BSK wan :3

31K 753 75
                                    

PASENSYA NATAGALAN,NA BUSY SA PAGTITINDA,TAS NAG FIESTA PA DITO SA A-VALLE,TAS SUMAKIT NGIPIN KO AT NAMAGA ANG GUMS :/ TAS AYUN.

Maikli lang po itong chapter one,wala talagang pumapasok sa isip ko eh. Ganito siguro pag ilang araw kang pagod,tas masakit ngipin,alam niyo naman pag masakit ang ngipin buong katawan at sistema ay apektado. Kainis,namamaga na gums ko,para akong may beke :(

--

And so came the pasukan,medyo gamay ko na ang Tejero Night High School,huwag kayo magtaka ganito sa Cebu,pag public ka ay pang gabi ang High School.

Pang limang araw na ng klase,and would you believe? Classmate ko pala ang bastos sa kanto na si Air John Armenion. Yes,classmate ko ang walangya! At limang araw na nya akong iniinis! Hindi ko alam kung totoong gusto niya magpa ano o nang iinis lang siya?! Lagi tuloy kaming tinutukso ng mga classmate namin,nahiling ko tuloy na sana si Kneel na lang ang classmate ko,kaso hindi eh!

Naalala ko pa,matino at maayos yung pagkakatanong ko kay Air kahapon.

"Air,san nag aaral si Kneel?" ang tanong ko habang naghihintay kami sa third subject teacher namin,nakapangalumbaba ako at katabi ko siya.

"Bakit mo tinatanong? Sus! Mas malaki at mas masarap ang akin kesa sa pinsan kong 'yon." sagot ng animal at nginisihan ako.

"Buang!" sabi kong ganyan na ikinatawa niya. Sana pala hindi na ako nagtanong. Wala din akong napala. At ayun,tinukso na naman kami ng mga kaklase namin.

At eto nga,dahil friday na ay tambak kami sa mga lectures,medyo nakaka drain ng utak ang grade twelve,kaya eto recess na at nakanganga lang ako sa upuan ko.

"Teh,walang balak kumain? Ge ka,magagalit si Air." ani Jikloy,kaklase ko na isa ding sirena,morena ang impakta at malakas ang sense of humor.

"Gusto mong itapon kita sa may sapa ng tejero?" inirapan ko siya na ikinahagikgik lang niya.

"Huwag na umarte,palay na ang lumalapit sa manok." segunda naman ni Kendi,ang babaeng maganda pero parang bakla kung umasta.

"Sabihin mo,damo na mismo ang lumalapit sa kabayo." ani Jikloy na ikinanganga ko.

"Mukha ba akong kabayo?" ang agad kong react.

"Ikaw nagsabi nyan." nakangising sabi ni Jikloy.

"Kakalbuhin kita!" tumayo na agad ako,hinablot ni Jikloy si Kendi at nanakbo ang dalawa palabas ng room.

Agad ko silang hinabol kahit pa hindi naman ako kamag anak ni Road runner ay binilisan ko ang takbo ko.

Nang makababa sa ground floor ay hingal na hingal na ako at hindi ko na makita kahit anino ng dalawa.

"San na nagpunta ang dalawang iyon?" lumingon ako sa paligid. Medyo nagtayuan ang balahibo ko dahil ang tahimik at nakita ko agad yung puno sa tabi ng building namin.

Ito ang hirap ng pang gabi ka,kailangan mo maging matapang kung takot ka sa ungo (multo). Kahit pa may iilang estudyante eh nakakatakot pa din.

Kumalam ang tiyan ko kaya nagdesisyon na lang akong puntahan yung tindahan dito sa loob ng school. At buti naman madaming tao,kaya lang wala dito sina Kendi at Jikloy.

Nasan kaya yung mga impaktang mga yon? Kumain na lang ako at ng matapos ay bumalik na sa room. And guess what? Nandun na ang mga impakta pati si Air na pinagkakaguluhan na naman. Buti na lamang at dumating na ang teacher namin.

Nine thirty ang dissmissal kaya nagmamadali na akong umuwi,gusto ko ng maka uwi para makapag laro ng clash of clan,saka nakita ko kanina kay Air kung anong clan nila,sasali ako para kahit papaano ay mapalapit ako kay Kneel my loves,nakaka sawa na din kasi na panay stalk lang ako sa facebook at Instagram niya.

Naglalakad na ako pauwi,nasa may Cebuana Lhuiller na ako ng may pamilyar na boses ang tumawag sa akin. Binilisan ko ang paglalakad kaya lang naabutan niya ako.

"Hoy Koiji! Nagmamadali ka ba? Tara muna sa may tulay sa sapa,samahan mo ako,saglit lang." ani Air na talagang inakbayan pa ako.

Infairnes,mabango siya! Pero hindi mababago ng bango niya ang pagiging bastos niya.

"Huh? Ayoko nga! Baka e-salvage mo ako!" pag piksi ko pa para powerful.

"Tsk! Ang arte mo naman? Tara na! Saglit lang naman!"

Kinaladkad niya ako mga ate! Ayoko naman mag eskandalo kaya nagpakaladkad na lang ako.

Ang dilim sa may tulay sa sapa,gilid ng Tejero Night High school. Kung bakit ba kasi hindi inaayos ng VECO ang ilaw ng poste dito? Madaming tatambay talaga dito.

(VECO- Visayan electric company. At yung Tejero Night High school naman ay Tejero Elementary school pag araw.)

Naupo sa railings ng tulay si Air,nagulat pa ako ng magsindi siya ng sigarilyo.

"Hoy?! Naninigarilyo ka?!" sabi ko at lumapit sa kanya. "Masama yan!"

"Uy! Concern siya!" panunukso pa ng gago.

"Siyempre! Alam mo ba na bawat hitit mo nyan eh malaki nababawas sa buhay mo? Maawa ka naman sa sarili mo at sa mga magulang mo! Mahal kaya ang--"

"Hep!" pamumutol ni Air sa sinasabi ko. "Alam ko na lahat yan! Sinama kita dito para may kasama ako,hindi para sermunan ako!"

Okay. Tatahimik na ako,ano nga bang pakialam ko? Hindi naman kami close.

"Okay. Nagpapa alala lang naman." ang sabi ko na lang at nanahimik na.

"Tapos na. Saglit at iihi lang ako." aniya,bumaba at umihi dun sa gilid ng poste na walang ilaw.

"Hahay! Mga lalaki nga naman." bulong ko habang naghihintay.

"Shit! Atay!" biglang sabi ni Air na ikinagulat ko.

"Hoy! Bakit? Anong nangyari sayo dyan?" ani ko at bumaba na din.

"Yung zipper ko,na stuck up! Hindi maisara!" ang taranta niyang sabi.

"Kung bakit naman kasi ganito ang pantalon natin eh? Problema ko din yan." sabi ko naman. Totoo naman kasi,hindi matino ang uniform eh,yellow na blouse at blue na palda sa babae,yellow shirt sa lalake at kahit anong uri ng pantalon basta kulay itim.

Ang pantalon ko fitted,ang kay Air naman tulad dun sa mga uso na pantalon ngayon na may pagka fitted din.

"Can you help me,Koiji? Ikaw ang magsara?" ang sabi ni Air na nagpatigil sa pagdaldal ko sa aking isipan.

"Huh? Buang ka ba?" ang shock kong sabi. Ayoko nga,baka mapagkamalan pa kaming may ginagawa ng mga dumadaan. Ayoko ma eskandalo,at saka takot ako na baka masagi ko ang ano niya no?

"Sige na! Hindi ako magrereklamo kung masagi mo ang akin,basta maisara lang ang zipper ko! Ayokong maglakad pauwi na ganyan zipper ko,at isa pa,hindi tayo kita ng mga nasa kalsada." ani Air na mukhang frustrated na.

Ano pa nga ba? No choice na ako,hindi naman masama ugali ko kaya tutulungan ko siya.

Pikit matang hinawakan ko ang zipper niyang sobra pala sa pagkaka baba,kailangan ko pang yumuko ng kaunti para maayos ko ang paghawak. Kahit madilim ay kita ko pa naman dahil sa ilaw ng mga bahay at sa ilaw na galing sa school,yun nga lang pag nasa kalsada ka,madilim ang tingin dito at hindi mo mapapansin kung may tao.

"Ang tigas ng zipper,nasobrahan sa pagbaba." reklamo ko.

"Sige lang." sabi naman ni Air.

"Kainis." no choice,kailangan kong idiin ang isa kong kamay sa ano niya para maitaas ko ng may pwersa ang zipper.

"Uhm.." daing ni Air. My gawwd! Tumaas ka zipper! Sumara ka ng maayos!

"Ayan na!" naitaas ko ang zipper,pinagpawisan ako dun ah. "Ikaw na magsara." ani ko at dumistansya agad.

"Salamat!" ani Air at agad ng naglakad paalis.

Walangyang yun? Iiwanan talaga ako?!

"Hoy! Air John! Hintay!" sigaw ko at sumunod agad. "Bakit ka ba nagmamadali?"

"Kailangan ko ng maka uwi! Tinigasan kasi ako at baka may kung ano akong mapagawa sayo!" sagot niya at agad tumawid.

Napanganga ako at nalaglag sa lapag ang panga ko sa sinabi niya.

Ano daw? Tinigas-what? Tinigasan siya?!

Ang Bastos Sa Kanto III (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon