Chapter 21 : Law of the jungle

102 7 3
                                    

21 : Law of the jungle.

---------------------------x

THIRD PERSON's POV

Sa isang dako naman ng eskwelahan ay naroroon sa pinakakwarto ng Fine Arts 1 ang ngayo'y nakatali na Arthur. Pilit na sumisigaw ng tulong si Arthur habang nagpupumiglas mula sa pagkakatali nito sa upuan.

"Hello fake twin bro." Bumungad sa kanya ang isang taong napakapamilyar para sa kanya.

Dahil ito ang taong kinamuhian niya dahil sa kanya napunta ang lahat ng atensyon na matagal na niyang hinahangad mula sa pamilya niya. Dahil siya ang tunay na anak, hindi si Celine.

"Ate, pakawalan mo na ako please? Nagsisisi na ako sa mga ginawa ko sa'yo." Mahina at impit na pakiusap niya kay Celine pero isang malutong na sampal ang naging unang tugon ni Celine sa taong nagpahirap sa kanya. Pilit na iginalaw ni Arthur ang mukha niya para makita niya ang mukha ng kapatid niyang punung-puno ng poot ang mata.

"Pakawalan mo na ako please? Diba sinabi ko din 'yan noon nung nilock mo ako sa sariling kong locker nung Second Year ako? Pinakawalan mo ba ako? Tangina Arthur, kung walang janitor na dumaan panigurado ay nabulok na ako sa locker na 'yun!" Galit na sambit ng nanggagalaiting si Celine at agad na hinugot ang isang malaking kutsilyo mula sa bulsa ng likuran niya.

"Ate.. ate. Wag mong gawin 'yan please? Nagmamakaawa ako sa'yo." Impit na pakiusap ni Arthur pero isang sampal lang muli ang natanggap niya mula sa nakakatanda.

"Ate? Hindi kita kapatid Arthur. Ampon niyo lang ako? And I'm not Marceline Han." Malamig na sambit ni Celine. "My name is Maria Celine Conde. Daughter of Ms. Antonette Conde."

"Antonette Conde? Putangina." Galit na sambit ni Arthur kaya napangisi nalang si Celine.

"Kuya!" Agad na sigaw ni Kylie habang tumatakbo ito papalapit sa kuya niyang si Harper. Agad naman niyakap ni Kylie si Harper at agad na gumanti ng yakap ni Harper.

"Hello Kylie. Kuya Harper missed you. Did you missed kuya?" Tanong ni Harper habang tinitignan ang nakakabatang kapatid na matagal na niyang hindi nakita.

"I missed my kuya." Sambit ni Kylie at uminom ng kape na inorder nina Celine at Hyacinth para sa kanya.

"Eh ako Kylie? Did you missed me or did you diss me?" Matawa-tawang sambit ni Celine kaya natawa nalang si Kylie.

"I dissed you." Matawa-tawang tugon ni Kylie kaya napabusangot nalang si Celine. Agad naman humiwalay ng upuan sina Celine at Hyacinth para magkaroon ng oras ang dalawang nagkawala'y na magkapatid sa ina.

"Ate, kailangan na nating patayin si Nanay. Hindi natin matatapos ang trabaho natin kung nandiyan pa siya." Sambit ni Hyacinth at uminom siya ng strawberry shake na binili niya.

"Let Kylie see Mom again." Sambit ni Celine pero umiling lang si Hyacinth sa kanya.

"Celine, you don't know Kylie yet. She hates mom. Ayaw na niyang makita ulit si mom simula nung lumayas kami months ago." Sambit ni Hyacinth. "And we can use Kylie to kill mom." Dagdag pa ni Hyacinth.

"You don't know what you're saying Hyacinth. May plano si Harper kay Nanay at–" Naputol agad ang sinasabi ni Celine nang biglang nagsalita muli si Hyacinth.

"Mas maganda ang plano ko kaysa kay Kuya." Sambit ni Hyacinth at agad na tinawag si Kylie.

----------------------

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 23, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Repost : New Era {under final revision}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon