Chapter 26

199 4 1
                                    

Chapter 26

Onti-onti kong dinilat ang mga mata ko at napagtantong na sa loob ako ng isang kwarto. Sira-sira na ito at parang abandonado na. Mukhang hindi na ito ginagamit pero may mga ilang gamit pa rin naman na makikita pero puro alikabok na ang mga ito.

Nilibot ko ang paningin ko dahil malaki itong kwarto kung saan ako dinala. Ako lamang ang nandito at wala ng iba. Nagtataka rin ako kung bakit hindi nakatali ang mga kamay at paa ko. Inisip ko tuloy iyong nangyari kanina bago ako dinala rito. May isang taong nagtakip ng panyo sa akin kanina na hindi ko matukoy kung sino. Pero nakakasigurado ako na babae ito. Nakita ko ang repleksyon nito kanina sa salamin at nakitang mahaba ang buhok nito.

Tumayo na ako at sinuri ang buong sarili. Wala naman akong sugat o pasa na natamo sa taong kumuha sa akin. Pero anong pakay niya? Bakit niya ako dinala rito? At sino siya? Kakampi ba siya o isa rin sa kaaway ni Nikolaus?

Nang maisip si Nikolaus, doon ko lang napagtanto na baka kanina niya pa ako hinahanap. Naisip ko rin iyong huling sinabi ko sa kanya kanina bago kami magkahiwalay. Baka isipin niya na tuluyan na akong namatay at kasamang sumabog sa Casa Cassano dahil hindi ko nagawang pumunta sa oras na binigay niya at sa lugar kung saan nila kami kikitain ni Lorenzo.

Si Lorenzo kaya? Nagawa niya kayang pumunta roon? Nag-aalala rin ako para sa kanya dahil nagkahiwalay kami kanina at hindi ko na alam kung anong nangyari sa kanya.

Wala man akong orasan ngayon pero alam kong kanina pa sumabog ang Casa Cassano sa mga bomba na kami mismo ni Lorenzo ang nagkabit.

Napakunot ang noo ko dahil naka lock ang pinto. Sinubukan ko pa itong buksan ng ilang beses pero lumaylay lang ang balikat ko. Bakit naka lock? Bakit kailangan akong ikulong dito?

Hindi ko nagawang sumigaw para humingi ng saklolo dahil naisip ko na baka pumasok sila dito at pag-initan ako lalo. E 'di mas lalo na akong hindi makakalabas n'yan? Kailangan kong makaisip ng paraan para makalabas at makatakas dito nang hindi nila namamalayan.

Muli kong nilibot ang paningin ko at naghanap ng pwedeng malalabasan. May mga bintana naman pero may mga bakal na nakaharang dito na para bang sinadya ang kwarto na ito para hindi ka makatakas.

Kailangan kong makalabas dito para sabihin kay Nikolaus na okay ako....

Na hindi pa ako patay....

Pumasok ako sa banyo at nakitang may maliit na bintana rito. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at inalis na ang harang mula rito. Ngunit sadyang sa minamalas ka nga naman dahil isang tauhan ang biglang pumasok at nahuli akong tatakas.

Hinila niya ako sa braso at buong pwersa akong itinulak sa kama, galit na galit. Pamilyar ang lalaking ito sa akin pero hindi ko lang maalala kung saan ko ba siya nakita. Dahil sa pagtangka kong pagtakas, tuluyan niya ng tinalian ang mga kamay at paa ko. Napapikit pa nga ako sa sobrang higpit ng pagkakatali niya sa akin, ayaw talaga akong makatakas.

"Who are you? What do you need from me?" Sunod-sunod na tanong ko.

"You're not allowed to leave this room. You're safe here."

Natawa ako. "Safe? Eh, ginapusan mo nga ako!"

"I did that so you wouldn't run away. Mrs. Cassano, stay here and avoid anything that could put you in danger." Napakunot ang noo ko. Kilala niya ako? Tauhan ba siya ni Nikolaus? Ginawa ba ito ni Nikolaus para mailayo ako sa kapahamakan?

"Who gave you the order to do this? Is it my husband?" Sunod-sunod na tanong ko. Ngunit hindi niya na ako sinagot dahil isang lalaki ang pumasok at kinuha ang atensyon niya.

Hide and Seek (A Dark Mafia Needs A Wife) - CompletedKde žijí příběhy. Začni objevovat