginang. Kung sana nga'y pwede niyang tawagin ng gaoon sa totoong buhay ang anak nito. Sadly, mukhang hindi naman interesado ang lalaki sa kanya. Kaya hangga't maaari ay hindi rin ia-attach ni Samantha ang sarili dito. She treated his family as her own dahil ganoon din naman ang mga ito sa kanya, but she cannot do that when it comes to Arem.


What they have is simply an agreement.



They will help each other at kapag nakuha na nila ang mga goals nila, doon na magtatapos ang lahat. Kahit na masakit ang ulo ay biglang kumislap ang mga mata ni Samantha. Mukhang mas mapapaaga ang retirement niya ah. Kailangan niya lang galingan para naman matuwa ang fiance' niya. 



One year.


Just one year and she'll get the life that she wanted!



The DivorceWhere stories live. Discover now