SA ISANG SULYAP MO

155 9 0
                                    

FB_MAIN_STORIES

SA ISANG SULYAP MO

CHAPTER 12

ISANG LINGGO NLANG AT 1ST YEAR ANNIVERSARY NA NINA SHEI AT ANALIE...
KYA NMAN GUSTO NI ANALIE NA I-SURPRISE SYA AT BALAK NYA BILHAN ITO NG REGALO. KAYA NAGPASAMA SI ANALIE KAY ROXY SA MALL PARA DUN MAGHANAP NG GIFT NYA PARA KAY SHEI*

Roxy: Parang kelan lang best akalain mong magwa 1 year na kayo ni Shei! Iba din talaga kpag nahanap mo na ang one true love mo eh.
Analie: Hindi mo lang alam best kung gaano ako kasaya ng maging kami ni Shei,nagsimula sa awayan hnggang nauwi sa pagmamahalan. Wala na kong mahihiling pa dahil binigay na ni Lord si Shei para sakin.
Roxy: Ang drama ha,pero congratulations at nalampasan nyo ang isang taon na puno ng tampuhan pero bandang huli eh nauuwi parin sa lambingan. Ang cute nyo kayang pagmasdan. Ano nga ba ang balak mong ireagalo sa Dear mo?
Analie: Punta tayo sa jewelry shop,iniisip ko kasi kung bracelet or necklace ang gift na gusto kong ibigay sa kanya eh.
Roxy: Wow best yayamanin lang anv peg mo ha! Naalala ko lang nung high school tayo pumipitas ka lang sa bakuran ng bahay bahay para lang ibigay mo sa crushie mo noon.
Analie: Noon yun syempre bata pa tayo nuon at nag aaral pa kaya hindi pa kaya ang mga pagbili ng regalo.
Roxy: Speaking of high school best,sino nga name nung crushie mo noon,naalala ko patay na patay ka dun ah,alam ko may gusto din sayo yun eh mahigpit lang talaga mga magulang.
Analie: Wag na nating pag usapan yun matagal na yun,at syempre i live in the present na. At si Shei yun!
Roxy: oh andito na tayo sa jewelry shop,mukhang mahihirapan kang mamili best daming magaganda. Best punta muna ko cr ha tinatawag ako ng inang kalikasan hehehe.
Analie: Sige best antayin nalang kita dito..
HABANG ABALA SI ANALIE SA PAMIMILI NG IREREGALO KAY SHEI AY MAY NAPADIKIT SA KANYANG TABI AT SABAY PA NILANG NAITURO ANG KWINTAS NA NAGUSTUHAN NYA PARA KAY SHEI,LAKING GULAT NAMAN NYA NANG MAKITA KUNG SINO ANG TAONG ITO*
Mary Jean: Analie? Is that you? Yeah it's you,what a nice surprise!(tuwang tuwa na sabi ng babae sa kanya)
Analie: MJ ikaw ba talaga yan? Wow long time no see. Nakabalik kna pala dito sa manila?
Mary Jean: Oo nung isang linggo pa,nakakatuwa naman ngayon lang ako namasyal mag isa sa mall sinong mag aakala na ikaw pa ang makikita ko? Is it a destiny?
Analie: Ah,ehhh. Nagkataon lang siguro. Kumusta kana? Halos 8 years din tayong di nagkita.
Mary Jean: Oo nga eh,8 years na ang nakakalipas. Kumain kana ba,pwde bang samahan mo nalang akong kumain mag isa lang din nman kasi ako. Para makapag usap narin tayo. Please ( pagmamakaawa pa nya)
Analie: Kasama ko kasi si Roxy. Remember Roxy my bestfriend?
Mary Jean: Oh yeah i remember her,pasunurin mo nalang sya sa kakainan natin. Gusto ko talagang makasama kapa,ang tagal din nating hindi nagkita,tatanggihan mo pa ko?
WALA NG NAGAWA SI ANALIE KUNDI PAGBIGYAN ITO,WALA NAMAN SIGURONG MASAMA KUNG SASAMAHAN NYA LANG ITONG KUMAIN.KAHIT PAPANO NAMAN MAY PINAGSAMAHAN SILA NOON,KAYA TINEXT NALANG NYA SI ROXY NA SA FAST FOOD NALANG DUMERETCHO *

SA KABILANG BANDA NAKATANGGAP SI ROXY NG TEXT MULA KAY ANALIE NA PINADEDERETCHO NA SYA SA FAST FOOD KUNG SAAN SYA NANDON.NANG PUPUNTA NA SYA DOON AY BIGLANG NAG RING ULIT ANG PHONE NYA*
  Roxy: Oh hon napatawag ka?
Mina: We're here sa mall,ang kulit kasi nitong si Shei at namimilit na tanungin kung nasaan kayo. Sabay sabay nalang daw tayo kumain ng lunch dito.
Roxy: Ah ganun ba,dumeretcho na kayo sa fast food nandoon na si Analie,nag cr lang kasi ako pero papunta na ko dun.
Mina: Ah ok papunta na kami doon kita nalang tayo dun hon,miss kasi agad nitong si Shei ang Dear nya! Akala mo naman may aagaw. Sige na hon,bye!
Roxy: Bye hon.
SA FAST FOOD*
Mary Jean: Analie naalala mo paba yung huling nag usap tayo bago ako umalis?
Analie: Oo nman,hindi naman basta2 nakakalimutan yun.
Mary Jean: So naaalala mo parin nung nag confess ka ng feelings sa akin nun? Kasi ako hindi ko nakakalimutan yun. Hindi ko man nasuklian yung feelings mo pero diba may promise tayo noon sa isat isa? Na kung bibigyan ulit tayo ng chance na magkita ulit,meaning we're meant to be?
Analie: MJ that was before,ang dami ng nangyari. Marami narin ang nagbago. At ikaw baka nga may bf kna.
Mary Jean: Yes I've had boyfriend before but I'm not happy with him. Parang may kulang,parang may iba akong hinahanap. Hindi ko nakita sa kanya o naramdaman sa kanya yung love na pinakita at punaramdam mo sakin noon Analie...(naluluha nyang sabi)
Analie: Pero MJ,matagal na panahon na yun. Nagbabago ang lahat.
Mary Jean: I know pero diba parang destiny na nagkita tayo ulit,at yun din ang huling promise natin sa isat isa, na kung magkikita tayo muli ay itutuloy na ntin ang relationship na naudlot dati...
Analie: Pero MJ.....(di na nya natuloy ang sasabihin pa nya nang lumapit si MJ sa harapan nya at hinalikan sya sa labi)
Mary Jean: I still love you Analie,at alam kong hanggang ngayon ay may nararamdaman kapa para sakin. Pinangako mo sakin yon,na maghihintay ka. Kaya andito na ko ngayon...
WALANG KAALAM ALAM SI ANALIE NA MAY NAKIKINIG NA PALA NG USAPAN NILA NI MJ SA KANYANG LIKURAN.NANG MAGSALITA ITO DAHILAN NG PAGLINGON NILANG DALAWA*
Shei: So tama ba lahat nang narinig at nasaksihan ko???
Analie:Shei,let me explain. Mali ang iniisip mo.
Shei: Shei? Shei nalang ang tawag mo sakin ngayon dahil may may iba kang kaharap ngayon? Or it's better to say na kalampungan!
Analie: Dear it's what you think,walang namamagitan samin ni MJ.
Shei: So ano ako,bulag? Bingi? Ni hindi mo nga masabi sa kanya na may girlfriend kana??
Mary Jean: Anne, who is she?
Shei: Wow anne? Ano yun,terms of endearment nyo?
Analie: Dear let explain please,pakinggan mo naman ako.
NANG DUMATING NA SI ROXY*
Roxy: Anong meron bakit hindi pa kayo nakaupo dyan? What? Totoo ba tong nakikita ko? Mary Jean?
Shei: Oh akala ko MJ pangalan nya?
Roxy: Si Analie lang tumatawag sa knya ng MJ. Batch mate namin sya nung high school.
Shei: oh i see,now i know. She's your first love if I'm not mistaken.
Mary Jean: Yes you're right... At ito narin yung right time para sa aming dalawa ni Analie. 
Roxy: oohhh men!!! Paktay na...
Analie: MJ pwdw bang wag kana sumali pa sa usapan nmin please lalo lang lumalala
Shei: No its ok,i think sapat na nasaksikan ko at narinig ko bilang sagot. Let's go mina,sa uba nalang tayo pumunta. I think we're not belong here.
Mina: Shei,baka pwede munang pag usapan nyo ni Analie to.hindi lilinaw ang lahat kung ndi kayo mag uusap.
Analie:  Dear please give me a chance na makapag paliwanag sayo,i am not cheating on you.  Believe me!
Shei: You are not cheating on me,ok sabi mo eh. But still hindi mo sinabi sa kanya na may girlfriend kana para naman matigil sana sya sa kahibangan nya. And the worst thing that i saw is hinayaan mo pa syang halikan ka nya? Namiss mo ba???
Analie: Hindi lang ako nagkaroon ng pagkakataon sabihin sa kanya dahil inunahan nya ko magsalita,at yung kiss hindi ko alam na gagawin nya yun.
Shei: oh come on, kung ayaw mo you won't let it happen. Mina let's go! (Bulyaw nyang tawag kay mina)
Analie: Dear please 🙏
Shei: Don't you dare to follow me or else,you'll regret it...
AT UMALIS NA NGA SINA SHEI AT MINA,NAIWAN NMANG TULALA SI ROXY DAHIL HINDI PARIN SYA MAKAPANIWALA SA NANGYARI,UNTI UNTI NAMANG BUMABAGSAK ANG LUHA NI ANALIE. AT SI MJ NAMAN AY SINUSUBUKAN NA ALUIN SI ANALIE...

*******************************************

Hay,anyare? Kung kelan malapit na ang anniversary! ☹️🥺😰

Please follow my fb account... please like and give some comments  about sa chapter na ito,thanks my dear readers 😊 😘

*shei lie

sa isang sulyap moOù les histoires vivent. Découvrez maintenant