00

17 0 0
                                    

00: PROLOGUE

***

“Hindi ba puwedeng magpahinga lang tayo? Parang awa mo na...”

Hindi. Hindi puwede. Ayaw ko ng ganito. Kapag nagpahinga ako, mahuhuli ako.

I ran as fast as I could so I wouldn’t be left behind. Mauuna ako o habang buhay na lamang akong matatali sa hulihan.

Hindi puwedeng nasa huli lang ako. I needed to be on top in order to survive. I have to survive.

“Misa, nagmamakaawa ako sa iyo.”

Hanggang kailan mo kayang magmakaawa para sa pagmamahal na pinanghahawakan mo? Hanggang kailan ka mabubuhay sa ilusyon?

“Misa... Apo... halika rito.” Malawak ang mga brasong bumukas para maghintay ng yakap ko.

Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin. Bahagya pang nanlalabo ang mga mata.

“Lola...” My voice shakes. Mabilis akong tumayo at mahigpit na yumakap sa kaniya.

“Lola, miss na miss na kita. I’ll be a good girl from now on. Natatakot ako, takot na takot ako ngayon.” Tears continued to roll down from my eyes. Wala itong tigil sa pagtulo, tila isang batang humahagulhol.

Mahina ang pinakawalan niyang tawa habang hinahaplos ang buhok ko. “Misa... It seems like you’ve finally tasted how bitter life can be.”

I didn’t speak. In fact, I just wanted to cry on her shoulders for as long as her arms were wrapped around me.

She heaved a deep sigh. “Palagi mong tatandaan na mahal na mahal kita, Misa. Walang sino man sa mundong ito ang puwedeng makapagtanggal ng pagmamahal ko para sa iyo.”

Before I could even say that I love her too, the ray of sunshine welcomed my eyes. Dahan-dahan akong tumayo saka inilibot ang tingin.

Oh... Sa sala pala ako nakatulog kagabi, hindi ko man lang namalayan.

Ginala ko ang tingin sa buong sala. Isang kirot sa dibdib ang bumuhay sa tila namamanhid kong pagkatao nang ilibot ang tingin sa buong bahay.

Nagkalat ang mga bote ng soju sa carpet, my cat’s sleeping on her cat tower, and the radio from last night is still on.

I’m back to reality... It was the same dream I had after my Lola’s death. It was the exact dream. Sobrang lungkot ko ba na napaginipan ko pa siya?

Humugot ako ng malalim na hininga. Stop thinking about those times, Misa. Tapos na ang lahat ng ‘yon at hindi ka na dapat bumalik.

I stood up and went straight to my cat. My head’s spinning from all those soju last night. Medyo mahapdi rin ang mga mata mula sa pag-iyak.

“Cinezé,” I called. Marahan kong hinaplos ang ulo niya.

She slowly opened her eyes and then meowed at me. I smiled.

“Ubos na wet food mo, I’ll go buy some after work.”

She’s a five-year-old Persian cat. She was rescued by him five years ago along the streets. Siya na lang ang nakakausap ko sa tuwing marami akong iniisip. Kung wala siya ay nabaliw na ata ako.

Tatlong taon na mula nang lumipat ako rito sa Manila galing Nueva Ecija. I feel like, I couldn’t move forward if I stayed there even for a little longer so I decided to move.

Umuuwi na lang akong Nueva Ecija tuwing may okasyon para bisitahin ang mga puntod.

Muntikan akong ma-late sa trabaho dahil niIinis ko pa ang bahay bago pumasok.

caught in a summer sceneWhere stories live. Discover now