CHAPTER 22

1.5K 30 14
                                    

CHAPTER 22

ZHENNICA POV.

Pagkatapos niya papirmahan sakin ang Married contract ay iniwan ako nitong hindi alam ang gagawin, pagkatapos niya ko halakan ay basta na lang ito tumalikod naiwan akong tulala. Umiiyak na napaupo na lang ako sa lapag.

Bakit sakin pa nangyari lahat ng ito? Masama ba ako nung past life ko kaya kung parusahan ako ngayon ganon ganon na lang? Hanggang kailan ako mag titiis sa ganto nagsasawa nako ok naman na kami nang mga anak ko nung wala sya ehh sana hindi na lang niya kami ulit ginulo sana hinayaan na lang niya lang kami, Pagod nako..
Umiiyak na sabi ko sa isip ko.

Pagod nako...

Pinilit kong tumayo kahit na hinang hina yung tuhod ko, nag lakad ako papunta sa kwarto ng mga bata, Para sa mga anak ko gagawin ko ang lahat wag lang sila mawala sakin, mas gusto ko na ako ung mag dusa kaysa ang mga anak ko. Nang makapasok ako sa kwarto nang mga bata ay agad akong dumaretso sa kama ng mga ito, hindi ko alam pero nang makita ko ang mga anak ko ay napangiti ako ng mapait. Hinalikan ko sa mga noo ang mga ito bago humiga sa tabi nila. Hindi ko namalayan na nakatulog ako sa tabi nila. Nagising na lng ako na nasa ibang kwarto na at ramdam ko ang bagay na nakadagan sa tyan ko. Habang may matigas na bagay na nakakapulupot sa bewang ko, nang sinubukan kong gumalaw ay hinapit ako nito palapit sa katawan nito nanayo ang mga balahibo ko sa katawan nang maramdaman ko ang hininga nito na tumatama sa leeg ko. Nang subukan ko makawala ay nagulat ako ng daganan ako nito. Umahon ang takot sa dibdib ko nang maamoy ko ang alak sa bibig nito.

"Shhh wala akong gagawin sayo hayaan mo lng muna ako sa ganto please?"
Nasa boses nito ang pakiusap.

Hindi ko alam anong nagtulak sakin para hayaan sya, hanggang sa makatulog ito ay nakadagan lng siya sakin. Nanatili lng akong tahimik nang sinubukan kong umalis sa pagkakadagan niya ay malaya akong nakaalis, agad akong tumayo at inayos ang sarili ko saka siya kinumutan.

Agad akong dumaretso sa kwarto ng mga bata para lang kabahan ng hindi ko makita ang mga bata. Agad akong nataranta.

"Cyrus, sophia?"
Kabadong tawag ko sa dalawang anak ko.

"Anakk..."
Malakas na natawag ko sa pangalan ng mga anak.

Nagulat ako ng may sumulpot na yaya sa harap ko.

"Ma'am gising na po pala kayo"
Magalang na sabi nito.

Agad akong lumapit dito

"N-nakita ninyo ba ang mga anak ko??"
Tarantang tanong ko sa takot na baka inilayon sakin ni primo yung mga anak ko.

"Ahh opo ma'am andon po sa likod kung saan po may playground"
Sabi nito

Agad akong nakahinga sa sinabi nito. Akala ko inilayo na nya sakin yung mga anak ko.

"N-nasan po?"
Wala sa sariling tanong ko

"Ihahatid kona po kayo ma'am"
Sabi nito

Agad ako nitong hinatid sa likod ng mansyon na yon, nakita ko ang paglalaro ng dalawang anak ko, may kasama itong isang batang lalaki. Agad akong nakita ng anak ko.

"Mommy"
Tuwang sabi ni sophia

Agad itong sumalubong sakin at niyakap ako sa hita agad akong lumuhod para mayakap ito.

"Mommy si kuya Xander po"
Pag papakilala nito sa lalaking tahimik na nakamasid samin.

"Anak siya nung kaibigan ni daddy mommy"
Sabi ni cyrus

"Hi"
Maikling sabi nito

"Hello how old are you?
Nakangiting tanong ko

"8 years old"
Maikling sagot nito.

Napanganga ako dito kung anak ito ng kaibigan ni primo ang tanong sino sa mga kaibigan ni primo.

End of chapter 22

sorry sa late Ud medyo busy sa work ehh, sana maintindihan I'll try my best para makapag Ud agad. Keep safe everyone thankyou. Sa pag supp sa Story na to.🖤

Mr. demon obssess with meOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz