Chapter 22

239 5 2
                                    

Chapter 22

Italy

"Ano? Pupunta tayo sa Italy?" Halos sampalin ko ang sarili ko para lang maniwala sa sinabi ni Nikolaus. Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba siya o isang panaginip lang ba ito.

"Yes. Today's afternoon is our flight."

"Seryoso ka ba?" Hindi talaga ako makapaniwala. "At isasama mo ako?"

"Yes. If you stay here, something might happen to you."

"Paano ang visa ko? Tsaka miski passport nga wala ako." Sunod-sunod kong sabi.

"Don't worry about that. We'll enter their country illegally."

"Huh? Paano kung mahuli tayo? Delikado naman 'yang gusto mo, Nikolaus." Sabi ko. "Tsaka ayokong makulong do'n, 'no. Baka hindi na ako makauwi."

"We'll enter their illegaly but we'll go home here safe. Just trust me, Malia." Medyo kumalma na ako ng dahil sa sinabi niya kahit medyo nagdadalawang isip pa ako.

Alam ko naman na hindi ako pababayaan ni Nikolaus at hahayaan na masaktan pero delikado pa rin itong gagawin namin lalo na at illegal kami na papasok sa isang bansa na hindi naman kami taga roon.

"Ano bang gagawin natin sa Italy? Hindi ba't nandoon ang mga magulang mo?" Sunod-sunod na naman ang naging tanong ko.

"I'll end the fight between us." Napakunoot ang noo ko. "I'll finish them."

Ibig sabihin... malaking gulo pala talaga itong pagpunta namin sa Italy. Sobrang delikado ng gagawin namin maliban sa illegal na pagpasok namin sa bansa na 'yon.

War. War na ang mangyayari.

Maliit lang na maleta ang dala ko dahil hindi ko naman na daw kailangan magdala pa ng mga gamit papunta roon. Lahat naman daw ng kakailanganin ko ay naroon na.

Bago umapak ng eroplano na pag mamay-ari ni Nikolaus, nag sign of the cross muna ako. Kinakabahan ako dahil first time kong aapak at sasakay ng eroplano tapos ay illegal pa. Pero hindi naman ako pwedeng magpaiwan sa mansyon, baka may kung sino na naman ang magbanta na pumasok doon at nasaktuhang wala si Nikolaus.

Maliban sa akin at kay Nikolaus, kasama rin namin ang foremen niya at ang ilan sa mga tauhan niya. Pero bilang lang dahil may mga tauhan din pala sa Italya si Nikolaus. The rest, naiwan na sa mansyon para magbantay at gawin iyong iba pang mga pinag-uutos ng boss nila.

Namangha ako nang makapasok sa loob ng eroplano ni Nikolaus. Para itong bahay lang na mararamdaman mo na komportable ka. Mas maganda pa ito kesa sa business class na napapanood ko sa mga movie.

What a luxurious environment.

"Ang ganda," umupo ako sa couch. Hinawakan ko pa ito, namamangha pa rin.

"You look excited. You don't seem nervous." Umupo si Nikolaus sa tapat ko. Sa gitna namin ay may mesa. Para lang kaming naka dine in sa isang mamahaling restaurant.

"Ngayon lang ako nakasakay ng eroplano. Tapos ganito pa kaganda." Sabi ko at ngumiti.

Sa buong byahe namin, akala ko ay mapupuno ng asaran at tawanan katulad nung bagong taon pero nagkamali ako. Lahat sila ay mga seryoso at abala sa pagpupulong. May nakalatag na malaking papel sa isang lamesa at doon ay sama-sama silang nag-uusap-usap. Para iyong isang mapa ng isang malaking mansyon o isla na ata iyon. Blueprint ata ang tawag doon.

Mukhang nagpaplano sila na pasukin ang isla na iyon na sa pagkakarinig ko ay pag mamay-ari ng mga magulang ni Nikolaus. Ngunit kakailanganin pa namin sumakay ng bangka para lang makarating doon.

Hide and Seek (A Dark Mafia Needs A Wife) - CompletedWhere stories live. Discover now