Chapter 4

21 1 0
                                    

Dahil wala na pala kaming stock na pagkain sa apartment ay kinuha ko ang aking pitaka para mamili.

Sinubukan kong gisingin si Cassie pero ang gaga ayaw magising. Parang mantika kung makatulog. Kaya napagdesisyunan kong ako nalang muna ang bibili sa convenience.

Isinira ko muna ang gate bago naglakad paalis sa apartment.

Naglagay nalang ako ng notes sa table na mamimili muna ako para kapag nagising si Cassie ay mabasa niya iyon.


Kahit may mga tambay, hindi naman masyadong nakakatakot ang daan kasi sobrang liwanag at may mga sasakyan pa na dumadaan pero, hindi ko maalis sa isipan na matakot kasi baka pagtripan ako ng mga tambay.

Napayakap ako sa aking sarili ng yumakap sa aking balat ang hangin. Beer months na kasi kaya nagsimula ng lumamig ang hangin. Nagsisisi ako, sana pala ay nagjacket ako para hindi ako lalamigin.


Mabilis lang akong nakarating sa convenience. Agad akong pumasok at kumuha ng basket para doon ilagay ang pinamili kong groceries.

Puro canned goods at mga instant noodles lang ang binili ko kasi wala na kaming time magluto ni Cassie sa sobrang busy sa school. Naglagay din ako ng mga chocolates, yogurt at iba pa bago pumila sa counter.

Pagkatapos magbayad ay nakaramdam ako ng gutom kay kumuha ako ng ramen at tinimpla iyon sa loob bago pumunta sa table.

Habang kumakain ako ay may biglang naglapag ng pagkain sa table ko. Kaya napaangat ako ng tingin.

My jaw drop ng mapagtantong ang lalaking kaharap ko ngayon ay ang nakabangaan ko kaninang umaga at crush ko rin, sympre.

Muntik na akong mabilaokan sa presensya niya.

Ehrm" he faked a cough. "Can i set here?" he asked.


I slowly nodded because I was still chewing noodles.

Neither of us spoke. I just looked outside, since the front is tempered glass.

"Ehrm, are you not comfortable with me?" He said reason for me to look at him

"Hindi naman sa ganoon" sagot ko.

Where are your friends? You're alone" he said to me and he looked around.

"Namili kasi ako ng mga groceries, kasi naubusan na kami ng stocks" itinuro ko ang mga pinamili ko kanina at agad naman siyang napatingin.

"Canned goods at instant? It's bad for health" nag alalang tanong niya.

"Hindi naman sobrang tibay kaya namin at tsaka wala na kaming time magluto ni Cassie dahil parehos kaming busy" napatango lang siya sa sinabi ko.


"By the way i haven't introduce myself to you. I'm Theo Alvarez" he handed me his hand.

Alam kong si Theo Alvarez ka, sinabi sa'kin kanina ni Kayla.

"Kelsey. Kelsey Dela Paz" kinuha ko ang kamay niya at nakipag shake hands. Bigla nalang ako nakaramdam ng bultahe ng kuryente kaya bigla kong nabitawan ang kanyang kamay.

"beautiful name but you are more beautiful" he said dahilan para tumaas ang kilay ko.

"Salamat" Sarkastikong sabi ko dahilan para mapangiti siya.

Damn! Sobrang gwapo niya lalo nakangiti.

"About kanina, sorry pala" mahinang sabi ko. Hindi ko kasi alam kung ano ang sasabihin ko!

Tiningnan niya ako ng matagal bago nagsalita. "It's okay. Basta next time mag ingat ka" Sabi niya. Ewan ko ba kung anong meron sa lalaking ito at na-hypnotized ako at tumango.

Kung iba ang nagsabi sa'kin nyan eh sinasagot ko lang na sino ba siya para pagsabihan ako ng ganyan. Ayaw ko kasi na ginaganyan ako feeling ko para akong bata na sinasabihan.

Inilipad ng hangin ang aking cute na bangs dahil sa electric fan sa ibabaw ng pader.

"So pretty" rinig kong mahinang sabi niya dahilan para itaas ko ang aking ulo.

"May sinasabi ka ba?" As if na tanong ko.


He then smiled at me. "Wala. Are you done?" Tanong niya at tumango ako. "Pwede ba kitang ihatid baka mapano ka pa sa daan" tumayo na siya at niligpit ang pinagkainan namin ramen at inilagay sa trashbin.

"Huwag na. Kaya ko naman mag isa" sabi ko at kinuha ang mga pinamili ko.

"Malalim na ang gabi kaya hatid na kita". He said at pagkatapos ay kinuha sa kamay ko ang plastic na nilagyan ng pinamili ko. "Let's go" nauna na siyang maglakad habang ako naman ay nakatulalang nakatingin sa kanya.

Nang maramdaman niyang hindi ako sumunod ay lumingon siya sa'kin at bumalik.

Lumakad na ako. Pinantayan niya ako sa paglalakad. Walang nagsasalita sa'min.


Mahigpit ang yakap ko sa aking sarili dahil sobrang lamig ng hangin.Medyo napansin ni Theo kaya hinubad niya ang kanyang jacket at ibinigay niya sa akin.

"Wear this" inabot niya sa akin ang kanyang jacket.

"Naku, wag na baka madumihan ko pa 'yan" i refuse pero bigla nalang niyang inilagay sa aking balikat ang kanyang jacket.

"T-thank..... You!" Sabi ko. Ngumiti lang siya sa'akin.

Malapit na kami sa aming apartment ng may mga tambay na nag iinuman sa isang tindahan.


"Hi miss ganda. Gusto mo ba na makapunta sa Langit?" Sabi ng isang lasing na lalaki habang tinitingnan ang aking legs. Naka short lang kasi ako at naka sleeves

Theo's teeth gritted at ikinuyom niya ang kanyang kamao. Akmang susugurin niya ang lasing pero pinigilan ko siya. Napabuntog hininga nalang siya.

"Huwag mo ng patulan" hinawakan ko ang kanyang kamay.

"Palagi ka ba nilang ginaganyan?" Tanong niya sa akin habang naglalakad kami.

"Ngayon lang" nahihiyang sagot ko. Ayaw kong sabihin sa kanya na ilang beses na akong na bastos pero hindi nga lang dito sa lugar namin kasi ngayon lang naman may tambay.

Napabuntog hininga lang siya.

"Sa susunod mag iingat ka. Tsaka 'wag kang lumabas ng ganitong oras ng walang kasama baka mapano ka pa" nag alalang sabi niya.

Tiningnan ko siya at unti unting tumango. Parang kinilig ako sa sinabi niya. He's acting like a boyfriend. Ganito pala ang feeling na may nagsasabi sa'yo ng ganito.

"I'm sorry for being like this. Nag alala lang ako. Ayaw ko kasing binabastos ang mga babae" sabi niya.

Pagkatapos ay sobrang tahimik niya athindi na nagsalita pa. Nang malapit na kami sa apartment ko ay sinabihan ko siyang kaya ko na kasi malapit na lang naman ang apartment pero sabi niya ay ihahatid niya raw ako hanggang sa may gate.


"Nandito na tayo" sabi ko. Huminto na kami sa paglalakad. "Ahh ano salamat pala ha! Tsaka itong jacket sa makalawa ko na isasauli kasi lalabhan ko pa 'to" nauutal kong sabi.

Agad kong kinuha sa kanyang mga kamay ang mga pinamili ko.

"Gusto mo munang magkape?" Tanong ko.

"Can i" he said

"Oo naman, tara pasok" binukas ko yung gate at pumasok kami sa loob.

The Broken promise Where stories live. Discover now