10

254 6 0
                                    

Ngayong araw na ang play at lahat ng mga estudyante ay inanyayahang manood nito. Ilang sandali nalang at maguumpisa.

Sumilip ng bahagya si Trisha para tingnan ang mga nanonood at kumabog ng malakas ang dibdib ng makita niyang unti unting napupuno ng mga tao ang auditorium.

"A-Ang dami namang manonood." bulong niya.

"Trish." napalingon siya sa likod niya ng tawaga siya ni Earl.

"Earl.." banggit ni Trisha sa pangalan ni Earl at saka hinawakan ang kamay nito. "Kinakabahan ako huhu." napansin ni Earl ang nanlalamig na kamay ni Trisha.

"Ang lamig ng kamay mo." natatawang wika nito. "Kaya mo 'yan, galing galing mo sa rehearsals e. Sisiw nalang sa'yo mag perform 'no." sinubukan ni Earl na palakasin ang loob ni Trisha.

Huminga naman ng malalim si Trisha upang pakalmahin ang kaniyang sarili.

"Okay, mag inhale exhale muna ako." ani Trisha. Nang kumalma na s'ya ng bahagya ay sumilip muli siya sa mga nanonood.

"Nonood kaya s'ya?" wala sa sariling usal niya kaya napahawak siya sa dalawang pisnge n'ya. "Ano naman kung manood s'ya or no?" tanong niya sa sarili niya at napa-iling iling na lang siyang bumalik para maghanda.

***

Madami pa rin ang nakapila sa labas ng auditorium. Wala namang bayad ang manood dito, ang tanging kailangan lamang ay ipakita ang ID sapagkat bawal ang outsiders sa loob.

Napansin ng bantay na estudyante ang isang naka hoodie na tao. Hinarang n'ya ito ng makita niyang wala itong suot na ID.

"Excuse me, Sir. Bawal po ang outsiders dito." wika nito. Nilabas naman nito ang kaniyang ID at ipinakita sa bantay.

"Tooru Oikawa.." basa nito ang pangalan n'ya. "Ay sorry po. Pasok na po kayo." iyon lamang at pumasok na s'ya sa loob.

Naupo siya sa gitnang parte para kitang kita niya palabas.

"Why am I here?" bulong niya sa sarili n'ya.

Ilang sandali pa at nagsimula na ang play.

So far so good, tahimik lang na nanonood si Tooru. Medyo na impress siya dahil hindi niya alam na magaling palang um-acting si Trisha. Maya maya pa, nasa exciting part na sila ng play.

Nangunot ang noo ni Tooru nang makita niyang hinawakan ni Trisha ang kamay ni Earl.

"P-Pablo, g-gusto ko sanang malaman mo na.. matagal na kitang gusto."

"Hah!" mahinang usal ni Tooru.

Bumitaw si Pablo sa pagkakahawak ni Mariel at saka siya tumingin dito.

"Mariel, mahal ko si Fatima." usal nito.

"Tss! If I were Pablo kay Mariel na lang ako!" inis na wika ni Tooru. Napatingin naman sa kaniya ang mga katabi niya kaya napa clear throat nalang siya at nanahimik.

Ilang scenes pa ang nakalipas..

Nag punta si Mariel sa birthday celebration ni Pablo dahil inimbitahan siya nitong pumunta.

"Happy birthday, Pablo." masayang wika ni Mariel saka niya inabot ang regalo nito sa kaniya.

"Thank you, Mariel. Buti naman at naka punta ka." masayang wika rin ni Pablo. Napangiti naman si Mariel.

"Ikaw pa ba tanggihan ko?" tanong nito at parehas lamang sila natawa habang nakatingin sa mata ng isa't isa.

"Boring e." reklamo ni Tooru.

Teardrop | Oikawa Tooru - Haikyuu! (Tagalog)Where stories live. Discover now