Chapter 24

218 6 0
                                    

Chapter 24

Lorenzo and I successfully entered the island without anyone suspecting our intentions. Last night, Nikolaus discussed the plan with me. He said to stick to our original plan, involving the attachment of bombs.

Lorenzo is part of the main Cassano's Organization under Nikolaus' parents. This allows him to move in and out of the island without raising suspicion. Our plan is to visit the Casa Cassano, the casino hotel of the Cassano's, pretending to be regular gamblers. He'll then introduce me to the VIP clients as one of his trusted VIP clients from the Philippines.

Madali lang kaming nakapasok ni Lorenzo dahil sa VIP card na mayroon siya. Hindi na ako hinarang o pinaghinalaan pa dahil kasama ko ang isa sa mga VIP clients nila. Matagumpay din naming naipasok ang mga bomba. Nakatago ito sa briefcase kung saan din nakalagay ang pera na ipanglalaro namin.

Lorenzo cannot wear eyeglasses since he joined the organization without it. Baka lang paghinalaan siya bigla kung magsuot siya no'n lalo na't mabilis daw makahalata ang mga taong nandito. Ako nalang ang nagsuot ng eyeglasses kung saan nakikita at naririnig nina Nikolaus ang mga nangyayari rito sa loob. Hindi nga lang namin sila naririnig dahil mahahalata na masyado kung magsusuot pa kami ng wireless earphones. Tsaka baka ma-detect pa nila at marinig lang ang pinag-uusapan namin.

Nilibot ko ang paningin ko para makita rin nina Nikolaus kung ano ang mayroon dito sa loob. Naging maingat lang ako sa paglingon sa paligid dahil baka mahalata nila ako na may ginagawang mali laban sa kanila. Lahat din ng madaan namin ay yumuyuko kay Lorenzo na para bang ang taas na ng posisyon niya rito. Siguro ay ito talaga ang binigay na task sa kanya ni Nikolaus, ang maging parte ng organisasyon na ito at magkaroon ng mataas na posisyon.

Hindi pa namin matukoy ni Lorenzo kung makikita ba namin ang mga magulang ni Nikolaus. Pero base sa kanya, palagi naman daw itong dumadalo at nakikipaglaro sa mga VIP clients nito na para bang isa silang malaki na pamilya.

Pumasok kami sa isang double door ni Lorenzo kung saan bumungad sa amin ang iba't ibang klase ng tao. Mula sa mararangya nilang mga kasuotan, pusturan na katawan, seryosong mukha, at mga mamahaling alahas, halata mong mga bigatin ito at hindi lamang simpleng tao.

Buti nalang, ibinagay ni Lorenzo ang kasuotan ko sa pagdalo rito. Pinasuot niya sa akin ang isang elegante at vintage na itim na dress, kasama ang mataas na itim na takong, mga guwantes na itim, at isang flat na sombrero na may mesh. Lahat ng suot ko ay itim pati na rin ang hawak naming mga briefcase.

Sinimulan akong ipakilala ni Lorenzo sa mga matataas na tao na nandito. Ibang pangalan ang pinagamit sa akin ni Nikolaus dahil hindi nila maaaring malaman na may koneksyon ako sa kanya at asawa niya ako. Kahit calling card ay mayroon din ako gamit ang ibang pangalan.

"It was a pleasure meeting you, Sir," nakangiti ako sa isang matandang lalaki. Hawak pa nito ang kamay ko saka ako hinalikan dito.

"Are you married, young beautiful lady?" He asked. Nanatili akong nakangiti sa kanya bago tumungo, nagkunwawaring kinikilig.

May balak pa ata akong pakasalan nito. Eh, parang isang pitik na nga lang sa kanya ay tutumba na.

"I'm not yet married, Sir," sagot ko.

Isang lalaki ang umagaw sa kamay ko at paghalik agad sa kamay ko ang una nitong ginawa bago tuluyang magpakilala sa akin. Nangangalay na nga ang panga ko dahil kanina pa ako nakangiti sa mga pinapakilala sa akin ni Lorenzo. Nagsisimula na nga akong mailang sa kanila. Ganoon ba ako kaganda sa paningin nila?

Marami pang ipinakilala sa akin si Lorenzo na mga bigating tao. Mga businessman, politician, abogado, mga nasa gobyerno, at marami pang iba. Mararamdaman mo naman na welcome ka pero karamihan pa rin sa kanila ay peke at puro kaplastikan lamang. Iyong iba rin ay nagsisimula ng maglaro kaya hindi na namin inabala pa.

Hide and Seek (A Dark Mafia Needs A Wife) - CompletedWhere stories live. Discover now