CHAPTER IX: SCARED

Start from the beginning
                                    

Tahimik syang sumunod kay Vladimir ng maglakad sila pauwi sa tree house, hawak ng binata ang kamay nya habang nauuna ito. Kumain sila ng tahimik at umakyat sa tree house ng ganoon din, hindi mawala-wala ang kunot ng noo ng binata pero hindi na nya inusisa kung bakit. Nakahiga na sya sa kama samantalang nasa lapag naman si Vladimir ng tumunog ang cellphone nya, iyon na namang kausap nya kanina habang nasa kotse sya. Nauwi ang tawag sa telebabad na kwentuhan dahil nakiki-update ang lalake sa nangyayari sa kanila nila Miriam, abala sya sa pagkukwento ng bigla na lamang syang hawakan ni Vladimir at ilaglag sa tabi nito. Napatili sya dahil doon pero hindi nito pinansin iyon at kinuha ang cellphone nya saka pinatay ang tawag.

"Teka lang naman!" Angal nya sa ginawa nito pero walang pakealam ang binata, inihagis nito ang cellphone sa kama at niyakap sya.

Nagulat sya ng halikan sya ni Vladimir sa labi. "Faye..." sambit nito ng bitawan ang labi nya. "Can you stop making me jealous? I might lose my control and kill that bastard if you continue doing that."

"Nagseselos ka?" Ulit nya sa narinig at gumuhit ang irita sa mukha ni Vladimir na ikinatawa nya. "Bakit? Para saan?"

Hindi nakasagot ang binata kaya kinalas nya ang pagkakahawak nito. "See? Wala naman pala," sambit nya saka bumangon at inabot ang cellphone para tingnan iyon.

"Faye-"

"-matulog ka na, antok lang 'yan." Putol nya sa sasabihin ng binata saka bumalik sa kama.

"Faye naman!" Rinig nyang inis na sabi ni Vladimir pero hindi nya inintindi.

Hindi na tumawag ulit ang kausap nya kaya naman binalot na nya ang sarili ng kumot at inayos ang higaan para matulog na, papikit na sya ng maramdamang lumipat sa tabi nya si Vladimir. Nahiga ito at niyakap sya, hindi sya umimik at natulog na ng tuluyan.

Kinabukasan ay maaga syang bumangon pero maaga man iyon ay hindi pa rin nya inabot si Vladimir, nagtaka sya dahil ni hindi man lang sya ginising bago umalis ito. Ipinagkibit-balikat na lang nya iyon saka dumiretso sa kusina, inabala nya ang sarili sa pagluluto ng agahan nya pagkatapos ay pumasok na sya sa eskwelahan at gabi na ng umuwi, hindi nya na binigyang pansin kung bakit ni hindi sya sinundo ni Vladimir pakiramdam nya ay ayos na iyon kaysa naman ma-stress sya kapag nakikita nya ito.

Napaismid sya habang naglalakad, nagseselos pero hindi masabi na mahal sya ngayong hindi na lasing. Ano 'yon? Joke? Napahinto sya ng pagdating nya sa bungad ng tree house ay mayroong magandang set up sa lamesa.

"Hi," rinig nyang bati sa may gilid nya kaya tiningnan nya iyon at isang bouquet ng bulaklak ang bumungad sa kanya bago nakita ang nakangiting si Vladimir.

Napataas ang kilay nya. "Ano 'yan?"

"Bulaklak?" Alanganing sagot nito kaya napairap sya saka nilagpasan ito. "Teka faye!" Pigil sa kanya.

"Magpapalit ako," sambit nya saka umakyat sa tree house, ini-lock nya ang pinto at nagbihis. Paglabas nya ng veranda ay nakita nyang nakaupo sa silya si Vladimir habang nakasimangot, yumuko pa ito at napabuntonghininga.

Bumaba sya kaya agad na tumayo ito at ngumiti ng makita sya, lumapit ito at iniaabot sa kanya ang bulaklak. Napataas ang kilay nya. "Anong gagawin ko dyan?"

"Faye naman, sorry na..." naglalambing na sabi ng binata, halos magpa-cute na ito para lang bigyang pansin nya.

"Pumasok ka kaninang umaga?" Alanganing ngumiti ito saka umiling bilang sagot kaya napahalukipkip sya at napataas na naman ang kilay nya. "Saan ka nagpunta?"

Napa-pout si Vladimir saka naglalambing na hinawakan sya sa bewang. "Pumunta ako sa bayan, balak ko sanang ipagluto ka ng paborito mong ulam kaya namalengke ako ng maaga ng makitang wala tayo ng kailangan do'n tapos natagalan ako kasi di naman ako masyadong familiar sa palengke sa bayan," napasimangot ang binata habang nagpapaliwanag. "Tapos pagbalik ko sabi ni Alicia nakaalis ka na daw para pumasok sa eskwelahan."

San Lazarus Series #6: Onerous ✔Where stories live. Discover now