CHAPTER XIX: EYES

Start from the beginning
                                    

Muli syang ngumiti saka hinalikan ang noo ng asawa. "Oo naman, Fatima. Bubuo tayo ng buhay na nais mo."

Saglit syang pinagmasdan ni Faye. "Now, it's getting weirder.."

Napakunot ang noo nya. "Anong ibig mong sabihin?"

"Simula kasi no'ng makauwi tayo after ng graduation mo, nag-eecho talaga sa utak ko kung paano ka magsalita no'ng nasa maynila tayo." Sumimangot si Faye. "Ngayon tuloy kapag naririnig kitang mag-tagalog parang nawi-wirduhan na ako."

Napatawa sya. "Should I start talking like this?" Tanong nya na ikinatawa ni Faye.

"Ang cute mo dyan,"

Napalabi sya. "Palagi na lang cute?"

"Ba't ano bang gusto mo?"

"Gwapo?"

"Wala sa bokabularyo ko 'yan, panget tsaka cute lang ang meron."

Pabirong ibinagsak nya ang balikat. "Okay....sige cute na lang."

"Napilitan," natatawang sabi ni Faye saka pinisil ang pisngi nya animo'y nanggigigil sa kanya na ikinatawa na lang din nya. "Jackstone..."

"Hmm?"

"Naisip ko, kausapin ko kaya si nanay?"

"Tungkol saan?"

"Kay baby,"

"Gusto mong sya na lang ang mag-alaga kay baby?"

Tumango si Faye. "Atleast kung papayag si nanay edi mas panatag tayo na magiging okay anag anak mo,"

"Anak natin," pagtatama nya.

"Ano sa tingin mo?"

Napangiti sya. "Tinatanong mo na ko ngayon?"

Napakunot ang noo ni Faye. "Huh?"

"Tinatanong mo na ako ngayon bago ka magdesisyon."

"Ano naman?" Napairap ang asawa. "Dapat namang ganoon di ba?"

Napatango sya. "Ganoon nga,"

"So...? Tingin mo?" Pagbabalik nito sa pinag-uusapan nila.

"Ayos lang,"

Napakunot ang noo ni Faye at tiningnan sya. "Bakit parang ang tamlay ng mga sagot mo?" Nanlaki ang mga mata ng asawa nya. "Huwag mong sabihin saking may babae ka na!" Gulat na akusa nito sa kanya na ikinatawa nya.

"Silly, tinamaan ka na naman ng saltik mo."

"Oyy, seryoso ako!"

Muli syang napatawa, ang cute kasi nitong pagmasdan habang nakatingin sa kanya ng masama. "That won't happen wife, tapos na ako sa ganoong bagay."

"Ba't kasi ang tamlay mo?"

"Hindi ako matamlay, sadyang iyon lang ang masasabi ko."

"Ang tipid kaya!" Reklamo nito.

"Fatima Faye, hindi ako kasing daldal ng inaakala mo."

Napasimangot si Faye. "Pakiramdam ko tuloy, hindi kita kilala ng husto."

"Maraming mga bagay ang nagbago sa akin ng mag-aral ako sa maynila."

Naupo ng maayos si Faye."Pero kapag narito ka tuwing bakasyon noon parang hindi ka naman nagbago ah pero ngayon pakiramdam ko anlaki ng pinagbago mo, parang andami kong hindi alam." Katwiran nito.

"That's because you saw my other side," ngumisi sya. "You better embrace yourself fatima."

Napakunot ang noo ni Faye. "Bakit?"

"We have a lifetime to spend with each other, definitely hindi lang ang mga pagbabagong natuklasan mo ngayon ang huling bagay na malalaman mo sa akin. You'll definitely discover alot of things that you probably doesn't know way back then. The question is," tumaas ang sulok ng labi ni Jackson. "Will you still choose me after you unravel all those things?"

Hindi nakaimik si Faye ng marinig ang sinabi ni Jackson, nakatingin lang sya sa mga mata ng asawa at hindi alam kung paano o ano ang isasagot na hanggang sa mga sumunod na araw na nagdaan ay hindi na nawala iyon sa isip nya ngunit imbis magduda sa lalake ay mas nakaramdam sya ng pangamba dahil bumabalik din sa isipan nya ang kislap ng mga mata nito na para bang may napakalaking bagay itong itinatago, na sa palagay nito ay hindi nya matatanggap kapag nalaman nya.

Hindi sya nangangamba sa kung ano man iyon, ang ipinangangamba nya ay ang magiging epekto no'n kay Jackson dahil bukod do'n ay nakita nya rin sa mga mata nito ang lungkot at sakit na hindi nya maintindihan kung para saan dahil para bang sa tono ng boses nito ng sambitin iyon ay mayroon itong nararamdamang takot sa kung ano man iyon.

San Lazarus Series #6: Onerous ✔Where stories live. Discover now