[3] Cr.

128 16 18
                                    


"Slack?" I asked.

"Yep, in case you're unfamiliar with it, Slack is a platform used by major companies para makapagcommunicate ang employees with each other. You can set up your Slack account by asking your team leaders to invite you, for now ig-guide ko muna kayo para gumawa ng account, and we'll set up your email as well. Get your laptops," sabi ni sir Ace sa amin.

Nandito kami ngayon sa isang meeting room, kasama namin dito 'yung mga na-hire from other software development fields. May na-hire na software architect, business analyst, and also database administrator and meron din sa front end.

Saglit akong natigilan.

Asking your team leader? Wews.

Napatingin ako sa labas ng room since this room is made up of transparent glass arch.

Saktong pagtingin ko sa labas ay nakita ko si Sir. Fuentes na naglalakad, may kasamang assistant.

Agad akong napaiwas ng tingin. Ano ba 'yan, gusto ko lang naman mag-emo. Huhu. Sa dinami-rami ng taong pwedeng bumungad si Sir. Fuentes pa talaga?

Ang galing ng life, parang buhay.

Idinako ko na ang tingin sa mga HR members na nasa unahan. And right after I set up my laptop, tinuruan na kaming magdownload at install ng Slack.

Napatingin ako kay Creed, seryoso siyang nakatutok sa kanyang laptop habang gumagawa ng account. I stared at him for a moment.

He's so quiet, at ang gentle niyang kumilos. Feeling ko rin, lahat ng part sa kanya, ang gwapo. Kahit mismong pagt-type nya sa keyboard, ang gentle. Ang puti ng kamay nya, ang hahaba ng mga daliri niya. Tas medyo maugat din.

'Yung posture niya. Para siyang si Cha Eun Woo na nakaupo sa sulok ng isang classroom.

Yung posture lang. Kasi para sa akin, mas pogi pa rin sya kay Cha Eun Woo.

Napatingin naman ako sa laptop ko. Naka-sleep mode ito. And I saw my bare face in my monitor. I can't help but to cringe.

Ang panget mo, Omi. Mukha kang Selecta Pinipig Chocolate ice cream. Tingnan mo 'yang mukha mo, oily na naman. Tas may pimple ka pa sa ilong. Sa laki ba naman ng space. Tapos may mga bakas ka pa ng kahapon sa pisngi.
'Yung buhok mo, ang gulo. Buhok pa ba 'yan o pang brush sa inidoro?

Stop. I should stop this. Bumababa na naman ang self esteem ko. Nandito na naman ako sa point na hinuhusgahan ko ang sarili ko.

Why do I always love to quote 'physical appearance doesn't matter' to other people when in fact, to myself, it does?

Why am I being this stubborn?

I sigh. Kinuha ko ang aking panyo mula sa bulsa ko at pinunasan ko ang mukha kong oily kahit may aircon. Inayos ko rin ang buhok ko saglit at nagpolbo ako ng mabilisan lang. Ngayon ko lang kasi naalala na simula nung haggard kanina sa biyahe, hindi pa ako nakakapag-ayos ng sarili ko.

"Dominic," biglang tawag ng isang lalaki.

Agad akong napalingon. It was Creed. Nakatingin siya sa akin, and then he smiled.

Bakit ba ang hilig niyang ngumiti? Ang gwapo pa naman niyang ngumiti.

Pagdating pa naman sa mga gwapo, ang bilis kong magka-crush. Hay naku.

Could I be possibly crushing on him?

Jusko Omi, hindi pa ba halata?!

"Alam kong alam mo na hindi Dominic ang pangalan ko," I told him.

"Yep, I know. Your name is--"

I gave him a meaningful look.

"Omi." Sabi niya.

Come Inside of my Heart ▶️Where stories live. Discover now