Chapter 2

1 0 0
                                    

“Madi, puwede samahan mo ako sa bldg 16? may ibabalik lang ako” bungad ko kay Madi pagkapasok niya

“wow, good afternoon, El-luh” natatawang bati nito “ano naman gagawin natin sa mga STEM? reresbakan si Novy”

“Diction, Madi, Diction. I just want to sauli this to someone that I met in faculty”

“wow si ate girl, conyo”

hinila ko ito papunta sa building na sinasabi ko upang maisauli na ang badge id pin na nakuha ko

“teka lang, gilid lang naman ng building natin yung building 16 maka hila naman ito wagas. siyaka ano yan?”

kinuha niya ang badge id pin na ag mamayari ng lalaki na nakilala ko kahapon

“tangina, ang wiwirdo ng pangalan ng mga tao ngayon”

hindi namin kasalanan na ganito ang pangalan namin

nandito na kami sa harap ng room ng lalaki, 4th floor, grabe para akong kinakapos ng hininga

“hello, good afternoon po, andito po ba si Leo Iror Escalante?” tanong ko sa kaklase niya

“Iror? what?”

mukhang parehas na kaning naguguluhan, pero sinabi ko naman ng buo ang pangalan ng lalaki ah? is my fault na ang hirap i pronounce ng name niya

“ahh” sumigaw ito “Escalante!”

“what the fuck, why are you shouting my name? I am just here” iritadong sabi ng lalaki

nandyan lang pala siya hindi pa lumapit

“uhh, hello, mr. Escalante? I think this is yours. nahulog mo ito kahapon sa may harap ng faculty nung tumakbo ka” magalang kong inabot ang id pin sakaniya

“oh, yes. this is mine, thank you! but it's not Iror” natatawang sabi pa nito “it's, Ihreyor”

gegege salamat

“okay, I am so sorry”

agad kong hinila si Madison para makababa na kami ng building at makabalik sa room

“ang aasim ng mga STEM no? sigawan sila nang sigawan” tumawa nalang ako “it's not iror it's ihreyor” pang gagaya pa nito

“may mga galit ka ba sa mga STEM students?” seryosong tanong ko

“ha? wala, nakakairita lang sila” patuloy lang ito sa pag tawa

“ha... ha... ha...” pang babasag ko rito “sama ng budhi”

“wow, thank you”

dumaan ang ilang oras ngayong araw, nag pakilala lang uli sa bawat isa dahil sa utos ng mga teachers, wala uling discussions kaya sa loob ng dalawang oras sa classroom ay chikahan lang, madalas din akong tanungin ng mga teachers dahil alam nilang kasama ako sa mga tatakbo sa student council

bukas na rin sasabihin ang mga naka pasa sa screening, kinakabahan na ako

pagkatapos ng school hour ay dali-dali akong pumunta sa palengke upang bumili ng mga gamit, mas mura kasi sa bangketa

buti nalang ay pinapadalahan pa ako ng lola ko na nasa ibang bansa

napaka lungkot nga, dahil andito nga ang tatay ko pero hindi naman siya nagpapaka tatay sa akin. hindi naman siya ganiyan dati, pero nung namatay si mama ay naging ganyan na siya. buti nga ang mga kapatid ko ay nasa ibang bansa kasama ang lola ko, hindi na sila pinauwi ni lola nang malaman ang kalagayan ko

sinubukan naman akong kuhain ng lola ko pero nagkasakit ako eh, at ayaw akong ibigay ng tatay ko

ayaw niya pala ako ibigay pero hindi ako tinatrato ng tama, gago rin eh

Leading with Love(Student Leaders Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora