Chapter 1

10 3 0
                                    

Just like in some novel that I read, I was a girl from the province who went to the city to pursue her dreams. Even if I don't want to, I have to leave my family to give them a better life. We're not that rich hindi rin naman masyadong mahirap, kumbaga nasa gitna kami. Dahil nga wala ng college sa lugar namin kailangan ko talagang umalis sa lugar na kinalakihan ko. I know it will not be easy. But seeing my family, it gives me courage to continue what I'm doing. Due to lack of money, I didn't have a chance to pursue my dream course. I want to study BS Psychology. But maybe it's not really for me. Nang kumuha ako ng entrance exam, education talaga 'yong first choice ko dahil 'yon din ang pangarap ng pamilya ko para sa akin. Pero narinig siguro ni God na ayaw ko talagang maging teacher, hindi ako pasado sa entrance exam. Pero nakapasok pa rin ako pero ibang course naman ang kinuha ko which is ang Bachelor of Science in Business Administration.

Enough talking about my past and let's focus in the present. I'm nervously standing outside my new school. The flag ceremony is starting and yes, first day of school late agad ako. I'm wearing a yellow v-neck shirt partnered with my high waisted pants and white shoes. Okay pa na hindi kami naka uniform dahil mga first year students palang kami. Which is very okay with me because ang mahal ng uniform namin. Bibili nalang ako ng tela at ipapatahi doon sa amin dahil mas makakasave ka kaysa bumili ka ng isang set sa school.

Kanina pa nag iingay ang group chat namin at panay ang tanungan kung saan sila naka puwesto.

      BSBA1A

Felip Ken: What's up, BSBA1A. Sa mga nagtatanong kung saan tayo magkikita. Sa guard house namin kayo hihintayin. Sabay-sabay na tayong pumasok sa loob.

I smiled when I saw his typings.

Juliet: okieee, coming na us ni mercy jan

Eloise: pasundo me sa gate pls, nahihiya akoooo

Jade: Where ka, Eloise? Nasa gate rin ako.

Eloise sent a photo and I immediately sighted her. Pupuntahan ko sana kaso naunahan ako ni Jade. Eloise is wearing a yellow fitted t-shirt with white small flower in the center, she partnered it with white above the knee skirt and black boots. She's also wearing a glasses. Her hair falls perfectly in her back and she has a bangs. While Jade seems to be a boyish type, she's wearing an oversized yellow t-shirt, baggy pants, and white adidas shoes. I just silently followed them. Few walks and I spotted the guard house. There are I think more than 15 people there.

“Waw naman ang team Valenciana!” said by the ma— no he's not a man. Even tough he's wearing a plain yellow polo and tucked it in. I can feel that he's gay. I smiled silently, our classroom will be really filled with laughters. Dahil magkasunod kaming dumating nina Eloise at Jade ay magkatabi kaming tatlo. I'm taller than Eloise but Jade is much taller than us. I'm 158 cm and Eloise is probably 148 cm. Eloise smiled when she glanced at me. She's so gorgeous. Nawawala ang mata kapag ngumingiti siya. Parang nahihiya akong tumabi sa kanya sa sobrang puti niya. Natural rin ang pamumula ng kanyang pisngi.

“I'm Eloise,” she handed me her hands, kahit ang mga palad niya ay namumula rin.

“I'm Amara Celeste,” I accepted her hands. Si Jade naman ay parang may sariling mundo.

“Pwede na siguro tayong pumasok sa loob, medyo marami na rin naman tayo.” naagaw ng tinig na iyon ang atensyon ko. His damn manly voice. He's wearing a white polo tucked it in with his black slacks and partnered it with white shoes. Bakit naka white siya? Hindi niya ba alam na may color coding? And wait, he's also wearing a sun glasses. Wala sa oras na tumaas ang kilay ko sa kanya. Napatingin siya sa gawi ko kaya napaiwas agad ako ng tingin.

Nauna siyang maglakad sa amin, sumunod naman ang iba sa kanya. Nasa hulihan kaming tatlo ni Jade at Eloise. Nang makapasok kami, makikilala mo agad lahat ng Business Administration dahil naka yellow ito. Hindi ko na matandaan kung ano'ng course ng iba. Nakalinya kaming lahat at nagulat nalang ako nang paglingon ko nasa likod ko na ang lalaking naka white polo kanina. Sa tangkad niya ay hanggang kili-kili niya lang ako. Hindi na talaga ako lumingon pa sa likod. Ewan ko, kinakabahan ako sa kanya. Tsaka feeling ko talaga ang baho ko na ngayon. Ang init-init kasi dito sa ground. Maswerte nga si Eloise dahil nasa likod siya ni Jade at medyo natatakpan siya. Hindi naman ako makapagtago kay Eloise dahil mas matangkad ako kanya. Kinuha ko ang cellphone ko at tinanggal ang phone case nito para gawing pamaypay.

“Ang tagal namang mag start,” napalingon ako sa kanya nang magsalita siya. Sobrang kinis ng mukha niya, matangos ang ilong, at natural na mapupula ang mga labi. Ang linis at ang bango niya tingnan. Sasagot na sana ako nang magsalita ang isang babae galing sa section B.

“Oo nga, pwede naman sigurong sumilong muna.” she's so pretty. Sobrang tangkad niya at balingkinitan ang katawan. Sobrang liit ng mukha, maninipis ang mga labi, maliit at matangos ang kanyang ilong, sobrang haba rin ng kanya pilik-mata, at kumikinang ang kanyang bagsak na bagsak na buhok.

Shit! Kung sumagot ako ay talagang napahiya ako kanina. Hindi naman pala ako ang kausap niya.

The emcee started talking, we will have a game. Four people per group, Eloise cling her other hands in Jade's arms and the other one in my arms.

“Sama na ako sa inyo,” the man behind me said.

“Kumpleto na po kami,” Jade said when two girls went to us. The emcee read the mechanics and some of our seniors handed us a bond paper. Maraming mga physical characteristic ng mga seniors namin ang nakalagay du'n na kailangan naming hanapin at kuhanan ng litrato. Paunahan itong matapos.

“Wait, let's introduce ourselves first. I'm Eloise!”

“I'm Jade,” nakapamulsa pa ito at parang bored na bored na. Tumingin muna ako sa lalaking naka white at sumenyas siya na mauna ako.

“I'm Amara Celeste,” I saw a small smile in his lips.

“I'm Felip Ken,” ngumiti pa ito at lumabas ang mapuputi at pantay niyang mgipin. He's Felip!

“Let's go na,” Jade said, siya ang may hawak ng bond paper namin. Felip volunteered that he will be the one who will take some photos.

Magkasama si Eloise at Jade na nasa unahan namin. Dahil nga maraming mga estudyante ay magkadikit na magkadikit ang braso naming dalawa ni Felip.

Umakyat kami sa second floor at marami kaagad kaming nakita. Eloise is so happy she even clapped her hands when we saw na tatlo nalang ang kailangan naming hanapin.

Napaigtad ako nang hawakan ni Felip ang dalawang balikat ko at hinila ako papunta sa gilid. May mga tumatakbo palang estudyante at kung hindi niya ako hinila ay mababangga talaga ako.

“Thank you,” I said and smiled to him. He removed his shades and wiped his eyes with his towel. Ang ganda ng mga mata niya. His brown eyes, long and thick eyelashes, and thick eyebrows. He's perfectly made by God.

In my 19 years of existence, it may sound cliche but I finally felt the butterfly in my stomach.




What do you think? Comment down if you want a chapter 2.

Maybe Next TimeWhere stories live. Discover now