Chapter 2

114 12 9
                                    

"Ali sure ka na ba talaga? Di na magbabago isip mo aalis ka na talaga?? Mamimiss kita."

Tanong sa akin ni Cristy na katrabaho ko.

"Emsss plastic mo naman Cris, eh sayo nga napunta position ko."

Sagot ko saka nagtawan ang iba.

"Gago ginusto ko ba??? Ikaw tong nagrecommend sakin ehh"

Sabi niya saka ako kinurot.

Natawa lang ako saka siya niyakap.

"Pwede pa naman tayo magkita kita nuh. Gusto ko kasing mag-explore ehh."

"Pero yung offer ni Mr. Chen di mo tinanggap? Baliktad talaga tak-uts mo Ali."

"Iba si Mr. Chen ok? Sobrang laki ng company niya nakakatakot magtrabaho sa kanya. Mukhang perfectionist eh."

"Alam mo naman ako di ako perfect."

Sabi ko saka tumayo na hang bitbit ang box na may lamang mga gamit ko.

"Pwede na ba ako umalis? Wala nang pipigil ah."

Sabi ko habang tumatawa.

"Hatid ka na namin sa baba."

Sabi ni Warren pero tumanggi ako. Oras ng trabaho eh.

"Wag na mga engot, bye!"

Sigaw ko saka kumaway sa kanila.

Hindi naman ako emotional na aalis since wala pa ngang six months mula nung nagtrabaho ako rito.

Ewan ko, ayoko lang nagtatagal sa trabaho ko. Gusto ko i-try lahat hanggang sa mahanap ko yung tamang career para sakin.

Nagmadali akong sumakay ng kotse ko saka nagdrive papunta sa ina-applyan kong trabaho.

Hehe ang dali ko nuh?

Oo, nakahanap na ako ng bagong trabaho agad agad wala nang matumpik-tumpik pa.

Ganun ako kadali makahanap ng kapalit...

Pero sa trabaho ng ah?

"Hi, good morning po kuya ako ulet!"

Sabi ko kay kuyang guard na nakausap ko last week.

"Good morning din Maam, for the final interview na po?"

Tanong niya habang chinicheck ang bag ko.

"Uh huh, kapag natanggap ako today kuya may lunch ka sakin."

Sabi ko.

"Ay sana nga matanggap ka maam, sakto nagugutom na ako."

"Sige kuya, but fow now... Mag candy ka muna."

Sabi ko sabay lapag ng limang pirasong Maxx sa kamay niya.

Natawa na lang ako nang napakamot ng ulo si kuya.

Malaki yung building na ito. Pero ang alam ko branch lang to ehh at sabi'y yung anak ng mismong may ari yung nagmamanage neto.

Para maging malinaw, nag-apply ako bilang isang data analyst dito sa Hendrics Corporation.

Microfinance/Lending company na kilala sa Pilipinas ngayon dahil sa mga natulungan nitong mga tao at small businesses na umangat.

Bukod dun may banking/ savings services, credit loans at insurance din sila na binibigay.

Isa sa rason kung bakit ako nag-appky dito ay dahil malaki at kilala ang kompanya nila at sure ako makakaganda to sa work experience ko.

Imagine nasa listahan ng work experience mo yung Hendrics?

Colors  (Gxg)Where stories live. Discover now