Chapter 17: One Of Her Dreams

Start from the beginning
                                    

Bahagyang nagulat si Samantha sa narinig. Pero masaya din siya para sa ginang. Nakita niya ang ilang palabas na ginawa nito at masasabi ni Samantha na may talento naman talaga ang ginang sa pag-arte. Hindi nito nakuha ang titulong best actress ng basta-basta lang. Totoong may talent ito at siguradong ilang practice lang ay babalik na ito sa dati.

"Sure, mom. Kumain ka na po ba? May pera ka ba?"

"Meron pa, hija. May natira pa doon sa ibinigay mo,"

"Wait lang po," ani Samantha at mabilis na tinungo ang kwarto niya. Kumuha siya ng ilang lilibuhin, inilagay iyon sa bagong long wallet na nabili niya at saka iyon ipinasok sa itim na shoulder bag. "Here mom,"

"What is this?"

"A bag, a wallet and lots of pocket money," nakangising turan ni Samantha.


Muntik ng mabitawan ng ginang ang bag dahil sa narinig. Dahan-dahan niyang binuksan iyon saka kinuha mula sa loob ang magandang long wallet. When she saw all the money, pakiramdam ng ginang ay maduduling siya sa dami ng lilibuhing nandoon.


"S-sam..."

"Just bring it mom. Use it however you want. We still have lots of money," ani Samantha sa ginang saka ito kinindatan.


Sa totoo lang, hindi na alam ng dalaga kung paano pa ibabalik ang natitirang pera sa kanya. Pakiramdam niya ay malapit ng dumating ang fiancé niya. At hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ang tungkol sa isang milyon. Kaya naman hangga't may paggagastusan siya ay ginagastos niya ang pera as long as para sa mga ito iyon.

Kaya naman walang kaso sa dalaga ang lagpas fifty thousand pesos na ibinigay niya sa ginang. Bukod sa ayaw niyang may maisumbat ang mga ito sa kanya pagdating ng araw, ayaw niya ring gumastos ng perang hindi niya naman pinaghirapan.


Napatitig na lang si Ginang Aria sa bag, wallet at pera. Kung ang ibang mother-in-law ay matutuwang magkaroon ng napaka-generous na daughter-in-law, siya naman ay kinakabahan. Pakiramdam niya anumang oras ay mawawala si Samantha sa kanila. Ginagawa nito ang lahat para mapabuti ang kalagayan nilang mag-iina at pagkatapos ay maglalaho ito na parang bula. Iyon ang pakiramdam ng ginang na hindi na nawala sa kanya mula noong magsumbong sa kanya ang anak na si Arya.


"Mag-isa ka lang dito sa bahay, hija. May plano ka bang puntahan?"

Napalunok ng palihim ang ginang. Paano kung ngayon na pala ito aalis kaya naman binigyan na siya nito ng maraming pera? Pinagpawisan ng malamig ang ginang dahil sa naisip.

"Hindi po ma. Baka next week na ako magpunta sa Siudad. Magtatanim po ako ngayon sa likuran ng bahay,"

Isa sa pangarap ni Samantha noon ay ang tumira sa bukid at magtanim ng sari-saring gulay. Malawak ang bakanteng lote sa likuran ng kanilang bahay na pag-aari din ng kanyang mga in-laws. Plano ni Samantha na taniman iyon kesa naman nakabakante lang ang malawak na lupa. Kahapon nga ay ginapas na ng triplets ang mga damo at nagbungkal na rin ang mga ito ng pagtataniman.

Bumili na rin kahapon si Samantha ng mga binhi kaya naman plano niyang itanim iyon ngayong araw.

Nakahinga naman ng maluwag si Ginang Aria dahil sa narinig.

"That's good. Kapag mainit na, umuwi ka na kaagad at magpahinga. Huwag kang masyadong magpa-kapagod," seryosong bilin ng ginang.

Nakita na nito kung paano magtrabaho si Samantha. Hindi ito humihinto hangga't hindi natatapos sa ginagawa. May pagka-perfectionist ito at gustong may natatapos na gawain sa bawat araw kaya naman hindi mapigilan ng ginang na paalalahanan ang kanyang daughter-in-law.

"Okay mom. Good luck po sa audition mo," nakangiting saad ni Samantha.

Ihinatid niya ang ginang hanggang sa sakayan. Noong makasakay na ito ng jeep ay kaagad na pumasok si Samantha sa loob ng gate. Ini-lock niya iyon saka nagtungo sa loob ng bahay. Ini-lock niya rin ang front door. Nagpunta siya sa kusina at kinuha ang ihinanda niyang baon. Kagaya lang din iyon ng baon ng mga bagets. Pero bukod doon, may dala-dala siyang tubig na nakalagay sa water jug. 5 liters ang capacity noon. Walang kahirap-hirap na binuhat ni Samantha ang lahat ng gagamitin niya sa pagtatanim at ang baon niya mamayang meryenda at tanghalian.

Alright!

Habang wala pang kaliwanagan ang lahat sa kanila ni Arem Syquia, mas mabuti pang magtanim muna siya na isa sa pangarap niyang gawin noong mga panahong nasa malayong lugar siya habang nagugutom at nanlilimos. Natutulog sa madumi, madilim at malamig na kalye.

Ipinilig ni Samantha ang ulo niya. Pilit itinataboy ang mga bagay na nagpapabigat sa kanyang dibdib.


Erase. Erase.

Let's forget about that. Ngayon, mas dapat ka nang mag-focus para sa future mo girl. Hinding-hindi ka na babalik sa ganoong sitwasyon kaya you have to live positively and to the fullest.

Basta iwasan mo lang ang hudyong 'yun. Self, let's not meet that scumbag in this lifetime! I don't need a man to determine my worth. Kahit na tumanda akong dalaga, uugod-ugod at gumigising na tanging ngiyaw ng pusa o kahol ng aso lang ang kasama, makokontento na ako as long as mabubuhay ako ng may direksyon at may silbi sa mundo.



Kakaunti na lang ang mabuting tao sa mundo, bakit hindi siya maging bahagi noon? Hindi man mararamdaman ng karamihan ang magiging impact ng presensya niya, at least, she lived a fulfilling life.

The DivorceWhere stories live. Discover now