Tiningnan sya ng kapatid. "Ano?"

"Kuya...buntis ako." Mahinang sagot nya.

"Fatima kung ginu-good time mo ko, tigilan mo 'yan di magandang biro 'yan." Di naniniwalang saway sa kanya ng kapatid.

"Kuya, totoo e. Ilang weeks na."

"Tang-ina?" Napaupo ito agad sa tabi nya. "Fatima anong naisip mo at pumayag ka?!"

Napasimangot sya saka napahawak sa magkabilang pisngi at umiyak, hindi nya alam kung bakit ba naiyak sya basta pakiramdam nya gusto nyang umiyak na para bang nasaktan sya kahit pa wala namang nanakit sa kanya.

"Pinuwersa ka ba ng lalakeng 'yon?! Fatima!" Galit na sigaw ng kuya nya.

Umiiyak na umiling sya. "Hindi...kuya, sorry.."

"E bakit ka umiiyak?!"

"Kasi nagi-guilty ako," pinunasan nya ang mga mata. "Alam kong blessing ang magkaroon ng baby pero kuya...sorry,"

Nahindik ang kuya nya. "Ipalalaglag mo 'yan?! Alam na ba ng gagong 'yon na nabuntis ka nya?!"

"Kuya!" Hiyaw nya. "Nagso-sorry ako kasi alam kong na-disappoint ka pero hindi ko ipalalaglag ang baby ko!" Hinawakan nya ang tyan nya ng marahan. "Tsaka isa pa, pananagutan nya raw ako."

"Para ka talagang tanga," napabuntonghininga ang kuya nya. "Siguraduhin mo lang na pananagutan ka ng gagong 'yon, baka mamaya inuuto ka lang ng hayop na 'yon. Mapapatay ko talaga sya!"

"Kuya naman, nagpropose na nga e. Ikakasal kami pagka-graduate ko."

"Ay hindi! Kakausapin ko ang gagong 'yon! Magtutuos kami! Tang-ina nya, ipinagkatiwala kita sa kanya tapos ganito ang gagawin nya!" Pinal na sabi nito saka tumayo animo'y hindi sya narinig, maya-maya ay bumaling ito sa kanya. "Akin na ang cellphone mo."

Nagsalubong ang kilay nya. "Bakit? Para saan?"

"Basta, akin na." Seryosong sagot ng kuya nya saka inilahad ang kamay sa kanya kaya wala syang nagawa kundi ang ibigay ang hinihingi sa kanya.

Napa-face palm na lang sya, pagsapit ng hapon bago pa man makalapit sa kanya si Vladimir ay sinalubong na agad ng kuya nya ng suntok sa mukha ang binata, napalugpok ito sa damo habang naguguluhan at walang kaalam-alam kung bakit bigla na lamang sumugod ang kuya nya. Naroon lang sya sa may hagdan, nakaupo at pinagmamasdan na magtalo ang dalawa. Bugbog sarado si Vladimir sa kuya nya kaya muli syang napa-face palm, hindi sya pupwedeng umawat baka lumala ang toyo ng kuya nya at lumala pa ang sitwasyon kaya tumayo na sya at pumasok sa loob ng kubo, kinuha nya ang mga panlapat na gamot sa mga sugat na makukuha ni Vladimir mula sa kapatid nya.

Sinilip nya ang mga ito sa bintana at nakita nyang nakahiga na sa damuhan ang dalawa, mukhang tapos na magsakitan. Di nagtagal ay umakyat na ang mga ito pero inaaya na sya ni Vladimir na umuwi na sa tree house dahil pagabi na rin, binitbit nya ang ilan sa mga gamot at binilinan si Alicia na gamutin ang kuya nya saka sya sumama kay Vladimir pauwi sa tree house nila.

"Hindi mo man lang ako sinabihang sinabi mo na pala," inis na sabi ni Vladimir saka napangiwi ng makaramdam ng sakit habang ginagamot nya.

"Biglaan e,"

"Bugbog sarado tuloy ako sa kuya mo, may galit ka ba sa akin?" Akusa nito sa kanya na ikinakunot ng noo nya.

"Bakit pinagbibintangan mo ako? Sya ang galit sayo kasi magkokolehiyo pa raw ako pero binuntis mo." Inis na sagot nya.

Nagsalubong ang mga kilay ng binata. "Bakit parang kasalanan ko? Ginusto mo rin naman 'yon,"

"Vladimir, ano bang pinupunto mo?" Tanong nya, pakiramdam nya hindi nya nagugustuhan ang sinasabi ng binata.

San Lazarus Series #6: Onerous ✔जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें