Chapter 3

239 14 7
                                    


Tomorrow. In front of UPFI, 5pm.

Ayan ang response ni Archie kagabi nang tinext ko siya. Tama, text nalang. Naisip ko kasi na baka naman isipin nito crush ko siya kapag tinawagan ko pa siya in the middle of the night. Para naman akong humihiling ng late night talks!

Nandito na ako sa tapat ng UPFI, 'yong building ng film studies. Isang oras na yata ako dito. Hindi ako excited, maaga lang talagang natapos 'yung klase ko!

Maya-maya, nakita ko na rin si Archie na bumababa ng hagdan at papalapit na sa direksyon ko. Nag panggap akong hindi ko siya nakita. Kunwari malabo mata ko!

"Yo," Archie arrogantly called me. Balik na naman siya sa normal! Parang hindi tuloy si Archie 'yung kausap ko sa sunken na nag p-play ng Pahintulot by Shirebound and busking habang kinukunan ng retrato 'yung langit!

"Uy! Andiyan ka na pala," I said so awkwardly. Archie frowned at me.

"Ah, really? You really think na I didn't see you waiting for me habang pababa ako?" He said. Archie sat down beside me as he answered his phone. He looked stress.

"I'll be late lang, Gino. Mabilis lang, I promise," Archie convinced Gino on the line.

Archie stood up and talked to Gino quietly. Taray, confidential?

I looked at the sky. Ang malas ko naman, mukhang uulan pa! Wala na namang masasakyan nito mamaya. Hay, pinili na naman ni lord bilang isang strong soldier!

"May lakad ka?" Agad kong tanong kay Archie nang lumapit na siyang muli sa'kin. As much as I want this interview, ayoko namang maka istorbo sa personal life niya.

"It's okay," He said and walked towards his car. A black audi was waiting for us, iba na mula roon sa bmw mina-maneho niya noong senior high. This one suits him better.

Habol kong sinundan si Archie. Ang bilis naman mag lakad. Walang pakundangan sa kasama naman ang taong 'to!

"Sakay na," He opened the door for me. Ayan, para na namang nag hihimala ang panginoon at tinatablan na naman siya ng kapirasong kabaitan sa katawan.

"Saan tayo? Ki-kidnapin mo ba ako, hoy?"

I looked at him puzzled but still went inside his car. It was clean. Hindi naman na nakakapagtaka na malinis ang sasakyan niya dahil noon pa lang ganyan na siya. Basagulero lang naman 'yan noon pero malinis naman talaga siya— at kung magiging honest ako, oo, mabango siya.

"Hoy, cancel nalang—"

"Sabi ko okay lang, right?" He rolled his eyes as he maneuver his car. Si sungit!

"Punta ka na dun kay Gino, sama nalang ako saglit," I offered.

Two reasons— nahihiya ako na may lakad pa pala siya, at syempre, baka jamming 'yon! Magaling kasi talaga sila kaya gusto kong mapanood.

Kahit na magkaka hiwalay na sila ngayong college, kilala pa rin sila dahil tumutugtog pa rin sila sa iilang bar. Mas madalang na nga lang ngayon dahil sa sobrang busy na rin siguro.

Gino went to Ateneo, mag aabogado raw. Si Poch naman nasa NU, mag a-architect! Nagulat ako! Sino bang mag aakala na artistic pala 'yon? Mas mapagkakamalan ko pang adik 'yon kesa artistic!

Archie connected his phone on the aux. My Jinji was the first song to automatically play. Medyo maganda pala talaga music taste niya 'no? Medyo hindi pang tipikal na nakikipag suntukan araw-araw sa tapat ng northford noon.

"You can interview me here, kailangan ba may video?" He said while driving.

Bukod sa basic questions, sa totoo lang, hindi pa ako prepared. Masyado kasing excited 'to si Archie na makita ako eh, kinabukasan agad! Kahit naman oplan makita ang genuine smile ni Archie 'to, syempre kailangan ko pa rin isipin 'yung trabaho ko sa Clarion! Baka tamaan ako sakanila kapag sumablay 'to!

Letters never sentWhere stories live. Discover now