Simula

56 0 0
                                    


NALULULANG pinagmasdan ni Mabelle ang mamahaling mga alahas na naka-display sa malaking estante ng isang jewelry shop. Hindi niya alam kung alin ang pipiliin dahil bawat kwintas, bracelet at singsing na nakalagay roon ay gawa sa mataas na uri ng ginto at diyamante.

She wanted the best to impress her husband's family. Mamaya lang ay magkakaroon ng family dinner sa mansyon na tinutuluyan nilang mag-asawa.

Not only her mother was invited, but her husband's parents as well. Kailangan niya maging presentable sa harap ng mga ito. After all, para rin iyon sa ikagaganda ng image ng kanyang pamilya.

A set of platinum sapphire jewelry caught most of her attention. Mabelle stared at those precious stones with her mouth wide open, admiring the delicate dreamy blue diamonds around each pendant.

She was confident to make a purchase. However, a sudden phone call interrupted her peaceful moment. Iritang kinuha niya ang cellphone mula sa shoulder bag at nang mabasa niya ang pangalan ng asawa sa screen ay napabuntong-hininga siya. Wala siyang choice kundi sagutin iyon.

"Yes, Hon? Napatawag ka?" bungad niya rito.

"Belle, you're at the mall, right? Can you find an Angus Beef for me? Gusto ko sanang ihain 'yon para sa family gathering mamayang gabi," hiling ng kanyang mister na si Navi mula sa kabilang linya.

"Sure. No Problem. Iyon lang ba?"

"Yes," sagot ni Navi. "You have my credit card so you can charge it to my account. Take care, baby. I'll see you later. I love you."

Mabelle didn't bother to answer him back. Basta niya lang binaba ang tawag at ibinalik ang phone sa loob ng kanyang bag.

"Miss! I'll take this," tawag niya sa saleslady na nasa kabilang estante saka itinuro ang alahas na nais niyang bilhin.

After her transaction at the jewelry shop, agad siyang nagtungo sa department store ng mall para mamili naman ng mamahaling bags, sapatos at damit na isusuot niya mamayang gabi.

Sinamantala na ni Mabelle ng pagkakataong nasa possession niya ang credit card ni Navi. Bukod sa paglamyerda niya sa clothing stores, kumain rin siya sa high-end restaurant at nagpaayos ng sarili sa kilalang beauty salon.

Hindi gaya noong nasa poder pa siya ng kanyang ina, kontrolado nito ang pera't luho niya pero ngayon, nagagawa niyang makapamili nang walang kumokontra sa kanya.

Ito lang yata ang kagandahan ng pagpapakasal niya kay Navi six months ago. Pakiramdam niya, nagkaroon siya ng pansamantalang kalayaan mula sa lifetime commitment na kinasasadlakan niya.

__

DAHIL sa napipintong pagbagsak ng kumpanya ng nanay niyang si Belinda, ipinakasal si Mabelle sa anak ni Victoria Reinhart na si Navi kapalit ng pagtulong nito upang isalba ang nalulugi nilang negosyo.

Aminadong hindi pa handa si Mabelle para do'n. At the age of 20, she was a party girl, a preppy college student who used to hang out with her friends anywhere they go. Maaga siyang pinagkaitan ng kaligayahan dahil sa malaking pagbabago sa buhay niya bilang maybahay.

Maski pag-aaral niya'y naapektuhan din dahil sa halip na sa school ay sa bahay na lang niya ipinagpatuloy iyon. It was her mother's idea so she can have a lot of time with Navi.

Uh, if her mother knew that she only loved that guy for his money. Ni hindi nga siya magawang paligayahin ni Navi sa kama nang madalas! Kesyo masyado raw itong busy sa pagp-pursue ng career bilang singer, pagod at kung ano-ano pang excuses na paulit-ulit na lang.

Damn. How can life be so cruel to her?

Ngayon ay nakatayo siya sa harap ng life-sized mirror suot ang bagong off-shoulder dress na kulay asul at itim na sandals. Bagay na bagay iyon sa binili niyang mga alahas na mistulang mga bituwin sa kalangitan na kumikislap.

Maid of my Heartless Ex-HusbandDonde viven las historias. Descúbrelo ahora