Chapter 20: Finally

Magsimula sa umpisa
                                    

Kung mukhang señorita, maldita at spoiled brat ang babae sa larawan, mukha namang napaka-down-to-earth nito sa personal.

"Aherm..."

Napatingin ang lahat kay Ginang Aria noong tumikhim ito ng malakas.

Hindi nakaligtas sa paningin ni Arem ang mabilis na pagkuha ni Samantha ng tubig at kaagad iyong iniabot sa mommy niya.

"Masakit po ba ang lalamunan niyo? Inuubo ba kayo?" Hindi mapigilan ni Samantha ang mapakunot-noo.

Sa lahat ng sakit na ayaw nilang dumapo sa Ginang, iyon ay ang ubo. Nakakaawa itong tingnan habang kinakapos ng hininga at halos walang kulay ang mukha sa tuwing dinadalahit ito ng sunod-sunod na ubo. At ang malala pa, baka maging pneumonia pa iyon na minsan na ring nangyari.

Tatlong araw itong nag-stay sa ospital noon.

Hindi nag-aalala si Samantha sa pera. She can still afford it. What she cannot afford was the children's care for their mother. Halos hindi rin natutulog ang tatlo at palagi namang umiiyak si Arya.

"G-gagawa ako ng ginger tea para kay mommy," halos patakbong tinungo ni Arya ang kusina.

"Mom, you have to sit down. Don't tire yourself," malumanay na paalala ni Samantha sa mother-in-law niya.

Iginiya nito ang ginang papunta sa dining table. Nakapaghain na ang dalawang binatilyo. Nang makaupo na ang ginang ay tiningnan ni Samantha ang fiancé niya na nakamasid lang sa kanila.

Hindi mabasa ni Samantha kung ano ba ang nasa isipan nito.

And honestly, walang maramdaman na kahit ano ang dalaga. Syempre natulala siya ng kaunti dahil hindi niya inaasahan na ganoon pala ka-hot at ka-gwapo ang mapapangasawa niya kung saka-sakali. Pero kaunti lang.

Sanay na siyang makakita ng gwapo.

At nagka-trauma na rin siya sa gwapo.

Kaya nga nangyari ang trahedya sa buhay niya in her past life ay dahil sa sobrang pagkahumaling niya sa napaka-gwapong nilalang. Kung itsura at katawan rin lang ang pagbabasehan, masasabi ni Samantha na 'it's a tie between this man and her ex'.

"Mom, your tea," maingat na inilapag ni Arya ang tasa sa harapan ng nanay niya.

Napakagat-labi si Ginang Aria.

Hindi naman talaga siya inuubo. Gusto niya lang gawin 'yun dahil nagbabawas siya ng kabang nararamdaman. At para na rin maibsan ang tensiyon sa pagitan ng lahat.

Sa totoo lang ay hindi alam ng ginang kung paano ipapakilala ang anak sa fiancée nito. At hindi niya rin alam kung paano ipapakilala kay Samantha ang panganay niyang anak bilang fiancé nito.

Everything seems to be so awkward.


"Mom, don't stress yourself," Samantha reminded her helplessly.

Kitang-kita ng dalaga sa facial expression ng ginang na nag-aalala ito.

*****

Tahimik na nagmasid si Arem sa paligid niya. Sa totoo lang ay nagulat siya sa nakitang itsura ng kanyang ina. Napakalayo nito sa babaeng nakaratay sa hospital bed at para bang wala nang kakayanang imulat ang mga mata


The woman in front of him is glowing and healthy. Na para bang walang nagbago dito. Na para bang isang panaginip lang ang pagkakaratay nito sa higaan ng maraming taon.

And it's thanks to this woman. Because of this woman, his Mom overcome her sickness.

Arem looked at the woman discreetly.

The woman didn't even look at him for long, it only lasted 10 mere seconds. Parang sumulyap lang ito at nag-iwas na rin kaagad ng paningin. Hindi tuloy malaman ni Arem kung matutuwa ba siya o sisimangot dahil sa ipinakita nitong attitude.

Mas naka-focus pa ito sa mommy niya. At mukhang hindi man lang ito interesadong kilalanin siya.

Arem looked coldly at the woman, hiding his dissatisfaction.

"Ahm, ah...A-anak, this is..."

"My fiancé, right?" Mabilis na putol ni Samantha sa sasabihin ng ginang. "Drink your ginger tea first, mom. Sa sobrang uhaw niyo, nakalimutan niyo na po yatang ipinakilala niyo na siya kanina," tudyo ni Samantha sa mother-in-law niya na hindi malaman kung saan ipapatong ang mga kamay.

Napalunok si Ginang Aria. At wala sa sariling sinunod nito ang utos ng manugang.

Nang makita ni Samantha na iniinom na ng ginang ang ginger tea na ginawa ni Arya, kampanteng naglakad ang dalaga papalapit kay Arem.

Dahan-dahan namang nag-angat ng paningin ang binata.

"Hello, future husband," nakangiting bati ni Samantha sa lalaking hindi malaman ang isasagot.

Arem felt that he was suddenly blinded by the bright and sweet smile.

Bago pa makahuma ang binata ay nakadukwang na si Samantha. Hinalikan nito sa pisngi ang binatang mas lalo nang hindi nagawang kumibo.

Napanganga si Ginang Aria.

Hindi niya inaasahan ang ginawa ni Samantha. Pero mas lalong hindi niya naman inasahan ang pamumula ng magkabilang tenga ng panganay niya. Is this grown up man for real?! He's being shy?

Hindi naman nakaligtas sa matalas na paningin ni Arya ang naging interaksyon ng dalawa. Palihim na napangisi ang dalagita. Hindi niya mapigilan ang pagkislap ng kanyang mga mata.

Nice move, ate. Nice move.


The DivorceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon