Ano pa bang kailangan kong tiisin para sa relasyon na ito?

"Lagi na lang ikaw ang nagtitiis. Lagi na lang ikaw ang nagpapasensya. L—"

I cut him off. "Kasi mahal kita at ayaw kitang mawala sa akin."

"But am I still worth the sacrifice, Darlene?" he weakly asked.

"You are. Always. Huwag mong isipin na hindi ka deserving kasi deserve na deserve mo," sagot ko.

Kahit naluluha ay pinilit kong ikulong ang mukha niya gamit ang mga palad ko. Marahan kong pinunasan ang luha niya na natuyo na.

"N-natakot ako, Darlene. I-ikaw agad ang una kong naisip noong ginawa niya iyon. H-hindi ko kayang mawala ka."

"Hayaan mo na. Hindi mo naman kasalanan kung masyado kang gwapo at habulin," sabi ko, sinusubukan lang na pagaanin ang loob niya.

"I hope you forgive me for giving you a hard time," sabi pa niya.

"Hindi naman mahirap basta ikaw."

"I really thought I was going to lose you. I was going to book a flight today, but you surprised me," he whispered. Ang boses ay medyo namamaos gawa na rin siguro ng pag-iyak niya kanina.

My eyes widened a fraction. "Buti pala hindi tayo nagkasalihan. Bakit ka pala uuwi?"

Pinagsalikop niya naman ang mga kamay namin kaya bumaba ang tingin ko doon. Napangiti ako nang makita ko ang singsing na binigay niya sa akin. It somehow reassured me.

"I want to take the risk... by confessing... even if it means I will lose you... because you deserve to know the truth... I just can't hide it from you..."

My heart sank at that thought. He really does love me, even if there's a chance I might get mad or we'll end up breaking up. He'd rather tell me the truth than hide it just to save our relationship.

I appreciate it. Kahit pa ang hirap tanggapin. Kahit ang sakit pa rin kapag sumasagi sa isip ko.

"Si Ariel... may gusto ba siya sa'yo?" I asked him.

He nodded slowly. "Nagalit ako kanina at umamin siya sa akin. So, I told her about us."

"Paano kung hiniwalayan kita kanina? Anong balak mo?"

"I'll accept it," simpleng sagot niya.

I frowned. "Iyon lang?!"

"Of course, not. I will go back to zero. I will court you everyday even if you push me away. I will keep coming back to you."

"Sana pala hiniwalayan na lang kita," walang preno kong sagot.

He chuckled. "Araw-araw pa rin kitang liligawan kahit tayo na."

"I hope you don't blame yourself. Sure naman ako na hindi mo ginusto ang halik na iyon. It was Ariel's fault not yours, but I truly understand your feelings. I mean kung ako rin, maglulumpasay talaga ako."

Parehas kaming nakaupo sa sahig ngayon. Alam kong mukha na kaming tanga sa itsura namin. Nakakalat na ang buhok sa mukha, nanunuyo na ang luha, pero may maliit na ngiti pa rin sa labi. Kanina pa kami nag-iiyakan pero kahit papaano ay gumaan na ang pakiramdam ko. May kirot pa rin pero hindi na iyon tulad ng kanina.

Siguro nga ganito talaga ako magmahal. Ayos lang sa akin na sabihan akong tanga o bobo. Wala na akong pakialam doon. I'd even go low for him without him asking for it.

We spent the next days traveling and going out on dates. It felt so freeing to be outside without worrying about covering our faces, afraid that the media would come for us. This is what we need—freedom, even if it's just for the meantime.

Endless Harmony (The Runaway Girls Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon