Kinuyom ko ang kamay ko kahit ilang beses na akong pinaalalahanan ni Simon na walang halong malisya iyon. Sinubukan niya ring tanggihan iyon noon pero ako ang nagpumilit na tanggapin niya dahil trabaho niya iyon.

“Sumisikat na rin si Ariel, ha? Ang lakas din ng karisma ng babaeng iyon,” sabi pa ni Lola.

“Sige po. Ipamukha niyo pa sa akin,” asar kong sagot.

“But you’re the girlfriend so cheer up!”

I kissed Lola’s cheek. “Next month na po ulit ang dalaw ko dito. Don’t miss me that much and don’t forget to take your meds!”

“You sound like my nurse. Of course, hindi pa ako pwedeng mamatay nang hindi ko nakikitang nasa balita na kayo ni Simon.”

“Lola!” I hissed.

She chuckled. “Uwi na, hija!”

I glared at her. Nanatili namang nakatawa si Lola habang pinagmamasdan ako na lumabas ng veranda. Pagkatapos kong umalis sa resthouse ni Lola ay tumulak na ulit ako pabalik ng Manila.

Sa mga nakalipas na taon na kasama ko si Simon, masasabi kong mas lalo pa kaming naging malapit. Sa akin lang siya nagiging mahina, at gano’n din ako.

He became the song I always turn to when I need to escape or catch my breath. His harmony just wraps around me... in a way that’s hard to put into words... Na kapag nand’yan na siya ay ayos na ako. Basta ba kasama ko na siya ay panatag na ako.

I just know that the connection we have is deeper than any trench. Going back to shallows is impossible, and I wouldn’t want to even if I could.

“This is stressing me out. Sa isang tissue marami pang cell at sa isang cell marami pang parts iyon! Why do I need to memorize all of it?!” reklamo ko.

Naramdaman ko namang napahinto si Simon sa pagpa-piano. Ang mga sticky note at highlighter ko ay nakakalat na rin sa sahig.

“Nakabisado mo nga ang family chords last year. I’m sure you can also do this,” he tried to cheer me up.

“Ayaw ko na. Pwede ba maging housewife mo na lang ako? Pakakainin mo naman ako diba?”

“I can feed you,” he chuckled.

Binaba ko ang reviewer at notes ko.

“Oh, tapos ang usapan! Halika na. Pakasal na tayo para hindi ko na kailangang mag-aral.”

Tumayo naman ako habang hinihila ko si Simon na parang mamamatay na yata kakatawa sa akin. Nagpahila naman siya sa akin habang tumatawa pa rin.

“What? You think I’m not serious? Pakasal na tayo Simon! Ayaw ko na talagang mag-aral,” pagmamaktol ko.

Binitiwan ko ang kamay niya at para akong bata na umupo sa sahig. Nakatingala ako sa kaniya habang ang mga kamay ko ay nakaangat para maabot niya.

“Let’s go?” patol niya sa akin. “I’ll call the Mayor’s office if that’s what you want.”

Para naman akong naestatwa. Binaba ko ang kamay ko at napakunot ang noo ko habang nakatitig sa kaniya.

Endless Harmony (The Runaway Girls Series #3)Where stories live. Discover now