"Darlene, natatae ka ba?!" tanong sa akin ng ka-grupo ko. "Kanina ka pa palakad-lakad. Nahihilo na kami tumingin sa'yo!"

I shook my head. "Hindi ah. Sa kape lang yata ito. Nasobrahan ako kanina."

"By the way, need nating bisitahin ito sa Los Baños. Kasama siya dito sa objectives oh," turo ng kasamahan ko sa papel na binigay ng professor namin.

"Set lang kayo. Kahit ako na magmaneho," presinta ko. Hindi na rin naman bago sa akin na pumunta sa Laguna kaya mapapadali pa kami kung ako na ang magda-drive.

"Thank you, Darlene! Kami nang bahala sa sasakyan. Basta ayaw pa namin ma-meet si St. Ignatius ah!"

"Sure ba kayo na siya talaga ang mami-meet niyo?" humagalpak naman ako ng tawa.

Almost 17 hours na ang nakalipas. May meeting pa kami sa org pero parang gusto ko na lang iyon takasan. Hindi pa naman ako pwedeng sumayaw dahil first year pa lang ako. Priority pa naman nila yung mga higher year.

Wala namang kaso sa akin. Give way na lang muna dahil marami pa naman akong oras dito sa university. Sa ngayon ay kailangan ko na munang umuwi dahil kinakabahan ako para kay Simon!

"Hi, Darlene!"

A group of students suddenly approached me. Nakasabit sa leeg nila ang malalaki nilang ID. Sa unang tingin pa lang ay alam ko nang parte sila ng school paper.

Paano naman nila ako nakilala? Sobrang lawak ng school pero ang mga kakilala ko ay puro mga Biology student lang kasama na rin ang iilan kong kakilala sa org na sinalihan ko.

I smiled shyly. "Hello po?"

"Hello, we're from the broadcasting team, and we're here to conduct a quick and fun intervie-"

"Sorry for being rude. I'd love to entertain you, but I have an urgent matter. Can we do this next time?"

Nagkatinginan naman sila saglit. Pakiramdam ko ay nag-usap sila gamit ang mga mata nila bago sila sabay-sabay na tumango.

"Sure po. Salamat po!" they said in unison.

Kumunot naman ang noo ko habang nakatingin sa kanila. Umiling na lang ako at naglakad na papalayo. Ang weird naman.

Sa pagkakatanda ko sila rin yung grupo ng students na biglang nambubunggo ng mga estudyante para i-interview. Magugulat ka na lang na makikita mo na ang mukha mo sa Tiktok account nila.

"Uwi ka na?" Napahinto naman ako nang bigla akong salubungin ni Enoch. May hawak pa siyang bola na pinaikot niya gamit ang isang daliri. "Or kape muna tayo kung gusto mo?"

I nodded. "Oo, uuwi na ako."

"Free ka? Kape muna tayo."

"Next time na lang siguro, Enoch. Kailangan ko na kasing umuwi," mahinahon kong sagot.

Narinig ko naman ang pagbuga niya ng hangin. Ilang sandali pa ay pinatalbog niya ang bola sa sahig habang naglalakad. Nakasunod pa rin sa akin at mukhang wala siyang balak na lubayan ako.

"Pero okay ka na ba?" Tinitigan niya naman ako nang mabuti. "Last time kasi parang aligaga ka."

"Ayos lang ako. Huwag mo akong intindihin. Ang isipin mo ay yung team mo!"

Endless Harmony (The Runaway Girls Series #3)Where stories live. Discover now