CHAPTER XVIII: FEELINGS

Start from the beginning
                                    

🍛🍛🍛

"May ibibigay ako," nakangiting sabi nya kaya napahinto sa pagbibihis sa baby nya si Jackson, ito kasi ang nagprisintang magpapaligo dahil gusto daw nitong subukan kaya pinagbigyan nya.

Kinuha nya sa aparador 'yong binili nyang regalo saka iniabot sa asawa, naupo sya sa kama at inasikaso ang baby nya. "Fatima..." rinig nyang sambit ni Jackson.

"Sorry, hindi sya branded katulad ng mga sinusuot mo pero nilabhan ko 'yan." Paliwanag nya saka tiningnan si Jackson at nagulat sya ng saktong pagtingin nya ay lumapat ang labi nito sa labi nya, agad na napahiwalay ang lalake habang nanlalaki ang mga mata nya.

"Sorry, ah ano...." sambit nito na hindi maapuhap ang tamang salita. "...dapat sa ano, 'yon..."

Napairap sya ng makabawi. "Kadiri naman!" Hiyaw nya sakaagad na pinunasan ang labi nya para mawala ang pagkailang nila sa isa't-isa dahil doon.

"Sorry," napahawak sa batok nya si Jackson. "Dapat kasi sa pisngi 'yon kso bigla kang humarap....kaya..ayon..." nahihiyang paliwanag nito.

Binato nya ng unan ang asawa. "Pwede naman kasing mag-thank you ng maayos!" Hiyaw nya saka nagkunwaring nandidiri pa rin. "Ewww!"

Napatawa si Jackson. "Grabi ka sakin, wala naman akong germs!" Reklamo nito sa kanya na inirapan nya.

"Sukatin mo na 'yan bago ko pa itali sa leeg mo 'yan," banta nya na tinawanan lang ng asawa nya. Bumaling na lang sya sa anak at inabala ang sarili sa pag-aasikaso, napangiti sya ng makitang ang cute ng baby nya. "Ang cute mooo," nanggigigil na sabi nya habang pinagmamasdan ang anak.

"Fatima." Tawag sa pansin nya ni Jackson, itinakip nya ang kamay sa bibig saka humarap dahilan para tawanan sya ng asawa.

"Mhukha kha nhang thao." Kumento nya saka nag-thumbs up at bumaling sa anak, napatili lang sya ng lumapit si Jackson at itukod ang mga kamay sa magkabilang gilid nya, nag-lean ito at napaatras sya. "Jackson!"

Tumawa ang lalake. "Bakit parang naiilang ka?" Nang-aasar na tanong sa kanya.

"H-hindi!" Matapang na sagot nya kahit pa nautal na sya.

"Hindi talaga?" Ulit nito saka lumapit pa, agad nyang hinawakan ang balikat nito para itulak palayo dahil nataranta sya.

"A-ano ba!" Hiyaw nya pero napahinto sya ng nakatingin lang sa kanya si Jackson. "Problem?" Mataray na tanong nya saka itinaas ang isang kulay.

Umiling si Jackson. "Sorry, hindi ko talaga sinasadya 'yong kanina."

"Jackstone....."

"And thank you, susuotin ko 'to bukas."

"Sure ka?" Nag-aalangang tanong nya. "Special day mo bukas, sa susunod na lang 'yan."

"Special din naman 'to ah?" Nginitian sya ni Jackson. "Binili 'to ng misis ko para sakin."

Napatawa sya saka pinisil ang pisngi ng asawa. "Para namang ngayon lang kita binilhan ng kung anong bagay."

"Hindi nga, pero ito ang unang bagay na binili mo para sakin ngayong mag-asawa na tayo."

"Kelan ka pa naging sentimental?" Naupo sya ng maayos saka inayos din ang buhok ni Jackson na mas magulo pa sa lalake.

"Lately, pakiramdam ko nga bawat oras sakin ay mahalaga."

Napangiti sya dahil sa narinig. "Ang cute mo, kinakabahan ka?"

Umiling si Jackson. "Nooo, actually excited ako."

"Excited ka?"

"Yup," ngumiti si Jackson. "Kasama ko kayo e."

"Sasama kami?" Kunot noong patanong na ulit nya.

San Lazarus Series #6: Onerous ✔Where stories live. Discover now