Chapter 2: Cyrus Sandoval

1.2K 39 8
                                    

[Cyrus]

*titig*

*titig*

*titig*

*titig*

Mga 3o mins sguro kaming nagtitigan. nakaupo sya sa kama ko naka indiansit pa nga sya eh ako naman nakaupo sa sofa habang nakatingin naman sa kanya.

Maya maya bigla syang ngumiti.

Hindi ko alam pero may kakaiba sa ngiti nya. yung ngiti nya kasi parang nagsasabing mabuti syang tao pero wala sa itchura nya.

Pano ko nasabi?

Nakasuot kasi sya ng witch dress takenote may walis tambo pa syang dala ng makita ko sya kanina. Nun nakita ko syang hinimatay nun una wala akong balak na tulungan sya pero parang may humihila sakin papunta sa kanya. parang spell na naguutos na tulungan ko sya. kaya naman tinulungan at dinala ko sya dito sa bahay ko.

Nakabukod na kasi ako simula ng mag 18 ako bumukod nako ng bahay hindi dahil sa hindi kami magkakasundo nila mama kundi dahil gusto ko maiba naman ang nasa paligid ko.

"Yaaaaawn!! Nakakatamad naman!" napataas ako ng kilay ko ng tumayo yung wirdong babae atsaka nagunat.

"Nagugutom kaba?" atsa lahat ng unang pwedeng itanong yun agad ang tinanong ko.

"Buti naman at naisipan mo akong tanungin" ngumiti ulit sya atsaka bumaba ng kama at naglakad papunta ng pinto pero ako sinundan ko lang sya ng tingin.

"Huy hindi kapaba tatayo dyan?" napatayo ako sa sofa ng sa isang iglap napadpad sya sa harap ko.

Paanong nangyari yun eh nasa may pinto sya eh mga ten steps pa bago sya makarating dito sa tapat ko ni hindi ko manlang sya nakitang naglakad.

"Ahihi. gulat kaba? Halika kana kasi" nilapit pa nya yung mukha nya sakin. mga 3 inches sguro layo ng mukha nya sa mukha ko.

Shit bigla akong kinabahan. bakit ba ganto umasta tong babaeng toh! napaka wierd!

"ahihi! kabado ka oh pinapapawisan ka" bigla nyang hinawakan yung noo ko saka pinunasan. nagulat naman ako dahil may hawak na pala syang panyo.

"S-sino kaba?" nakakabakla pero kinakabahan ako sa babaeng to. kung anu anung ginagawa.

"Pakainin mo muna ako pwede?" ^_____^ ngumiti ulit sya saka naglakad na palabas ng pinto. tumatalon talon pa sya habang naglalakd.

WIRDO TALAGA SYA.

-----

"Uy ang sarap! Anung tawag dito!" kumakain na kami ngyon at etong wirdong babaeng to.  akala mo bagong silang lang dahil kanina pa sya nagtatanong.

"Nilagang baboy ang tawag dyan" sabi ko sa kanya saka ulit kumain na nakita ko naman syang tumango tango na parang naiintindihan yung sinasabi nya.

Its my turn now to ask her.

"Ikaw sino kaba?" hindi nya ko sinagot pero patuloy lang syang kumakain.

"Bakit ganyan suot mo?"

"Galing kaba sa Costume Party?"

"Hindi ka tiga dito dba?" kilala ko kasi karamihan ng nakatira dito samin. pala kaybigan nga kasi ako kaya ganon.

"Wala kabang balak sagutin yung tanong ko?" ganon parin kumain parin sya. at hindi nya ko pinansin.

"Sasagot kaba o~" naputol yung sasabihin ko ng tumingin sya sakin atsaka tinaas yung hintuturo nya automatic naman akong napatingin pero nagulat ako ng biglang may parang ewan na nagsusulat sa hangin.

The Fallen Fearless Witch [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon