[15] i'm just insecure

Start from the beginning
                                    

Oo alam kong sinabi nya yun but that doesn't mean pwede ko na syang ayaing lumabas at maglunch, right? Sino ba naman ako.

"S-sorry," I told him.

"I-I mean, I don't have any problem that you asked me to have lunch together but at least you could've chosen Shakey's." Sabi niya.

Hindi ako nagsalita. Parang kanina lang ang comfortable kong kasama sya dahil nginitian nya ako. I thought he was happy that I asked him. Pero sya pala talaga 'yung uncomfortable and I felt guilty right after he said he fixed my letter of explanation and he's just doing his job.

Malay ko ba.

"I don't mean to offend you. I'm sorry. Nevermind what I've said." Sabi pa nya.

Eme mo, Liam. Nasabi mo na.

Hindi na ulit ako nagsalita.

Maya-maya ay dumating na 'yung pares na inorder namin. Kinuha ko na 'yung akin at nilagyan ko ito ng paminta, chili oil, scallions, kalamansi, konting patis at maraming chicharon.

I can feel na naghehesitate si Liam na kainin 'yung kanya. But eventually, I saw him preparing his pares at napansin kong ginaya nya ang ginawa ko. Hindi lang sya naglagay ng chili oil at paminta.

Nagsimula na kaming kumain nang walang nagsasalita sa amin ni isa. Hindi ko nililingon si Liam kaya wala akong idea kung nagugustuhan nya ba or sinusuka lang nya yung kinakain nya.

Maya-maya, I noticed na binalatan na nya yung boiled egg na kasama nung pares.

"That time, nakita ko 'yung desperadong babae sa'kin. I had to prove that I'm not into her that's why I kissed you. She will no longer bother me after what she saw, that's for sure." Sabi ni Liam.

Unti-unti akong napalingon sa kanya, and napansin kong malapit na nyang maubos 'yung unang rice nya. Napansin ko rin na kakaunti pa lang ang bawas sa sabaw nya as if he's counting every drop of it.

"Pwede ka pang humingi ng sabaw nyan, just in case hindi ka aware." I told him.

He looked at me, surprised.

"Really?" Tanong nya.

Napangiti na lang ako at bahagyang napailing.

Hay naku.

Desperadong babae.

Hindi kaya 'yun 'yung babaeng tinutukoy ni Lucas? Kasi if that so, I --- somehow may be doomed.

Although I know that girl doesn't know me. Pero what if malaman nung girl na workmate nila ako at sabihin ako nun kay Lucas? I'm not ready of what will Lucas think of me, though mukhang malayong mangyari 'yun.

"Thanks sa pagsabi. At least malinaw na," Sabi ko sa kanya.

Napansin kong kumuha pa sya ng dalawang rice at isang round pa ng sabaw.

"Alam mo bang 'yun ang dahilan kung bakit lutang ako nung isang araw at nasagasaan ako sa kalagitnaan ng Ayala Avenue." Sabi ko.

Bahagyang nasamid si Liam kaya naman kaagad ko syang inabutan ng tubig, "I'm good, thanks." Sabi lang nya.

"Joke lang, 'to naman. Nawala lang ako sa sarili ko, hindi ako bothered sa ginawa mo. Wag kang mag-alala." Sabi ko na lang.

Kahit na ang totoo ay hindi ko mapigil ang ngiti ko nung umagang 'yon. I know wala akong something na nafe-feel kay Liam pero kasi, ewan. Kinilig ako kasi first time kong maranasan 'yun. At the same time para akong tanga kasi talagang hinayaan kong lamunin ako ng sistema.

Strange.

"I'm sorry, really. Sorry sa ginawa ko. Kahit ako naguilty. I should have explained it to you right away." Sabi nya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 05 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Come Inside of my Heart ▶️Where stories live. Discover now