"Susunod siya, kasama niya lang ngayon yung boyfriend niya." ngiti ko.

Matapos makapag bayad ay pumunta na ako sa palaging pwesto namin ni Antoneth, malapit sa bintana. Kinuha ko ang notes na meron ako, naisulat ko kanina sa library. Balak kong tapusin na ngayon ang huling activities na gagawin ko para madagdagan ang grades ko.

"Hi, can i seat beside you?" pamilyar ang boses, tumingala ako para makita ang taong iyon. Si Sean! Anong ginagawa niya dito?

"Uh... Sure." nakangiti kong sambit.

Akala ko sa harapan ko siya uupo pero nagulat ako ng alisin niya ang gamit ko sa upuan na katabi ng aking inuupuan. Pinatong niya ang bag ko sa kabilang upuan na nasa harapan namin. Magkatabi kaming dalawa! Pero sa halip na isipin pa iyon ay nagfocus na lang ako sa aking gagawin, sakto naman na dumating na yung order ko.

Sa gilid ng aking mata ay kita kong nilabas niya ang kanyang laptop. When he open it, nakita kong nag eedit na siya ng short film niya. Ang bilis naman niya makapag video, samantalang ako heto may tinatapos pang activities.

"May nasimulan ka na ba sa short film?" tanong ni Sean sa akin.

"Wala pa, pero ikaw mukhang patapos na iyong sa'yo ah." biro ko sa kanya.

"Actually wala pa rin." sambit niya. "Itong ginagawa ko ay entry ng section namin sa events, this month sa school natin." dagdag pa niya kaya tumango na lang ako.

Muling naging tahimik sa aming pagitan. Hindi na ako makapag focus sa sinasagutan ko, distracted na sa presensya niya.

"Plea Aguinaldo!" the fuck, nilingon ko kung sino ang sumisigaw at nakitang si Antoneth iyon.

Dire-diretso siyang naglakad habang hawak ang kamay ng kanyang nobyo. Nakangiti ito na tila ba sobra sobra ang kanilang nagawang milagro. Naupo sila ng nobyo niya sa harapan namin ni Sean.

"Bro!" nakipag fist bumb pa ang nobyo ni Antoneth kay Sean.

"Hoy ano, kailan ka magtake ng videos para sa film mo?" bungad ni Antoneth.

"Hindi ko pa alam." iyon na lang ang tanging naging sagot ko.

Umalis ang nobyo ni Antoneth para pumunta sa may cashier at um-order ng kanilang drinks.

"Paano ba ito, Antoneth tulungan mo nga ako. Ikaw ang may notes nito hindi ba?" tanong ko sa kanya.

"Huh? Wala akong notes niyan, nakatulog ako noong nag discuss si ma'am." taka akong tumingin sa kanya.

"Paano mo nasagutan yung activity sheet?" nakataas na kilay kong sambit.

"Syempre ano pa ba." anas niya sabay lingon sa nobyo niya.

"Hm, i know this part." singit ni Sean.

Agad nagliwanag ang mukha ko sa sinabi ni Sean, tila nagkaroon ng munting pag asa sa akin.

"Talaga? P-pwedeng magpaturo?" tumango siya at tumabi ng kaunti sa akin.

Nagsimulang magturo si Sean sa akin at unti unti ko naman itong naiintindihan. Natapos ko ang activity sa tulong ni Sean, akala ko aalis na siya pero hindi pa pala.

"Thank you."

"Your Welcome, kapag may kailangan ka pa huwag ka mahihiyang magsabi."

Nang tingnan ko si Antoneth ay may tingin siya sa akin na parang nanunuya. Pinanlakihan ko siya ng mata. Hindi nagtagal ay dumating ang kanyang nobyo, at sila naman ni Sean ang nag usap.

"Why don't you get a girl, bro?" tanong ng nobyo ni Antoneth.

Tumawa lang si Sean.

'Itong hayop na ito bibigyan pa ng ganoong idea si Sean, paano kung totohanin nga ng isang 'yan!'

Bigla kong naalala ang sinabi ni Oliver. "Hoy Antoneth iyon daw notebook ni Oliver, hinahanap na."

Kaagad na napatingin sa kanya ang kanyang nobyo na si Harold.  Lapitin si Antoneth ng lalaki pero hindi mo siya makikitang nag e-entertain ng lalaki.

"Anong meron kay Oliver?" tanong ng kanyang nobyo, kaya naman kaagad na hinampas ni Antoneth ang kamay kong nakapatong sa lamesa.

"Aray! Gago 'to." natatawa kong sambit tila hindi pa niya naiikwento na nanghiram siya ng notebook kay Oliver para sa notes. Pareho kaming walang notes ni Antoneth noon, iyon ay noong nakatulog siya at ako naman ay wala sa klase.

"Hey," saway sa kanya ni Sean.

"Akala mo naman hindi siya nakinabang ng notes ni Oliver." ganti ni Antoneth sabay harap kay Harold.

"Babe, wala 'yon. Nakatulog lang ako noon..." nag explain siya habang ako naman ay nagbabasa ng notes.

Madilim na noong nakauwi ako sa amin. Gusto na ng katawan ko mahiga sa malambot kong kama kaya naman dali dali ang lakad ko.

"Plea, kumain ka na dito." tawag ni manang sa akin.

"Magbibihis lang po ako saglit."

"Iyong bilisan at lalamig ang pagkain."

Nagbihis lang ako ng terno na pantulog bago bumaba sa sala. Si manang palagi ang nakakasama kong kumain, lalo na dito sa bahay.

"Tinatanong ng mommy mo kung kamusta na ba raw yung passport mo." tanong ni manang.

"Manang tinatagalan ko sadya yung pag aayos ng passport, kasi ayoko sa ibang bansa ituloy ang pag aaral ko."

"Pero sayang din iyon, mas advance sa ibang bansa kaysa dito."

Napabuntong hininga ako sa sinabi ni manang.

"Manang, gusto nila na nandon ako kasi hindi nila maiiwan ang trabaho nila do'n. Tsaka hindi naman nila naiintindihan kung bakit ayaw ko pumunta doon." rinig na rinig ko ang buntong hininga ni manang, akala ko magsasalita pa siya pero kumain na lang siya.

"Ayoko din po iwan kayo dito dahil kayo na po ang kinalakihan kong kasama."

The Film I LovedOnde as histórias ganham vida. Descobre agora