Chapter 21

216 9 1
                                    

Chapter 21

Binitawan ko agad ang baril na hawak ko kasabay ng pagluhod sa sahig. Nanginginig kong tiningnan ang mga kamay ko na may bakas ng dugo kasabay ng pagtulo ng luha mula sa mga mata ko. Naghalo na ang dugo ko at ang dugo niya rito. Hindi naman ito ang unang beses na nakapatay ako pero hanggang ngayon ay nakakapanghina pa rin kapag nasa ganito akong sitwasyon.

Napatingin ako sa glass door ng magbukas ito at natanaw kong nagmamadaling pumasok si Nikolaus kasama ang foremen niya. Agad niya akong nilapitan at sinuri ang lagay ko.

"N-Nikolaus..." nauutal ako at sobra ang panginginig pero hinawakan niya lang ang kamay ko habang diretsong nakatitig sa mga mata ko. "N-Nakapatay ulit ako ng t-tao." Sabi ko at sunod-sunod na bumagsak ang luha sa mga mata ko. Mabilis niya naman akong niyakap.

"He's not a human. He's a monster."

Kumawala ako sa pagkakayakap sa kanya at piniling tingnan siya sa mga mata. Huminga ako nang malalim bago ulit nagsalita.

"I did it..." Napakunot ang noo niya. Pinakita ko naman ang formula na hawak ko na mukhang ngayon niya lang napansin na hawak ko. "In order to save it, I killed someone to protect it. It's the least I can do for you. Sana... sana na-appreciate mo." Sabi ko bago tuluyang bumagsak sa kanya at mawalan ng malay.

The battle was over but I know they're not going to stop just to get the formula to Nikolaus' hands. Ibig sabihin, hindi na kami ligtas dito sa mansyon ni Nikolaus.

"'Yung... mga magulang mo," nagsalita ako habang nagdadrive si Nikolaus papunta sa office niya. Dalawang linggo na ang nakalipas simula nung may malaking naganap sa mansyon niya. "Bakit parang... handa ka nilang patayin... makuha lang 'yung formula ng antidote sayo?" Curious na tanong ko. Medyo nag-aalangan pa nga ako kung ipagpapatuloy ko pa ang pagtatanong ko o hindi.

"I'm not their biological son." Napatingin ako sa kanya dahil mabilis ang naging pagsagot niya. "Even if they kill me, it will not affect them. They'll be more happy if that happens."

"I'm sorry." Napatungo ako at kinalikot nalang ang mga daliri ko. I felt guilty for him. Siguro hindi ko na dapat iyon tinanong pa. Pero ngayon ko lamang nalaman ang patungkol sa mga magulang niya.

"Its okay. I'll kill them too." Muli akong napatingin sa kanya. Akala ko ay nagbibiro lang siya sa sinabi niya pero walang halong biro ang makikita sa mukha niya.

"Kahit sila ang nagpalaki sayo?"

"We're here," hindi niya sinagot ang tanong ko. Siguro nga ay ayaw niya ng pag-usapan ang patungkol sa mga magulang niya kaya tumahimik na lang ako.

"Ilan ang meeting mo ngayon?" Paakyat na kami sa office niya.

"Only one." Tumango naman ako.

Palagi akong sinasama ni Nikolaus sa mga lakad niya o sa mga lugar na pinupuntahan niya. Business man, transaction, o kung ano pa man dapat ay kasama niya ako. Hindi niya na ako iniiwan sa mansyon. Parang... mas naging maaalalahin siya sa akin ngayon hindi tulad ng dati. Siguro ay dahil na rin sa nangyari.

Sumalubong sa amin si Briggs pagkabukas ng elevator na para bang inaabangan ang pagdating namin. Kumaway naman ako sa kanya at ngumiti. Ganoon din siya sa akin bago bumaling kay Nikolaus.

"Meeting is ready. Let's go straight to the boardroom." Saad ni Briggs, hawak ang Ipad niya. Nasa likod lang nila ako, nakasunod sa kanila habang nakikinig din sa pinag-uusapan nila.

"Sa office mo nalang ako maghihintay," sabat ko naman bigla. Mahalagang meeting pala iyon ni Nikolaus kasama ang board members kaya pinili ko nalang na hindi sumama roon.

Hide and Seek (A Dark Mafia Needs A Wife) - CompletedOn viuen les histories. Descobreix ara