CHAPTER XIX: EYES

Start from the beginning
                                    

Katulad ng napag-usapan ay tinanong ni Jackson ang kapatid kung maaari bang ito ang magbantay sa sanggol pero hindi pumayag si Kristel kahit pa gusto talaga nitong tulungan sila, iyon ay dahil mayroon din itong pasok sa eskwelahan. Linggo ng tanghali ng marinig nyang nagsisigaw si Faye mula sa labas kaya napatayo sya, lumabas agad sya ng kwarto habang karga ang sanggol para alamin kung anong nangyayari sa asawa nya, napahinto sya sa bintana ng makita kung bakit ito nagsisigaw. Dumating na pala ang nanay nito mula sa ibang bansa na hindi man lang nagpasabing uuwi na pala, marahil ay surpresa iyon.

Tumuloy ang mga ito sa kubo kaya naman agad nyang tinungo ang kwarto upang doon na lang muna, hindi nya alam pero nakararamdam sya ng hiya, bagay na hindi naman nya ugali noon. Malapit naman sya sa ginang pero ngayong asawa na nya si Faye ay pakiramdam nya nahihiya syang harapin ito.

"Jackson! Nandito ka pala hijo!" Nakangiting bati nito ng abutin syang papasok na sa kwarto, alanganing ngumiti sya saka bumati.

"Naka-uwi na ho pala kayo, tiya." Nahihiyang bati nya rin, naupo ang ginang sa silya at agad na inasikaso ni Fatima bago lumapit sa kanya.

"Ayos ka lang?" Tanong nito na ikinakunot ng noo nya.

"Oo?" Sagot nya.

"Bakit ba nakatayo kayong lahat? Magsi-upo nga kayo." Saway ng ginang ng mapansin sila.

"Nako nanay, nahihiya ata sayo ang manugang mo." Pasaring ng kuya ni Faye saka inilapag ang biniling meryenda.

Napakunot ang noo ng ginang. "Manugang?" Ulit nito saka tiningnan sila ng maigi, naramdaman nya ang paghawak sa kanya ni Faye.

"Nanay, asawa ko na ho si Jackson." Sagot ni Faye na ikinagulat nya, para kasing ni hindi man lang ito nagdalawang isip na ipakilala sya ng ganoon. "Tsaka 'nay, may anak na ho kami." Dagdag nito at pakiramdam nya lumuwa na ang mga mata nya sa gulat sa sobrang casual nito.

"Ito ba 'yong nabanggit mo noong nakaraan?" Kunot pa rin ang noong tanong ng ginang.

Tumango si Faye. "Opo 'nay,"

"Oh sya," dismiss nito sa usapan saka bumaling sa panganay na anak. "Ikaw, anong nangyari sayo?"

Di makapaniwala ang ekspresyon nya kahit pa inaya na sya ni Faye na lumabas muna para makapag-usap ang ginang at ang kapatid nito.

"Hindi sya galit?" Di pa rin makapaniwalang tanong nya ng makaupo sila sa mahabang silya sa labas.

"Hindi," sagot ni Faye saka inayos ang suot ng sanggol na natutulog sa bisig nya.

"Sa pagkakaalala ko, masungit at istrikta si tiya tapos hindi sya nagalit?"

Napabuntonghininga si Faye. "Nagalit sya noong unang beses nyang malaman pero wala na rin naman daw syang magagawa mabuti na lamang at pinanagutan mo raw ako."

Nagulat sya sa narinig. "Hindi mo sinabi ang totoo?"

Umiling si Faye. "Bakit kailangan kong sabihin? Sa atin na lamang iyon, sapat ng ang huling nakaalam ay sina Miriam tama na ang mga iyon."

Napabuntonghininga si Jackson saka niyakap ang bewang ng asawa gamit ang isang braso. "Kailan pa?"

"Pagkatapos natin ikasal." Binugaw nito ang dumaang langaw malapit sa sanggol saka tiningnan sya. "Ayoko ng may iba pang makaalam Jackson, gusto ko ng magkaroon ng bagong buhay iyong malayo sa alaala nya, ayoko ring husgahan ka pa ng lahat dahil sa inako mo ang anak ko."

Nginitian sya ni Faye. "Ang gusto ko na lamang ay makita nila kung anong meron sa atin, naisip kong gusto kong lumaki ang baby natin na ikaw lang ang ama nya, wala ng iba."

"Fatima, pinaiiyak mo ba ako?"

Umiling ito saka isinandal ang ulo sa balikat nya na syang ikinangiti ni Jackson, unti-unti kahit papaano'y nagiging kumportable na sila sa isa't-isa at nasasanay na sila sa pagbabagong mayroon sa relasyon nila. "Gusto ko na lang ng tahimik at payapang buhay, kasama kayo ni baby." Tiningnan sya ni Faye. "Pwede ba 'yon?"

San Lazarus Series #6: Onerous ✔Where stories live. Discover now