Episode 51: Mafia War ( 1st Battle ) Part 2

Start from the beginning
                                    


Biglang sumugod ulit sakanya si Hiro kaya pinilit na niya ang tumayo kahit napakasakit igalaw ng kanang braso niya.


Tumatakbo na sakanya palapit si Hiro kaya tumakbo na rin siya para salubungin ito. Nung malapit na sila sa isa't isa ay agad bumwelo si Hiro, at nung magkalapit na sila ay agad niya itong pinakawala sa harapan ni Steph. Pero nagulat siya sa ginawa ni Steph. Nag slide ito sa pagitan ng mga paa niya at mabilis na tumakbo sa kinaroonan nung mga injection na yun.


Kumuha si Steph ng tatlong injection pagkatapos ay tumingin ito kay Hiro.


Nung makita ni Hiro ang kinuha ni Steph ay agad siyang natawa " Oh, Itutusok mo rin ba yan sa katawan mo? " Natatawang tanong nito.


" Hindi." Tipid naman na sagot ni Steph tapos ay bigla itong ngumisi " NGAYON NA NICA!! " Pagkasigaw niya nun ay agad nanlaki ang mga mata ni Hiro at mabilis ito na lumingon sa likuran niya.


Buti nalang at hindi siya nahuli at mabilis niyang nasalo yung palaso na tinira ni Nica sa likuran niya. Sinira niya ang bombang nakakabit doon para hindi na ulit siya masabugan. At habang sinisira niya ito ay nakaramdam siya ng tatlong parang kagat ng langgam sa may likuran niya.


Nilingon niya ang likuran niya at nakita niya si Steph na nakalapit na sakanya habang nakatusok ang tatlong injection sa likod niya gamit lamang ang isa nitong kamay.


Agad niyang sinuntok si Steph ng malakas dahilan para tumilapon ito. Mabilis naman niyang kinuha yung tatlong injection sa katawan niya.


Nung makita niya na kulay pula yung naitusok ni Stephan sa katawan niya ay agad siyang natawa. " Diba sinabi ko na sayo na ang pulang likido ay nagpapalakas ng katawan? " Natatawang tanong nito.


Halos magkandarapa naman sa pagtayo si Steph matapos siyang matamaan ng atake ni Hiro.


" T-tama ka jan."


" Eh bakit ito ang itinusok mo sa'kin? Balak mo ba akong gawing mas malakas pa? " Natatawang tanong nito. " Akala ko pa naman matalino ka Mr. Milvar. Pero sa tingin ko ay nagkamali ako ng akala sa--a--a" Biglang natigilan si Hiro nung makaramdam siya ng kakaiba sa katawan niya.


Hindi niya alam pero dahan dahan lumalakas ang paghinga niya, unti unting bumibilis ang tibok ng puso at pulso niya..


Biglang napangisi si Steph. " May kasabihan nga tayo, minsan, nakakasama ang sobra."


Ngayon ay napaluhod na si Hiro dahil sa sobrang init na nararamdaman ng buong katawan. Parang anytime ay sasabog na ang buong katawan niya. Naluluha na ang kanyang mga mata. Nag umpisa na namang tumulo ang mga laway niya. Yung mga muscles at ugat niya ay parang puputok na. Hindi na niya kaya ang sakit. Napahawak siya sa kanyang dibdib nung bumilis pa ng husto ang pagtibok ng kanyang puso. Rinig na rinig pa niya ito.


Muntik na niyang hindi makayanan ang isang inject ng pulang likido na 'yun kanina, paano pa kaya kapag tatlo na?

VIRGEL (BOOK 1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now